HER POV
'4:38 am'
Ang aga ko naman yata magising sabagay maaga din naman akong natulog kagabi. Miss ko na ang Wild Flower hayst bumalik sana yong Abs-Cbn. Hindi naman ako haters ng GMA pero kasi ang ganda Kasi ng Wild Flower hihihihi TBH tapos ko na talaga panoorin yon pero ang ganda talaga ulit-ulitin, ang astig ni Lily Cruz na ginanap ni Maja Salvador waaahhh ang galing-galing niya.
Makapagbasa na nga lang ng Wattpad hindi ko natapos yong Boundless Love kasi hindi pa tinapos ni author huhuhuhu. Basahin ko nlng yong Hooki and Zari by MsAri_nne.
*Reading.............
Time check
'5:01 am'
Hala maliligo na ako mapapagalitan na naman ako no Kuya. Oo nga pala 'di pa pala ako nagpapakilala sige ganito na lang nagpapakilala na lang ako habang ginagawa ang routine ko every morning.
/Punta sa banyo/
By the way high way may name is Claire Lemon Heras Augustine. I'm 16 years of age. Fresh at batang-bata hahahahaha. Bunso sa tatlong magkakapatid.
Simple lang naman ang gusto ko sa isang lalaki hahaha pumunta agad sa standards. Ito na nga gusto ko yong Mahal ako syempre at uunahin ang Diyos at ang pamilya. Ayoko ng mahangin, walang modo, irresponsible, mapagmataas na akala mo naman kung sino at feeling gwapo hmmp sarap nilang ibaon sa hukay.
Ayan tapos na ako sa routine ko.
"Lemon, kakain na."
Teka anong oras naba?
'6:30 am'
Hala nagpahaba yata kwentuhan natin hihihihihi. By the way.. "LEEEMMMOONN."
Grabe naman to makasigaw so Kuya. "Opo, nandyan na."
Hihihihi by the way si Kuya Van Chiko yon ang time conscious sa aming magkakapatid
Bababa na nga lang ako baka mahampas na naman ako ng jacket nyang mabaho HAHAHAHAH joke mabango talaga siya din pinakamalinis sa amin. I mean siya yong ayaw talaga ng kahit konting dumi. Ako ayoko din ng madumi pero sa kanya kahit isang katiting lng talaga ayaw niya.
"Sila mama't papa, kuya?" asan nga ba yong dalawang love birds na yon.
"Work."
Yon lang. Hayaan niyo yan kaya yan ganyan kasi wala yang jowa HAHAHAH required ba yon? One more thing siya din po ang tell ng pamilya.
"Si Kuya Apple, Kuya, kailan uwi?"
Nasa UK kasi si Kuya Apple nag-aaral ng pagluluto. Ang sunod kay mama na masarap magluto. Gustong-gusto ko yong pineapple pie ni Kuya Apple HAHAHA
"Ewan."
Ehh
Hala tapos na pala siya kumain? Naku iiwan na ako nito ngayon.__________________*
HIS POV
"Quinn bili na tayo school supplies."
"Chris, bitawan mo nga paa ko."
"Hoy tanda halika dito."
"Yuck kadiri ka Chris."
"Shut the f*ck up all of you." Tss titigil naman pala pinapainit lang ulo ko ng mga bugok nato. "Asan so prutas?"
"Nasa bahay nila?" Hayst kung 'di ko lang pinsan tong Christian nato kanina ko pa to pinalipad.
"Hindi daw makapunta, may sasamahan."
"Teka bakit nga pala kayo nandito?" ang iingay nila dito sa bahay buti na lang wala yong tatlo mas lalong iingay.
*Poink*
"Aray ano ba?" Lintik to si Kyle lakas makabatok eh patayin ko kaya to."Sino kayang tumawag alas 4 ng umaga at sinabing pumnta dito at may pag-uusapan, hah?" Aba't makasagot ah, boy ako leader niyo.
Teka sino nga ba tumawag? Ayy oo ako pala yon.
"Ang tanga mo tol." Si Christian yon. Hampasin ko Kaya to ng dospordos?
"Tsss."
"Tama na nga yan magmall na lang tayo malapit na din naman sila magbukas." si Tanda Dart.
Galing tas ako pababayarin.
"Bading ata to si Dart magmamall."
"HAHAHAHAHA."
"Car racing."
Ayan nagtatakbuhan na ang mga gunggung. Ang mahuhuli kasi ang pagbabayarin ng gastos sa mall. tsss nakakatamad magkwento.
YOU ARE READING
HATE WITH LOVE
Teen Fiction'The more you hate the more you love' Isang katagang 'di pinapaniwalaan ng isang Lemon. Ayon sa kaniyang sariling opinyon. "I will never ever love that bastard" "Gwapo ka lang wala kang respeto" Nangako siyang hindi siya mahuhulog sa isang Quinn Le...