LDM 31

133 6 3
                                    

Centine Agape:
Niyaya niya nga kasi
ako kumain. Ang sabi
niya pa, h'wag daw ako
magsuot ng maikli.

Centine Agape:
E, sa pasaway ako. Ang
nasa isip ko rin, hindi ko
naman siya jowa para
pagbawalan ako.

Centine Agape:
Edi, ako si gaga.
Nagsuot ng short.

Centine Agape:
Nainis pa nga siya no'ng
una pero okay na rin.
Masaya naman, e. Kumain
lang kami kwek kwek.

Centine Agape:
Pauwi na ako. Hindi na ako
nagpahatid kasi nga baka
makita siya ni Nana Loida.

Centine Agape:
May nakasalubong ako
na mga lalaking lasing.
Mukhang adik pa.

Centine Agape:
Sinipulan ako.
Hindi ko na lang
pinansin.

Centine Agape:
Ang kaso pagkatalikod,
nagulat ako nang may
humawak sa legs ko.

Centine Agape:
Ako si gaga. Tumili.

Centine Agape:
Nagulat na lang ako
no'ng may sumuntok
do'n sa nanghawak sa
'kin, si Jayvee pala 'yon.

Centine Agape:
Lima sila, isa lang si
Jayvee. Bumawi ng
suntok 'yong mga
lalaki. Kaya tumawag
ako nang tulong. Buti
na lang mabait 'yong
natawag ko.

Centine Agape:
May sugat nga si Jayvee.
No'ng hinatid niya 'ko sa
bahay, hindi niya talaga
ako  kinausap.

Centine Agape:
Anong gagawin
ko, Melo?

Melody Alexdrine:
Nakausap mo
na? Sa chat.

Centine Agape:
Oum. Nagsorry na
rin ako. Sabi niya,
bukas na lang daw
kami magusap.

Melody Alexdrine:
Hayaan mo
muna siya.

Melody Alexdrine:
Kapag kinulit mo
'yan, mas lalo lang
siyang maiinis.

Melody Alexdrine:
Kapag okay na 'yan,
siya pa kakausap
sa 'yo.

Melody Alexdrine:
Nagalit talaga 'yan.
Ang ayaw niya sa
lahat 'yong hindi
siya sinusunod.

Melody Alexdrine:
Kung ayaw mong
nagagalit sa 'yo
'yan, sumunod ka.

Centine Agape:
Ha? Wala akong
gagawin.

Centine Agape:
Hahayaan ko na
lang na humupa
'yong galit niya?

Centine Agape:
Ayaw ko!

Melody Alexdrine:
Mas lalo lang
siyang maiinis
sa 'yo.

Melody Alexdrine:
Mas kilala ko
'yong tao kaysa
sa 'yo.

Centine Agape:
Edi ikaw na lang,
magustuhan niya.
Mas kilala mo pala, e.

Melody Alexdrine:
Hoy, ano ba 'yan!

Centine Agape:
👍

Melody Alexdrine:
Ay, ewan sa 'yo.
Seen 4:40 PM

Label Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon