Chapter 10
"Shhh"
Kinilabutan ako nang marinig ko iyon. Nakapikit at dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Ngunit wala akong nakita doon. Mag-isa lang ako rito pero pakiramdam ko ay may kasama ako.
Nagulat ako nang may magbagsakang mga gamit doon sa study table. Dahan-dahan akong lumapit doon at saka marahang naupo sa upuang nasa harap non. Inilapag ko muna ang bag ko sa lamesa.
Nangunot ang noo ko nang makita ang brown envelope. Binuksan ko iyon, at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang litrato ng bestfriend kong si Aila.
Si Aila ang kababata at bestfriend ko hanggang nag highschool kami pero namatay na siya.
~FLASHBACK~
"Shena!" napalingon ako sa likuran ko nang makita ko si Aila at ganoon nalang ang paglawak ng ngiti ko.
Siya ang nag-iisa kong kaibigan at ako rin lang ang kaibigan niya. Actually, noon ay marami kaming kaibigan pero dahil hindi naman kami ganon katalino at kagaling ni Aila, inaayawan nila kami. Average student lang kami at hindi honor. Pero kung pagkukumparahin mo kami ay di hamak na mas may kakayahan ako kaysa sa kanya.
Si Aila, mabait siya at masiyahin. Hindi ganoon kagaling si Aila pag dating sa pag-aaral. Kahit anong pilit nyang pag-aaral ay talagang nahihirapan sya.
That's why she's so lucky to have her family. Hindi sya pine-pressure ng pamilya niya, kung ano ang kaya niya ay sapat na 'yon. Madalas na bumabagsak sa mga exam si Aila kaya madalas ko rin syang naaabutang umiiyak pero pag nakita na nya ako, pilit syang ngingiti at makikipag kwentuhan sa akin na para bang walang nangyaring hindi maganda sa kanya.
"Tingnan mo, paborito mo toh diba? Hehe" ibinigay nya sa akin ang paborito kong chocolate ice cream.
"Salamat Aila!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Sus! Wala 'yan sa tulong na ibinibigay mo sakin noh! Pasasalamat ko na rin 'yan dahil tinulungan mo akong mag-aral at saka binulungan mo ako ng sagot kanina hehehe" natatawang sabi pa nya.
Natawa ako at ipinagpatuloy lang namin ang pagkain at pagkukwentuhan.
"Oh! Si Hazel oh!" natutuwang sabi pa niya.
Oo nga pala, tatlo na kaming magkakaibigan dito. Si Hazel, matalino sya at mabait rin hindi sya gaya nang iba na inayawan kami dahil lang sa ganito kami. Kaya lang nalipat sya ng star section nung nakaraang linggo lang.
Hindi pa muli namin sya nakikita at nakakausap mula nung lumipat sya ng section kaya masaya kami at nakita uli namin sya ngayon.
"Hazel!" masayang tawag ni Aila kay Hazel habang kumakaway pa.
BINABASA MO ANG
Death Policy
Mystère / ThrillerDeath Academy Part 1: Death Policy Lahat naman ng eskwelahan ay palagi nalang may kakaibang kwento. Minsan masaya, malungkot pero syempre hindi mawawalan ng kwentong katatakutan. Well, hindi mo naman masisisi ang paaralang pinasukan ko dahil kakaiba...