"Friends?" Nakangiting tanong ko kay Misty at saka inilahad ang kamay ko. Tinanggap niya naman 'yon agad at ngumiti rin sa akin.
"Friends!" Nakangiting sagot niya at sabay kaming natawa.
"Magkikita pa kaya tayo ulit?" Inosenteng tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa bench sa loob ng ospital.
"Aalis na kami rito. Pupunta kami sa malayo ni Mama. Kaya hindi ko rin alam kung magkikita pa tayo." Sagot ko sa kaniya habang ini-imagine ang lugar na pupuntahan namin ni Mama.
"Aalis na rin kami e. Magpapagaling na lang daw ako bago kami umalis dito." Malungkot na sagot din ni Misty.
That was the first time na nag-usap kami ni Misty nang maayos. Puro kasi kami laro at asaran, kaya ngayong kailangan niyang magpahinga nang mabuti ay nag-usap lamang kaming dalawa.
Matagal na kaming naglalaro ni Misty dito sa ospital. Palagi rin kaming pinapagalitan ng Mama niya. Bawal daw kasi kay Misty 'yon baka raw kasi mabagok ang ulo niya. Kaya naman puro kwentuhan at asaran na lang kami ni Misty.
Si Mama ko naman ang nandito sa ospital. Binabantayan niya si Papa. Nagpapagaling pa si Papa dahil sa nangyaring aksidente sa trabaho niya.
Hinatid ko na si Misty sa kwarto niya para makapagpahinga na siya. Aalis na sana ako nang tawagin ako ng Mama niya at bigla akong niyakap.
"Salamat sa 'yo. Hinding-hindi kita makakalimutan. Aalis na kami ni Misty dito bukas. Sana makita kitang muli." Nalungkot ako sa sinabi ng Mama ni Misty. Kailangan na pala nilang umalis agad.
"Ingat po kayo Tita." Maluha-luha kong sabi sa Mama ni Misty na nakayakap pa rin sa akin.
Ilang buwan na kaming nag-stay sa ospital. Kaya naging malapit ako sa kanila simula nang magising si Misty. Nakikita ko kasi na palagi siyang malungkot tapos umiiyak kaya nilalapitan ko sila kapag dumadating si Mama sa kwarto ni Papa.
"Magkikita kayo ulit." Nakangiting paninigurado ni Tita habang nakapikit at hinahaplos ang pisngi ko.
"Misty!" Sigaw ko ng paulit-ulit nang makita ko si Misty sa kabilang kalsada.
"Misty! Misty! Nandito ako! Misty!" sigaw kong muli at tatawid na sana nang may biglang humarurot na sasakyan. Hinila naman ako nang malakas ni Jacob dahil nga sa muntik na akong masagasaan.
"Ano bang problema mo?!" Hinatak niya ako kaya naman napatumba ako sa gilid ng kalsada.
"Si Misty. Kailangan ko siyang puntahan. Gusto ko siyang makausap." Wala sa sarili kong tugon kay Jacob kaya tumayo ako ulit at tumakbo nang mabilis patawid sa kabilang kalsada para maabutan si Misty.
Hindi. Hindi pwede. Kailangan ko siyang makausap. Nandito siya. Alam kong siya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Misty nasaan ka na?!" Sigaw ko pa at muling tumakbo papunta sa kung saan ko huling nakita si Misty.
"Hi Jason!" Napahinto lang ako sa pagtakbo nang harangan ako ni Leah. Pilit ko pa ring tinataw si Misty sa kung saan pero tuluyan na siyang nakalayo.
"Itigil mo na ang lahat ng binabalak mo Leah. Kilalang-kilala kita." Tinignan ko siya nang matalim at bumalik na lang kila Jacob.
Wala na ako sa sarili buong klase namin. Hanggang sa makauwi ako sa bahay. Kitang-kita ko lahat ng mga libro na nasa loob ng kwarto ko.
Hindi ko inaasahan lahat 'to. Simula pa lang noong una alam kong ikaw pa rin.
Ikaw pa rin makalimutan man kita.
*****
Pansinin niyo 'yong picture sa itaas! HAHAHAHAHAHAHAHA! Sinipag din ako mag-edit niyan e ba't ba? HAHAHAHHAAHAHAHA! Enjoy lamang sa pagbabasa mga hakdog and stay safe always oki?
-MistyXavy-
YOU ARE READING
Almost With You
RomanceC O M P L E T E D Jason is a famous idol who found out the truth about his past life. He has met the one he promised to find even before he could remember her. Yet someone ruined their fate that made him forget about the memories from his past life...