Gayle P.O.V.
Ako si Crysta Gatle Fuentes, (13) labing tatlong taong gulang na ako, tubong Cebu ako. May 3 akong kapatid sina Ate Laura (20), Kuya Anthon (18) at bryan (10). Si Ate ay nakapagtapos na sa pag aaral kasalukuyan na siyang nagtatrabaho sa farm campany nila Donya Rosita bilang isang manager. Si kuya naman ay 2nd year college na....Kaming tatlong magkakapatid ay working student nila Don at Donya Mondragon, c Bryan ay ayaw na ni papa na magworking kaya nanatili si bry sa bahay at piling nila papa at ako ay nasa mansion ng Mondragon nakatira. Sa murang edad ko natutu na ako sa mga gawaing bahay at sa pagluluto dahil tinuturuan ako ni Donya Rosita..
Kaming magkakapatid ay pinalaki ng maayos ng mga magulang namin na sina Mang Jose at Aling Maria. Lumaki kaming mabait, may galang, may respito, at higit sa lahat may takot sa DIOS at nanampalataya ng tapat.
Isang araw kinausap kami nina Don at Donya Mondragon at pinakiusapan ang parents namin na pansamantala muna akong luluwas sa Manila doon sa anak nila dahil umalis raw ang katulong nila at kailangin na raw nila dahil wala raw magluluto doon. Di pa raw nakahanap ng kapalit. Kaya habang naghahanap ako muna ang pansamantalang
Papalit don at ipinapangako naman nila na bago magsimula ang pasukan makakauwi na ako dito sa Cebu may papalit man o wala. Hindi nakatanggi sila mama at papa dahil may tiwala sila kina Don at Donya Mondragon at isa pa hindi naman ugali ng mag asawang Mondragon na di tutupad sa mga pangako nila.
Kinabukasan habang nasa biyahi kami papuntang airport nag uusap kami tungkol sa kanyang anak na pupuntahan ko sa Manila.
"Iha Gayle, don ka muna sa anak namin sa Manila ha? At ito oh, gamitin mo to para sa macontact mo kami agad agad kung may problema ka doon." Donya Rosita
"Cellphone? Akin po to? Salamat po Donya Rosita at. Don Lorenzo.."me
"Ayaw sana namin na ipapadala ka doon iha, kaso kailangan na kasi nila ng katulong sana maiintindihan mo kami. Di pa kasi kami nakahanap ng papalit doon.... Pansamantala ka lang naman doon anak uuwi ka rin agad sa susunod na buwan."
"Okay lang po yon Donya Rosita. Pero sana po makakauwi ako rito agad.at isa pa po seguro mababait naman po seguro sila katulad nyo."
"Yon nga ang problema natin anak,kaya ayaw ko sana na ipapadala ka doon. Ang anak ko po ay mabait yon kaso nasa ibang bansa at yong asawa nya ang iba ang ugali, ugaling bruha, at ang mga anak nila ay lumaking masama ang ugali dahil ini spoiled ng mommy nila kaya heto ngayon pag walang kasambahay mahihirapan dahil ang mga anak di marinong gumawa ng gawaing bahay." Don Lorenzo
"Alam ko naman na may tinatagong bait yang mga bata kaso takot sila sa mommy nila. Mali kasi ang pangaral nga mommy nila sa kanila. Ang pagkamapagmataas, pagkamakasarili, pagkamatapobre at ang pagkawalang pananampalataya sa Dios." Donya Rosita
"Don at Donya, nakakatakot naman po doon, di nalang po ako tutuloy nakakatakot naman po." Me
"Iha Gayle, alam namin na mahihirapan ka sa ugali nila pero anak, please pagbigyan mo kami pansamantala lang naman at isa pa may tiwala kami sayo." Don Lorenzo
"Sege po papayag po ako pero di ko po maipapangako na masusunod ko sila parati lali na po kung mali ang ipapagawa nila sa akin, hinding hindi ko po sila masusunod kung ganoon."me
"Diyan kami humahanga sa inyo iha ang hindi kayo matitinag o madadala sa kasamaan at sana kahit papaano may matutunan sila"Donya Risita
"Ilan po ba ang anak nila?"
"(3) Tatlo iha, isa lang ang babae ang panganay tapos sumunod na yong kambal na lalaki."Don Lorenzo
Ganoon ang usapan namin hanggang sa umabot kami sa airport. At tinawagan rin nila ang daughter in law nila ipapasundo ako sa airport ng driver nila. Lumabas ako ng airport para makita ang sundo ko..At laki ang pasasalamat ko sa Dios na ligtas akong nakarating dito sa Manila.
"Iha, ikaw po ba si Gayle?"manong
"Opo kayo po ba si mang Kanor?"
"Oo iha, hali ka na at para tayo'y makauwi."
" sege po, salamat po"
"Siya nga pala iha alam mo na ba ang magiging trabaho mo dito?"
" Opo, sinasabihan na po ako nina Don Lorenzo at Donya Rosita."
"Ang bait mo na bata pero impyerno ang papasukan mo dito"
"Ho?bakit naman po impyerno?"
"Dahil sa ugali nila...si sir Edward mabait yon kaso wala dito pero yang si madam Luisa naku ang sama ng ugali. Ugaling BRUHA pati na yang mga anak nila kaya nga di nagtatagal yang mga kasambahay nila dahil sa ugali nila."
"Eh kayo po bakit kayo nagtatrabaho pa rin sa kanila?matagal na po ba kayo sa kanila?"
"Oo matagal na ako mga 5 years na rin, kung pwede lang sana na aalis ako matagal ko na sana yong ginawa."
"Bakit naman po mang Kanor? Kung di nyo po kaya wala naman po seguro silang karapatan na pigilan kayo maliban nalang kung may utang kayo sa kanila."
"Yon nga eh... Di ako pwede umalis dahil sa malaki ang utang ko sa kanila. Sila kasi ang gumagastos sa pagpapaopera ng asawa ko 4 na taon na ang nakakaraan di pa ako tapos magbayad dahil nadagdagan pa nong pinagamot namin ang anak namin at sa naging burol nito."
"Sorry po"
"Okay lang yon ining.(napaluha na). Alam anak, ay este ining kung andito lang si sir Edward di tayo magtitiis sa ugali nila madam kasi mabait si Sir. Katulad nila Don Lorenzo. Pero yang asawa niya, iwan ko ba bakit ganyan ang ugali nyan."
Nagkwentuhan kami ni Mang Kanor hanggang sa dumating kami sa harap ng mansion. Nang nagdodoorbell si Mang Kanor ay di nagtagal bumukas rin ang pintuan at si madam Luisa ang iniluwa nito. Mas maganda pala siya sa personal, ubod ng ganda parang may lahing foriegner. Pero ang kilay niya halatang ugaling bruha....hahahah
"Magandang araw po madam"
"Okay pasok" madam
"Sege na sumunod ka na doon"mang kanor
"Sege po"
Sumunod ako kay madam Luisa, nakasunod ako sa kanya hanggang sa narating namin ang sala at andon ang mga anak niya. Wow ang popogi at ang gaganda naman seguro may lahi talaga sila noh.? Pero ang suplada at suplado naman di man lang namamansin. Parang walang pakialam sa mundo.
"Mga anak andito na ang kasambahay na ipinapadala ng lolo nyo"madam
"Hello po sa inyo magandang araw" me
Wala man lang silang reaction deadma lang parang walang nakita't narinig.
"Sila pala ang mga anak ko, si Kaye, Jedon at si Jeffrey"
"Hello po"
"Ano nga pala ang pangalan mo ining?"
"Gayle po madam".
"Ilang taon kana?"
"13 po."
"13? Si papa talaga bakit ang bata pa ng pinapadala dito, underage pa talaga? Sya nga pala may alam ka bang gawaing bahay? Dito all around ka, maglalaba, maglilinis, mamamalansa at magluluto."
"Opo madam, wala po yong problema sanay po ako sa mga gawaing bahay dahil matagal na po ako naging working student nina Donya Rosita at Don Lorenzosa probensya."
"So,ikaw pala ang batang parating bukambibig nila mama at papa na working student nila.kaya pala ang sabi nila na pansamantala ka lang dito at bago magpasukan kailangan na makauwi ka na doon. Wow ha? Nakukuha mo talaga ang loob nila at tiwala. Sege tayo na sa magiging silid mo at para makapagsimula kana sa trabaho mo."
Di na ako nakasagot dahil naguluhan ako at di ko alam kung ano ang isasagot ko, kaya minabuti ko nalang manahimik. Iniisip ko ang sinasabi ni madam na ako raw yong bukambibig nila don at donya Mondragon na working nila. Ako kaya yon? Baka naman ang kapatid ko. Sa katahimikan ko.nagpasya nalang si madam na ihatid ako sa silid kung saan ako magstay. Nang nasa bandang kusina na kami may dalawang pinto at itinuro nya yong isang pinto para sa silid ko at yong isa naman ay banyo o cr. Bago tuluyang tumalikod si madam may pinapaalala siya sa akin tungkol sa maging trabaho ko. Ang bawat lulutuin ay may menu sa pinto ng ref at yon lang daw ang lulutuin ko.at pagsimula na raw ako ngayon din. Tumalikod na sya kaya ako naman ay pumasok na sa silid na itinuro niya kung saan ako magstay. "OMG, ano to? Budega? Ang daming mga boxes parang basura, teka yon may kama sa gilid. Grabe naman sila sa bodega talaga nila pinapa stay ang mga kaasambahay nila? Mabuti pa doon kina don at donya may sarili pa akong silid doon at maganda pa. Paano nalang kung may ahas sa tambak na yan?OMG!!" Sa isip ko..
Nagbihis ako saglit at lumabas na sa silid at para makapagsimula na akong maglinis at maya maya ay makapagluto narin para sa hapunan. Pagkalabas ko sa silid ang ingay na sa may sala seguro may bisita sila kasi may nagdodoorbell kani kanina lang. Nagsimula na akong maglinis sa kusina ng bigla ang pag sigaw ni sir jeydon.
"Manang Gayle" jeydon
Grabe kung makaMANANG wagas naman porket pogi at mayaman.
"Sir bakit po?" Me
"OMG, may multo?😲" boy in red
"Ay multo sino sya tol?"boy in blue
"Grabe naman kayo multo agad?di pweding pangit muna bago multo? Jeffrey
Okay na sana pero ang sakit ng karugtong, kala ko mabait ganon parin. Pero okay lang wala naman akong magawa.
"Porket pinagpala kayo sa kapogian kung makapanghusga wagas." boy in white
Mabuti pa 'tong isang to may malasakit... Ang pogi naman nya at mukhang mabait pa.
"Pssst,ang pari nagsasalita.. hahahahaha"jeydon
"Hahahahahaha" nagtawanan pa sila
"Hoy manang ipaghanda mo kami ng snack, oh may bisita kami" jeydon
"Sege po sir" me
Grabe naman tong si sir Jeydon ang sakit magsalita makamanang sa akin wagas halos mapaluha na ako sa mga reaction nila. Alam ko naman na pangit ako pero sumusobra na sila......