LDM 61

92 5 0
                                    


"Okay lang ba 'tong itsura ko? Dapat umuwi muna tayo para naman nakapag-ayos ako, nakapagpalit na rin. Nakakahiya naman naka school uniform pa 'ko." I pouted. "Saka mababait ba sila? Kinaka-"

I stopped speaking when his fingers touch my lips. He smiled playfully. "Don't worry, they will like you. Don't be nervous. Just show who you are, okay?"

I blinked my eyes. I looked at him with a teary eyed. Natatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin. Natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan para sa anak nila. Paano kung gano'n ang mangyari? Wala pa ngang kami, ayaw na nila sa'kin, paano na lang kung magkaroon ng kami? Hindi ko alam kung paano ko kukuhain ang loob nila, e. I'm not good at that. Ngayon na lang ulit ako makakakilala ng mga bagong tao. Kinakabahan talaga ako.

Ilang sandali lang nakarating na kami sa bahay nila. Nagsimula ring kumabog nang malakas ang dibdib ko. Malaki ang bahay nila, sa labas pa lang, makikita mo na masaya talaga sa kanila. Decors are everywhere. Ang lakas maka-positive vibes. Huminga ako nang malalim. Kinakabahan talaga ako. Alam kong dama ni Evhen ang kaba, dahil hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko, making me calm, I guess. Kaya mo 'to!

Mula sa loob ng bahay, lumabas ang magandang matangkad na babae. Oh my ghad! Is she a doll? Geez. Hiyang hiya na talaga ako! Kung sa tingin ko, maganda na talaga ako, hindi pa pala. Nakakababa siya ng confidence! Is that his mother? But, no. She's too young. His sister, I guess. May kapatid pala siya, hindi man lang nagawang magkwento sa 'kin, hmp. His sister went to us, she kissed my cheeks. Okay, mabait siya. Kalma na.

"Ikaw ba si Agape? Ang ganda mo naman," banayad ang boses niya. Pati ba naman ang boses niya? Nakakahiya naman magsalita.

I smiled. "Ako nga po."

She laughed. Pati ang paraan nang pagtawa niya, ang hinhin. Napaka perfect naman nito. Hiyang hiya si Catriona Gray. "H'wag kang mahiya, hindi naman ako nangangain ng tao. Hayop ang kinakain ko, beh," aniya.

Pinitik niya ang magkahawak na kamay namin ni Evhen kaya mabilis akong napabitaw. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng ate niya. Nilingkis niya ang braso niya sa 'kin. Hinila ako palayo kay Evhen. Shit, amoy pawis ako. Samantalang siya, ang bango bango! Nawawala talaga confidence ko. Bakit naman kasi ganito 'tong ate niya? Makalaglag panty talaga. Hindi ko gustong maging tibo pero magiging gano'n yata ako. Charot, si Evhen lang po haharutin ko. Hehe.

Dumiretso kami sa kusina. Agad na kumalam ang tiyan ko sa nakita ko. Ang daming pagkain! Mapapasubo yata ako nito, ha. Okay lang naman 'yon, 'di ba? Nakahain kasi ang karamihan sa paborito ko, minsan lang namin lutuin 'yan kaya natatakam talaga ako. Nakakainis naman! Baka maturn off sa 'kin 'yong family niya. Pinaupo niya 'ko sa tabi ng pwesto niya. Nang makaupo ako do'n ko lang din napansin na may ibang nakaupo pala sa. Hala, nakakahiya! Hindi man lang ako nakabati.

"Ah, magandang tanghali po," nahihiyang ani ko. Ngumiti sa 'kin ang isang may edad na lalaki, na sa tingin ko ay papa niya. Seryosong nakatingin lang sa 'kin ang isang babae, na sa tingin ko ay mama niya. Mas lumakas tuloy ang kabog ng dibdib ko. Ang ganda't gwapo!

Maganda ang magiging lahi ko rito!

Yumuko ako para hindi mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Ni hindi ko napansin na naupo na pala sa tabi ko si Evhen. Nakaka-intimidate naman kasi 'yong tingin ng mama niya. Mukhang hindi ako nagustuhan ng mama niya. What should I do? Shems. Nagsimula na silang kumain kaya kumain na rin. Kaunti lang kinuha ko, dahil.natatakot talaga ako sa mama niya. Parang mangangain ng tao. Hoo, I need help!

Nanlaki ang mata ko nang lagyan ni Evhen ng maraming pagkain ang plato ko. Nakakahiya talaga. "Ano, tama na, busog pa 'ko," bulong ko.

