Chapter 1

33 0 0
                                    

YNA'S POV

"Wow! totoo ba tong nakikita ko ngayon ang daming pagkain sa harap ko at ang sasarap pa may fried chicken, salad, isang buong litsong baboy at marami pa". - Yna.

Tumingin ako sa paligid, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa at baka may tao ngunit wala naman hanggang sa hindi na ko makapagtimpi pa at agad ko ng sinunggaban ang mga pagkain. Kain ako ng kain hanggang sa lumaki na ang tiyan ko at busog na busog na ko.

Maya-maya ay may narinig akong mga yabag na papalapit kinabahan akong bigla magtatago sana ako ngunit nasa likod ko na siya at unti-unti akong lumingon sa aking likod.

Tila ako napako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang tao na nasa likod ko isang lalaki na napaka ubod ng gwapo. Bigla siyang nagsalita at ang boses niya ay tila isang musika sa aking pandinig.

Munting binibini maaari ba kitang maisayaw? - lalaki.

Hindi ko na nagawang ibuka ang bibig ko at tila may kumokontrol sa aking kamay at inabot ang kamay niya. Hindi ko na namalayan na sumasayaw na pala kami, pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap...

Maya-maya bigla siyang huminto sa pagsasayaw nakatitig siya sakin hanggang sa unti-unti niyang niyuyuko ang kanyang ulo at ito na maglalapit na ang aming mga labi napapikit na rin ako ito na malapit na.....

BOOOGSH.........

"Aray! Ang sakit..." -Yna

Habang hawak-hawak ko ang mukha kong bumagsak sa semento tapos napasabi ko na lang.

"Hay kaasar panaginip lang pala sayang kung san magkikiss na kami saka pa ko nagising at kapag minamalas ka nga naman nalaglag pa ko sa katre at mukha ko pa ang unang tumama sa sahig". - Yna.

"Naku umaga na pala kailangan ko ng maghanda sa pagpasok."

Dali-dali akong naligo at nagbihis para sa pagpasok sa eskwela.

Nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Yna Celestial 3rd yr. highschool sa isang pampublikong paaralan nakatira sa isang maliit na bahay sa may Tondo, Manila. Mag-isa akong tinataguyod ng aking ina na nagbebenta ng isda sa may palengke minsan ay tumutulong ako sa aking ina sa pagtitinda. At ang aking ama naman ay mahigit 5 taon ng patay kaya naman kinailangan magtrabaho ng aking ina para may pangtustos kami sa araw-araw.

Nagsimula na kong maglakad sa school alam mo na sayang din ang siyete pesos na pamasahe sa jeep dagdag pambili pa yun ng project.

Buti hindi pa nagsisimula ang klase agad na kong pumasok at umupo sa upuan ko agad akong nilapitan ni Anne ang bestfriend kong babae.

"Oh! himala maaga ka ata ngayon may nakain ka ba, may lagnat ka ba o baka naman mamamatay ka na?" - Anne

Sabi niya sabay hawak sa noo ko.

"Baliw eh kung ikaw kaya patayin ko ngayon ha! Nanaginip lang ako ng maganda kanina kaso nabitin." - Yna.

"Oh! Eh ano naman ang napanaginipan mo aber?" - Anne.

"Well, ung prince charming ko lang naman." - Yna.

"Ayieeeee... Talaga kwento mo naman sakin tutal mahaba-haba pa naman ang oras." - Anne.

Ayun ikinwento ko na nga kay Anne yung panaginip ko pati yung pagkalaglag ko sa katre. As expected tawa sya ng tawa.

"Ahahahahaha..... Engot ka talaga best sa dinami rami ba naman ng hahalikan mo eh sa semento pa ahahaha, tsk...tsk..tsk... Idol na talaga kita best ikaw na." - Anne.

"Ewan ko sayo dun ka na nga." - Yna.

"Eto naman pikon kagad parang di ka na nasanay. Ano nga pala ung itsura nung prince gwapo ba?" - Anne.

"Natural gwapo prince charming nga eh, may mukhang unggoy ba na prince charming? Pero alam mo best hindi ko matandaan yung mukha niya pero alam kong gwapo siya kaya lang pag pinipilit kong tandaan ung itsura niya blurred eh ung pagkain lang talaga ang tandang-tanda ko." -Yna

"Mukha ka talagang pagkain kahit kailan. Alam mo best pakasalan mo na lang kaya ung pagkain." - Anne.

"Che! ewan ko sayo." - Yna.

"Pero seryoso best alam mo ba sabi nila kapag napanaginipan mo daw ung prince charming mo means malapit mo na siyang ma-meet OMG best ikaw na talaga." - Anne.

"Oh, hmmm..." - Yna.

Nagulat na lang kami ng may biglang nagsalita sa harap at nagsipag-balikan na ung mga classmate namin sa kanilang mga upuan.

"Okay class go back to your seats now! The class will start."- Ms. Castillo.

Hindi namin napansin na dumating na pala si mam kasi masyado napasarap ang kwentuhan namin kaya naman bumalik na si Anne sa kanyang upuan at nagsimula na kaming magklase. Pero siguradong kukulitin ako ulit nyan mamayang recess.

Starting over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon