Ethan's P.O.V
Hay! Finally! Tapos na ang klase. Makauwi na ako sa bahay! Yahoo!
"Hoy Ethan!"
Tumalikod ako at nakita ko si Dylan Wilson. Classmate ko noong second year pero natransfer sa ibang section ngayon.
"Oh Kent! Musta?"
"Ok lang naman, pre. Ikaw?"
"Heto, uuwi na para makapag-computer."
"Hindi ka ba sasali sa mga club?"
"Hindi na. Besides, ano naman ang maitutulong sa akin ng club na 'yan?"
"Pero, pre. Clearance requirement ang mga club, no?"
Clearance requirement? Sh*t naman o! Hindi pa nga ako nakapili ng club eh!
"Wala ka pang napiling club, ano?" tanong niya sa akin na nakataas ang isang kilay.
"Wala pa. Ikaw?"
"Wala pa rin."
Nagtitigan kaming dalawa ng ilang mga minuto at walang umimik sa amin.
"Ethan! Dylan!"
Tumalikod kaming dalawa at nakita namin si Lucy na humihingal.
"Okay ka lang ba, Lucy?" narinig kong tanong ni Dylan kay Lucy. Binigyan ko siya ng tingin na parang nagsasabi na 'Ako dapat ang nagtatanong sa kaniya 'yan, hindi ikaw.'
Nagshrug lang siya at kinuha ang phone niya at naglaro ng flappy bird.
"Ok lang ako. Anyway, nakapili na kayo ng club?"
"Wala pa nga, eh." sagot ko naman sa kanya.
"Ikaw Lucy?" tanong naman nitong Dylan.
"Wala pa din."
Wala pa? Akala ko sasali siya sa Cheerleading Club?
"Tara!" anyaya ni Lucy sa amin na may grin na nakaplasta sa mukha niya.
"Saan naman tayo?"
"Maghanap tayo ng club."
------------------------------------------------------
Lucy's P.O.V.
"Sige. Salamat po."
Haay! Ano ba naman 'to! Wala pa kaming nakita na club! Every club na pinuntahan namin ay wala ng free slot para sa aming tatlo. In this case, wala na akong choice.
"Tara." hinila ko ailang dalawa at umakyat kamj sa stairs.
"Wait lang. Saan tayo pupunta?" tanong ni Dylan saken.
"Pupunta tayo sa 5th floor."
"Bakit naman?"
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ethan at nagpatuloy nalang ako sa pag-akyat.
Anong room nga 'yon? Ahmm.... Oo! Room 5-C.
"Nandito na tayo." Binitawan ko ang kanilang mga kamay dahil ang awkward kaya pag pumasok kayo nang nag-holding hands.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Welcome to your new after school club."
BINABASA MO ANG
After School Club
FanfictionAng After School Club ay nag-compose ng limang miyembro. Si Ethan Smith. Ang gwapong, optimistic, brown haired at hazel eyed boy na may isang little sister. Si Lucy Williams. Isang cute na brunette at blue eyed na babae na may tinatagong persona. S...