He tsked. "No, kumain ka nang marami. Kaya ang payat payat mo, e." Hindi na lang ako nagreklamo. Hinayaan siyang lagyan ang plato ko. Okay na rin, marami akong makakain, hehe. Paborito ko naman ang nilagay niya. Tahimik akong kumakain habang nakwe-kwentuhan naman sila tungkol sa naging experience mg mama nila sa abroad. Nauna ako matapos sa pagkain. Gusto pa sanang lagyan ni Evhen ang plato ko pero humindi ako. Busog naman na ako.

Nang matapos, nag-volunteer ako na maghugas ng plato pero ang mama na niya ang tumutol kaya tumahimik na lang ako. Aniya hindi naman daw ako katulong nila para gawin 'yon. Pumanhik si Evhen sa taas para magpalit ng damit. Habang ako, naiwan sa sala nila. Alangan naman na sumama ako sa kwarto niya, edi mas lalong naturn off mama niya sa 'kin. Nagsimulang kumabog ang dibdib nang makita kong papalapit dito ang mama at ate niya, parehas silang seryosong nakatingin sa 'kin. Hala, nakakatakot. Umupo sila sa magkabilang gilid ko kaya mas kumabog ang dibdib ko. What are they trying to do?

"I don't like you," aniya ng mama niya sa seryosong boses. Napapikit ako ng mata. Nanginginig na rin ang kamay ko. I never felt it before. "I don't like you, too," dagdag pa ng ate niya. Hindi ko magawang buksan ang mata ko. Naiiyak ako. Bakit naman ganito?

Pinakalma ko ang sarili ko bago ako magsalita. "Okay lang po na hindi niyo ako magustuhan. Basta't gusto po ako at kaya niya akong ipaglaban, okay na pi ako ron. Gustong-gusto ko po ang anak niyo, hindi po mababawas 'yon kahit sabihin niyo 'yan," matapang kong aniya. Kahit hindi walang kami. Basta't gusto niya ako at gusto ko siya, kayang-kaya kong harapin ang hahadlang sa 'min.

"Mmy, h'wag niyo naman takutin si Agape. Baka hindi ako sagutin niyan!" sigaw ni Evhen. Obviously,  nakababa na siya. Nang makalapit siya samin. Hinila niya ako patayo. Hinapit ang beywang ko. "I like you. Don't listen to them,"  he whispered.

Tumaas ang kilay ng ate niya. Sinubukan kong lumayo pero mas hinigpitan niya ang kapit niya. "Hindi ko siya gusto para sa 'yo. Humanap ka na lang ng ibang babae. Mas marami pang maganda kaysa sa babaeng 'yan!" Napapikit ako sa naging sigaw ng mama niya. Alright, they don't like me. Ano pa bang aasahan ko? Nanay ko nga hindi ako magustuhan, sila pa kaya?

"Ma, hindi ko naman kailangan na magustuhan niyo siya. Gusto ko lang ipapakilala ang babaeng gusto ko. Ang babaeng mahal ko." Napaawang ang bibig ko sa naging sagot niya. He loves me? How? Ang sabi niya lang sa 'kin, gusto niya ako. Paano niya ako minahal sa gano'ng kadaling panahon? Humalakhak nang malakas ang ate niya kaya nagulat ako. Masyadong bang cringe ang sinabi ni Evhen? Hehe.

"Sorry, Ma, hindi ko na nakayanan. Ang pangit ng itsura ni Evhen." Pinunasan niya ang luha niya. Ang babaw ng kaligayahan ng ate niya! Ngumuso ang mama niya. Nginitian niya rin ako kaya nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Tumayo siya at niyakap ako nang pagkahigpit. Like I am her daughter.

"Lagi kang kinu-kwento ng anak tuwing nagvi-video call kami. Sagutin mo ang anak ko, ha!" Nilagay niya ang takas ng buhok ko sa likod ng tenga. "Pasensiya ka na kanina. Plano ko talaga 'yon. Takutin kita. H'wag kang mag-alala, gustong-gusto kita para sa anak ko.

Nakahinga ako nang matiwasay dahil sa narinig ko. Grabe, hindi ko inakala na gano'n ang sasalubong sa 'kin. Okay na rin 'yon, gusto naman nila ako, ayos na 'yon. Nagbonding ako kasama ang pamilya niya. Tinanggap nila ako nang buong puso kaya sobrang saya ko. Sa kanila ko lang din naranasan ang isang buong pamilya. Binigyan din ako ng chocolates ng mama niya. Hinatid din ako ni Evhen, hindi nga lang sa bahay dahil makikita siya ni Nana Loida.

Eto na siguro 'yong panahon para buksan ko ulit ang puso ko.

Label Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon