Nasa kwarto ako ngayon nakahilata dahil nga nilalagnat ako. Ang hot ko na nga dumagdag pa 'tong lagnat na'to.
Napabuntong hininga ako. "Hays, nami-miss ko na si Khalil."bulong ko sa sarili. Tsk! Ba't ba kasi napakapakipot ng lalaki na 'yon edi sana siya nag-aalaga sa'kin ngayon! Hmmp!
Bigla akong nagulat nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Pasok po!" sigaw ko. Mygawd ang sakit ng lalamunan ko! May COVID na ata ako. Charot! Nabasa kasi ako sa ulan kahapon, eh 'pano kasi inutusan ako ni mama na bumili ng toyo sa tindahan 'di ko kasi alam na uulan na pala. Hays.
Kaagad na bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Khalil?! Jusme! Totoo ba 'to? Binisita ako ng future husband ko?! At may dala 'pang bulaklak! Yieeee! Kinikilig kepyas ko ay este puso pala! Ambastooosss koo naaa!
Hindi ako nagpahalata sa kanya na kinikilig ako dahil sa presensya niya. Tumikhim ako, "Uhm, Khail naparito ka?" tanong ko.
Ngumiti ito. "I just want to visit you. Sabi kasi ng mama mo na nagkasakit ka 'raw. Ayos ka lang ba?" tanong nito. Halata sa mga mata niya na nag-aaalala ito.
Eh, kung magkasakit nalang kaya ako araw-araw para bisitahin ako lagi ni Khail at mabigyan ng bulaklak? HAHAHA! Charotism!
Napayuko ako, "I-I'm dying." sabi ko.
Bigla itong napaupo sa gilid ng kama ko tapos lumapit sa'kin at kaagad na hinawakan ang mga kamay ko. Napatingin ako sa mga mata niyang kulay asul.
"Please, tell me that you're not. Ayokong mamatay ka Shelly." seryosong tugon nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"I-I'm dying inside to hold you. I couldn't believe what I felt for you." Kanta ko.
Biglang nagsalubong ang kilay nito 'di niya ata inaasahan ang ginawa ko. Binitiwan nito ang mga kamay ko at nilamukos ang mukha nito dulot ata sa prustrasyon.
"I'm so worried about you tapos may gana ka 'pang mag-joke sa'kin!" reklamo nito.
Napanguso ako. "S-sorry."
Kaagad itong lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. Damn! Ba't ba siya nagkakaganito sa'kin ngayon?! Juskooo! Sasabog ata ang puso ko sa sobrang kilig!
"Please, 'wag 'kang magbibiro ng ganon. Hell knows kung gaano kita gustong alaagan. Gusto pa kitang ligawan, kung pwede nga lang aasawahin na kita eh." Sabi nito.
Hala?! Liligawan?! Aasawahin?! Ahhhh! Kahit di na niya ako ligawan at magpropose sa'kin na pakasalan siya 'yes' pa 'rin ang isasagot ko HAHAHA!
"I'm also dying inside to kiss you, baby." sabi nito at kaagad akong hinalikan sa aking mga labi. Kahit na gulat na gulat sa ginawa niya ay buong puso ko namang tinugon ang halik nito.
Bahala ka mahawaan! Basta lalamutakin kita ay este hahalikan.
Pagkatapos ng aming halikan ay idinikit ni Khail ang noo nito sa noo ko. "Baka mahawaan ka Khalil." sabi ko.
"Tsk! Sakit lang 'yan, 'di ako mapipigilan na halikan ang mga labi mo. It feels so good habang nakadikit ang mga labi mo sa'kin." turan nito. "I love you, Shelly. I don't care if you don't feel the same way. You're still mine."
Mygawd! I didn't expect na mahal 'rin ako ni Khalil! Jusko!
"I love you too, Khalil. Buti nalang talaga at nagkasakit ako." natawa ako dahil sa sinabi ko.
Pinitik niya ako sa noo. "Silly. Ayokong nagkakasakit ka. Mamamatay ata ako sa pag-aalala sa'yo." sabi nito.
Napanguso ulit ako. "S-Sorry ulit."
Bigla niya akong niyakap. "It's okay, basta magpapagaling ka ha? Magde-date pa tayo kaya magpagaling ka kaagad."
Tumango ako. "Yieee! Yes po!"
Ngumiti ito at niyakap ako ulit.
Buti nalang talaga at alam ko ang lyrics ng kanta na 'yun! Naku kung hindi, hay ewan ko nalang talaga.
Sa ngayon masaya na kami ni Khalil. Nagkasakit siya kinabukasan nung matapos niya akong halikan HAHAHA! May anak na pala kami ngayon at natupad ko na 'rin ang pangarap ko na malasap ang langit gamit ang kama na kasama siya. Sharpshooter nga ang gag* eh. HAHAHAHA!
-END-
A/N: A lame update guys. Sorry. 🥺
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryDifferent stories you may like. Written in Filipino language.