*LEXIE'S POV*
Baril doon...
Baril dito...
Hagis doon...
Hagis dito...
Tago doon...
Tago dito...
Ang leader ng Red Demons Gang ay nakipagbarilan sakin. Ang mga kaibigan ko ay nasa sulok, umiiyak at takip-takip ang mga tenga. Sina Anderson's ay pilit pinapatibay ang buong katawan---
BANG!...
"Argh, shit!" Daing ko dahil natamaan ako sa may balikat
Hindi ako nagdalawang isip na lumabas sa tinaguan ko at pinosisyon ang katawan, itinutok ko ang dalawang baril sa mga Men in Red at binaril. Natamaan ko sila pero hindi gaano ka rami, nang maubusan ng bala ay tumakbo ako at nagtago sa ilalim ng lamesang malaki.
Wala na akong bala dahil kanina pa ko nakipagbarilan kaya lumabas ako sa tinataguan at hinagis ang dalawang baril sa mga Men in Red. Tumama ang dalawa kung baril sa ulo ng dalawang Men in Red, dahil siguro sa lakas ng paghagis ko ay natumba lang sila bigla. Ops!
Bumalik ako sa tinataguan kung mesa at kinuha ang daggers, Tig-aapat na dagger sa mga daliri ko. Huminto na din sa pamamaril ang Men in Red at ang leader ng RDG kaya tumakbo ako papunta sa kinaruruunan nila. Hindi nila ako napansin dahil nag-uusap usap sila. Hindi nako nag-aksaya ng oras at sinugod sila, hinagis ko ang walong dagger sa walong lalaki na nakatalikod sakin.
At sinigurado kung sa leeg nila tatama pero bigla silang lumingon sa kinaruruonan ko kaya tumama ang mga dagger sa may pisngi nila, napangiwi ako dahil nagsitalsikan ang mga dugo. Brutal ba ko? Hindi kaya (-_-) sadyang nagkataon lang yun. Lumingon sila eh, tsk
Ang leader ng RDG nalang ang nandito, at mukhang hindi ko na kaya dahil may tama ako sa may balikat at marami-rami din ang nawala. May mga malalaking sugat din ako sa ibat-ibang parte ng katawan, medyo dumilim ang paningin ko kaya napapikit ako at humanap nang makakapitan. May nakapitan naman ako at mga ilang minuto ay nawala na ang pandidilim ng paningin ko
Paglingon ko sa harap ay medyo nagulat ako dahil nakatutok sakin ang baril ng RDG
"The Highest One, ako sana ang Highest One eh. Kaso Hindi mabait si Satanas kaya no choice ako na patayin ang The Highest One 'kuno' ready kana bang mamatay?" Pangisi-ngising sabi ng RDG leader
Wala akong pinakitang emosyon at dinuraan siya, napapikit siya dahil tumama yun sa makapal niyang mukha. Papaputukin na sana niya yung baril kaso may biglang humampas na kahoy sa may likuran niya, si Dark
YOU ARE READING
Defiant Girls: Meet Them
Fiksi RemajaEnlu Readers! This is my FIRST Story Written here in Wattpad! "Defiant Girls: Meet Them" Hope you like this story (^•~) Kindly Follow and Vote Mwuah² tsup² --- Lexie Rose Cohen, isang babaeng maldita, napakasama ng ugali. Lahat ng kasamaan ay nasa...