Paano?
Paano nga ba?
Paano ako mag mu-move on sa kanya na hindi ko pa kilala ng lubusan?
Siya na hindi ko pa nakikita?
Ang hirap.
Ang sakit isipin.
Nakakapanghina.
Hindi ko alam ang gagawin.
Hindi ko na kaya.
Nakakaiyak.
Bakit kailangan pang mangyari sakin 'to?
Bakit ba ako nagdudusa ng ganito?
Masamang tao ba ako sa nakaraang buhay ko?
Karma ba 'to sa mga panahong nangungupit pa ako sa sukli pag inutusan nina nanay at tatay?
Sa panahong nangongopya ako sa katabi ko pag may test ng hindi nya alam?
Pag inuubusan ko ng pagkain si Bestfriend?
O pag gumagawa ako ng alibi para lang hindi mapagalitan?
Tama bang parusa sakin 'to?
Sobra naman yata?
Seryoso.
Kailangan ko ng tulong.
Paano ko magagawang mag move on sa kanya?
Pero..
.
.
.
Teka lang ha,..
.
.
.
Parang may mali kasi...
.
.
.
.
Kasi naman ..
.
.
.
Bakit ko pala pinoproblema ang kung pano makapag move on sa taong hindi ko kilala at diko pa nakikita?
.
.
.
Eh hindi ko naman pala kilala.
Hindi ko rin naman pala nakita?
.
.
.
Isa pa hindi naman naging kami.
Bakit ako mag mu move on?
Pagiging assuming ko rin minsan.
Kasi namang kaklase ko.
Tinanong tanong pa yun.
Alam namang OA ako.
Nasaktuhan pang bored ako.
Namroblema tuloy ako.
Hay nako coconut shell.
Kumain kain ka nga minsan ng may laman ka at hindi namomroblema ng kung ano ano.
Kakagutom tuloy.
Makakain nga.
*le walks away*
-End-
BINABASA MO ANG
Crappy Crafts
DiversosRandom notes of some random story from random people who had random experience with random lessons that were randomly shared through random notes that has random stories to random people whose undergoing from random experiences that needs these rand...