Chapter 2 - Natalie Anderson

10 0 0
                                    

Natalie's P.O.V

"Alis na ako."

"Hatid na kita, sis."

"Wag na, Lloyd."

"Bakit hindi mo na ako tatawaging kuya ngayon?"

"...."

"Look, past is past na Natalie. Patawarin mo na ako."

"Alis na ako."

Lumabas na ako sa bahay at naglakad na patungo sa paaralan. Ako pala si Natalie Anderson. 3rd year student at nag-aaral sa Lincoln Academy. May itim na buhok at blue eyes. Kuya ko si Lloyd Anderson, 4th year at popular boy sa Academy.

Dahil sa insidente na nangyari noong 2nd year pa ako, iniiwasan ko na siya hanggang ngayon.

Halos wala nang tao pagdating ko sa paaralan, kaya pumunta na kaagad ako sa bulletin board kung saan nakalagay ang student to section planning.

Nakita ko ang ilang mga kaklase ko noong 2nd year pa ako, pero dahil nga sa nangyari noon, iniiwasan na nila ako. Maliban lang sa isa.

Hmm... Section 3-B pala ako ngayong year na ito.

Sh*t! 5 minutes 'till class! Dali-dali na akong tumakbo patungo sa classroom. Heck! Malapit na nga akong madapa sa pagmamadali ko, eh!

Hingal na hingal na ako pagdating sa classroom at ang awkward kasi binuksan ko ng malakas ang pinto. Tumingin lahat ng kaklase ko sa akin at namumula ako sa hiya.

"Hn," nilampasan ko na lang sila at pumunta na sa upuan ko.

"Nandyan naman si Ice Queen, oh!"

"Ba't ba naging kaklase natin siya?"

"Ang cold ng mga mata niya."

Nandyan na naman yan sila. Palaging nagju-judge ng mga tao without knowing what happened.

"Hi, Nat!"

Biglang bumungad sa pananaw ko ang smiling face ni Lily Williams.

"Hello."

"Hmm..."

Biglang naging awkard ang atmosphere. Um... Anong sasabihin ko? Ahm.....

"Anong club ang pipiliin mo ?" tanong ni Lily sakin. Umupo siya sa vacant seat sa right side ko. Nakaupo kasi ako malapit sa window.

"Nagpaplano akong sumali sa Newspaper Club."

"Hmm... Anong oras ka pupunta?"

"Mamayang hapon. Pagkatapos ng klase..."

"Sa-"

"Good morning, class."

Nagmamadaling tumayo si Lucy at pumunta siya sa kanyang upuan sa harapan malapit sa window.

Bakit ko nga ba pipiliin ang newspaper club? I guess, gusto ko mag-share ng mga opinion ko dahil walang ni-isa sa mga classmate ko ang may time para sa akin. Well, except Lucy. But I doubt that she likes me.

Besides, who would approach a girl that was almost raped by the friends of her stupid and idiotic brother?

After School ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon