Hey! This is inspired by Kokoro Connect. I really love the manga and anime at interesado po ako sa mga phenomenon na nangyari sa show. Kaya, I decided to make a story like that but not exactly following the storyline. I have my own twist in it (probably).
Si Ethan 'yan sa picture....
Ethan's P.O.V
"Kuya, gising na! Gising!'
"Mamaya na, Anne..."
"Kuya, 1st day of school ngayon!'
"Ano?"
BOOGSH!
P*tangina! 1st day of school pala ngayon! Bakit nga ba ako nag-interenet hanggang alas 2 ng umaga?
"Kuya, bilisan mo!'
"Oo na!'
Ako nga pala si Ethan Smith. 3rd year student at nag-aaral sa Lincoln Academy. Isang private school na may mayayaman na mga estudyante. Pero hindi ako mayaman, ah! Scholar nga lang ako, eh!
"Kuya, kain na!"
Sister ko pala, yun. Si Anne. 1st year student at nag-aaral din sa Lincoln Academy. Si Anne ang nag-aalaga sa akin. Siya nga ang parang mas matanda, eh. Pero ako pa rin ang kuya. Hehehe...
"Ano ulam natin?"
Nagugutom na ako!
"Hotdog at itlog," binaba niya ang pinggan at iniharap ito sa akin. "Anong club ang pipiliin mo, kuya?"
"Hmm..."
Oo nga, no? Ano kayang club ang pipiliin ko?
"Hindi ko nga alam, eh. Ikaw?"
"Dance Club po ako, kuya."
Ah, oo nga, no? Marunong nga pala tong sumayaw si Anne.
"Mauna na ako, kuya, ha?"
"Ano? Iiwan mo ako dito? Eh, pareho naman tayo ng paaralan, diba?"
"Sasabay po kasi ako sa kaibigan ko papunta sa Academy. Sige, Kuya! Baka magalit po siya sakin. Bye!"
"Bye..."
Ilang minuto na ang nakalipas at nakalabas na ako sa bahay. Hay! Ano kayang club ang pipiliin ko? Hmm...
"Hoy!Alis!"
Ay, p*tang*na! Nandito na pala ako sa Academy! Ang daming tao!
"Ethan!"
Tumalikod ako at sinalubungan ako ni Lucy, seatmate ko noong 2nd year.
"Kumusta ang summer mo?"
"Ok lang naman."
Pumasok na kami sa Academy at pumunta kami agad sa Bulletin Board, kung saan nandun nakalagay ang mga sections kung saan kami napabilang.
"Grabe! Ang daming tao, Ethan, no?"
"Yeah. Anong gagawin natin?"
"Hmm... Lumuhod ka nga."
"Ano?!"
Ano namang ideya ang pumasok sa babae na'to at pinapaluhod ako?
"Basta! Lumuhod ka lang meron akong plano."
Sumunod na lang ako at lumuhod sa harapan niya.
"Anong gagawin mo?"
Hindi siya sumagot pero nagulat nalang ako nang pinatong niya ang dalawang legs niya sa shoulder ko.
"Ikakarga mo ako, baby style. Now, stand up."
Nahihiya ako sa pinagagawa sa akin ng babaeng ito. Dagdagan mo pa na may kaunti (malaki) akong crush sa kanya.
"Sige na, tayo!"
"Oo na..."
Tumayo na ako at sigurado akong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Wait lang...
"Hoy!Baka makita yung... Um... Yung..."
"Panty ko? Nalimutan mo na ba na palagi akong magleggings?"
"Ay oo nga pala... So, nakita mo na ba ang pangalan mo?"
Hindi siya sumagot kaya akala ko naghahanap pa siya. Sino kaya ang mga bagong kaklase ko? Heh, sana may mga magagan-
"Aray! Ba't mo pinagsusuntok ang ulo ko? Wala naman 'yang ginawa sa'yo, ah?"
"Magkaklase tayo, Ethan!"
Mag...ka...kla...se....tayo...
Ka...kla...se....tayo
Kla...se....tayo
Se....tayo
Ta....yo
Yo.....
"ANO?!"
BINABASA MO ANG
After School Club
FanficAng After School Club ay nag-compose ng limang miyembro. Si Ethan Smith. Ang gwapong, optimistic, brown haired at hazel eyed boy na may isang little sister. Si Lucy Williams. Isang cute na brunette at blue eyed na babae na may tinatagong persona. S...