Chapter 2

13 0 0
                                    

MIGUEL'S POV

"Sir gising na po kayo tanghali na po." - maid

"Let me sleep for 15 minutes ok...." - Miguel.

"Naku sir magagalit po sakin si mam nyan sabi po niya gisingin ko na po kayo at may pasok pa kayo ng 10am." - maid.

"Ako ng bahala dun kaya kung pwede lumabas ka na at pag kinulit mo pa ko sesesantihin na talaga kita. Now get out." - Miguel.

"P-pero s-sir ma-" - maid

Hindi ko na siya pinatapos at agad sinigawan.

"GET OUUTTT......! Bwiset kailangan pang sigawan hindi makaintindi makatulog na nga lang ulit." - Miguel.

Kaya naman sa takot lumabas kagad ung maid.

Bumalik na ko sa pagtulog pero makalipas ang dalawang minuto narinig kong bumukas ulit ang pinto ko, peste talagang mga maid na to hindi makaintindi kaya naman sisiguraduhin kong sesesantihin ko na ang mga to kaya naman sinigawan ko ulit.

"Di ba sabi ko pag kinulit mo pa ko sesesantihin na kita hindi ka ba talaga makain- Ma..!?" - Miguel.

"Anong sesesantihin? Baka gusto mo putulin ko ung allowance mo ha.. Miguel bumangon ka na dyan tanghali na aba at may pasok ka pa at mag-uusap pa tayo may kasalanan ka pa sakin tumawag ung school mo nakipag-away ka nanaman daw kahapon tapos umuwe ka pang lasing kagabi" - Mrs. Acuesta

"Eh kasalanan naman nun siya ang tatanga-tanga dyan ako ba naman hamunin niya saka pwede ma give me a break, halos araw-araw niyo na lang akong sinesermonan eh pag-umaga ikaw pag-gabi si dad naman, pambihirang buhay to."- Miguel.

"Aba Miguel hindi ka namin sesermonan kung magtitino ka eh sinisira mo na yang buhay mo eh!" - Mrs. Acuesta

"Ma hindi ko sinisira buhay ko nagsasaya lang ako." - Miguel.

"Ganyan ba ang nagsasaya pinapabayaan ang pag-aaral, nagbubulakbol at umiinom ha hindi ka naman ganyan dati ah?" - Mrs. Acuesta

"Hay ma ayoko nang makipagtalo kaya sige na please lumabas na kayo maliligo na ko ok.?" - Miguel.

Kaya naman agad-agad na akong bumangon para maligo kasi naman alam kong kapag hindi ako bumangon siguradong hindi ako titigilan ni mama sa pagsermon akala ko lalabas na si mama pero bigla na lang siyang nagsalita.

"It's been almost one year and until now you can't still move on I'm sure she's not happy on what you're doing to your life now. I know you love her so much and I love her too, but its not a reason for you to ruin your life Miguel." -Mrs. Acuesta.

Nang marinig ko ang sinabi ni mama tila binuhusan ako ng malamig na tubig hindi ako kagad nakagalaw at parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Kaya naman ang kaninang irritable kong mukha ay napalitan ng lungkot. Ganun din si mama.

"Ma please lumabas na kayo maliligo na ko." - Miguel.

"Miguel....." - Mrs. Acuesta.

Hindi ko na pinatapos si mama sa pagsasalita at agad-agad akong pumasok sa banyo naghubad at binuksan ang shower wala na kong pakialam kung malamig ang tubig na tumutulo sa katawan ko dahil ang isip ko ay naglalakbay pabalik sa nakaraan sa mga masasayang alaala at masasakit na alaala.

-----------------------------------------------

FLASHBACK

8 years ago..

Nakaupo ako sa may tabi ng pool nun, malungkot kasi nag-away ang mga magulang ko gawa ng nambabae si papa akala ko nga nun iiwanan na niya kami ni mama pero thank god hindi naman niya ginawa kami pa rin pinili niya sa bandang huli pero bukod pa dun may isa pang masaklap na nangyari, narinig kong kausap nung tinuturing kong bestfriend na hindi naman pala ganun ang turing sakin ang iba pa naming kaibigan habang bina-backstab lang naman ako.

Starting over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon