5

3 0 0
                                    

Actually..

Naalala mo pa yung first meeting natin?
Actually, mukha kang tambay na bully nun.

Naalala mo pa nung ipinakilala ka sakin?
Actually, sabi ko sa sarili ko mukhang hindi tayo magkakasundo.

Naalala mo yung unang turo ko ng sayaw sainyo?
Actually, hindi ka dapat kasali dun.

Naalala mo yung unang kwentuhan natin?
Actually, nagsusungit nun ako ewan ko bakit.

Naalala mo pa nung inaasar asar mo ako dun sa nagkagusto sakin?
Actually, medyo naaasar nga ako.

Naalala mo nung nasa park tayo tas nakikipag kulitan ako?
Actually, nagpapa pansin nun ako sayo.

Naalala mo nung tinanong nila kung sino gusto ko tas sabi ko wala?
Actually, pangalan mo ang gusto kong isagot nun.

Naalala mo nung nagkaaminan tayo?
Actually, napatalon ako sa kilig, sakto namang umpog ko sa kung saan.

Naalala mo nung sinusuyo moko tuwing nagtatampo ako?
Actually, di ko kayang magtampo ng lagpas limang minuto sayo.

Naalala mo pa pag nagpapahumble ka tuwing pinupuri kita?
Actually, ang sarap mong batukan. Ang pabebe mo pakinggan eh.

Naalala mo pa ba yung late night calls na ako pasimuno madalas?
Actually, madalas din akong mapagalitan nun.

Naalala mo pa ba lahat nang to? Pati yung iba pa?
Actually, lahat ng yun hanggang ngayon inaalagaan ko pa.

Kasi actually, hanggang ngayon mahal parin kita.

Crappy CraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon