Chapter 4
"A-ano? Bakit naman?" takang tanong ko pa kay Alliyah.
"Dahil isa 'yon sa school policy. Once na bumagsak ka, wala ng warning papatayin ka nila agad"
"Eh bakit hindi kayo mag sumbong? May mga namatay na ba dito?"
"Gaya ng sinabi ng mga professor natin, hindi pwede 'yon. May ilang estudyante na ang nagtangkang mag sumbong pero walang nakagagawa non. Bago ka pa makapag sumbong, patay ka na. At oo, marami nang namatay rito" kunot noo at sobrang seryoso nya iyong sinabi at pinagpatuloy ang pagkain.
"Bakit hindi kayo lumipat ng eskwelahan? At pano yung mga magulang ng mga namatay dito?"
"Hindi kami pwedeng lumipat ng eswelahan dahil isa rin 'yong kasalanan dito at ang mga magulang ng mga 'yon? Wala silang alam. Hindi ba't bago ka pumasok rito ay may mga sinabi sa 'yo gaya ng school policy at iyong mayroong mga kwarto rito kung gusto mong mag stay dito sa school kung sakaling maraming school works? Kaya ang iniisip ng mga magulang nila ay doon na sila nag stay. Karamihan naman ng estudyante rito ay nasa ibang bansa ang mga magulang. Sa madaling salita, wala silang alam na wala na ang mga anak nila" mahabang paliwanag pa niya.
Sa hindi maintindihang dahilan bigla akong kinabahan at nangilabot.
Matapos ang mahabang oras ng klase ay dumating na rin ang oras ng uwian.
"Mag-aral tayong lahat kailangan nating makapasang lahat!" Sigaw ni Louie, president namin.
"Sana talaga! Ayoko pang mamatay huhu"
"Dapat hindi nalang ako nag-enroll dito eh"
Napabuntong hininga ako at mabilis na iniayos ang mga gamit ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit mayroong ganoong klase ng patakaran sa eskwelahang ito. Kaya pala Bloody Wisdom ang pangalan nito. Tsk!
"Mag-iingat kayo" sabi pa nya at sumabay sa amin ni Alliyah lumabas.
"Ayos ka lang ba? Ah? Shena right?" sabi pa ni Louie.
"Ah oo, oo ayos lang ako" sabi ko at ngumiti naman sya.
"Hmm, mag-aral kayo nang mabuti ah? Lalo ka na Shena dahil baguhan ka rito. Hindi mo pa nakikita kung gaano kalala ang mga nangyayari dito."
"Psh! 'wag mo namang takutin!" sigaw sa kanya ni Alliyah.
"Huh? Hindi ko naman sya tinatakot binabalaan ko lang sya hahaha at dapat naman talaga syang matakot" nakangisi pang sabi nya.
"Gaano na kayo katagal rito?" tanong ko.
"Hmm? Ang totoo matagal na kami rito. I think simula pa nung elementary? At kasali kami sa first batch ng school na toh nang mapalitan ito ng pangalan. Gaya nga nang sabi ko, dito rin kami nag-aaral non kaya lang binili nung may-ari na nito ngayon at unti-unting binago. Wala kaming kaalam-alam non."
"Gaya mo, kamalas-malasang dito ako napasok ang kaibahan lang, nasama ako sa first batch non" sabi ni Louie
"Talaga? Buti natagalan nyo?"
"Oo, nakaka trauma nga lang" mapait pa syang ngumiti.
"Bakit ba may ganoong policy ang school na toh?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ang totoo, hindi rin namin alam. Kaya lang naman kami nakaka survive dito ay dahil mga honor students kami."
"Hindi ba kayo natatakot dito?"
Natawa silang dalawa at sabay na umiling. Nag taka pa ako dahil kanina lang ay nakikita ko ang takot sa mata ni Alliyah.
"Hmm hindi naman? Dapat kang matakot dito kung mahina ka eh hindi naman kami mahina. At saka matalino kami" nakangisi at mayabang pang sabi ni Alliyah.
"Ang yabang mo! Psh! Eh nung nakaraan nga parang natatakot ka!" sigaw sa kanya ni Louie.
"Well sometimes, I mean, nakakatakot ang ganoong policy ng school dahil nakamamatay. Pero hindi ako natatakot dahil alam ko namang maipapasa ko 'yon"
"Psh! Baka nakakalimutan mong namatay na ang dalawa nating kaibigan rito! Matalino rin 'yon ah! Well ako, lalaki ako oo pero aminado akong natatakot akong bumagsak. Eto lang namang si Alliyah ang mayabang eh!"
"Excuse me! Hindi ako mayabang noh! Nagsasabi lang ako nang totoo!"
"Nye nye!" pang-aasar pa ni Louie sa kanya. "Oh sige na mag-aral kayo nang mabuti ah. At hoy Alliyah 'wag kang mayabang at mag-aral ka!"
"No need" nakangisi pang sagot ni Alliyah.
Naiwan kaming dalawa ni Alliyah dahil nanguna nang umalis si Louie.
"Hindi ka talaga natatakot? Parang kanina kase ay nakita kong natatakot ka" sabi ko kay Alliyah.
"Gaya nga nang sabi ko, nakaka trauma. Nakakatakot lang talaga kapag naaalala ko kung paanong namatay ang dalawang kaibigan namin. At alam ko namang papasa ako kaya kahit papano ay nawawala ang kaba at takot ko." sabi niya at kumaway pa. "Sige na mauna na rin ako" tinanguan ko lang sya at saka rin ako dumiretso sa bahay.
Pagkarating ko ay agad akong umakyat sa kwarto ko para makapag-aral. Isinara ko ang pintuan ko at binuksan ang bintana.
"Ang lamig" sabi ko pa dahil malakas ang ihip ng hangin.
Iniayos ko ang mga gamit ko. Sa harap ng lamesa ko ay may bintana, binuksan ko rin 'yon para medyo lumiwanag at makapasok ang hangin. Inilapag ko ang mga gamit ko at sinimulang mag-aral.
Napanguso ako nang hindi ko alam kung ano ang aaralin ko. Wala akong ideya kung anong klaseng exam ba ang kukunin namin bukas dahil bukod sa wala pa namang naituturo ay walang sinabi kung tungkol saan o anong subject ang i-e-exam.
Napalingon ako sa pintuan ko nang may kumatok. Tumayo ako para buksan ang pintuan. Si mama siguro toh.
"Mamaya na po ako kakain ma--" natigilan ako nang wala akong makitang tao ron.
"Ma?" tanong ko pa at luminga-linga pero wala doon si mama.
'Guni-guni ko lang siguro 'yon'
Isinarado ko ang pintuan kasabay non ang muling pag ihip nang malakas na hangin. Napalingon ako sa bintana malapit sa mesa ko at nakita ko pa ang paggalaw ng puting kurtina.
Lumapit na uli ako sa lamesa ko para ipagpatuloy ang pag-aaral ko nang matigilan ako. Mayroong mga papel o module kung saan iba-ibang topic ng lesson ang naroon. Mayroon ding logic. At mukha itong reviewer.
'S-saan nanggaling toh?'
To be continued....
BINABASA MO ANG
Death Policy
Mystery / ThrillerDeath Academy Part 1: Death Policy Lahat naman ng eskwelahan ay palagi nalang may kakaibang kwento. Minsan masaya, malungkot pero syempre hindi mawawalan ng kwentong katatakutan. Well, hindi mo naman masisisi ang paaralang pinasukan ko dahil kakaiba...