Chapter 2: Ballpen

3 1 0
                                    

LEMON POV

Nandito na kami sa mall, yes KAMI si Kuya at ako. Kala ko nga iiwan ako kanina eh.

Asan na nga ba yon? Hayst bahala siya may pera naman ako.

Saan naman kaya ako pupunta?
Tama.....

Sa bookstore bibili nga pala ako ng school supplies. Tatransfer nga pala ako sa school na pinapasukan ni Kuya Chiko yon daw kasi gusto ni papa. Tss bahala sila.

Notebooks✅
Ballpen✅
Math textbook✅
Sketch pad✅
Paint brush ✅
Paint✅

Hmmmm yon lng naman kailangan ko.

Makapila na nga sa counter. Yey pangatlo ako.

Habang naghihintay na matapos yong dalawang nauna sa akin saktong pagkatapos nung pangalawa may biglang nagsalita sa tenga ko.
"Miss pede pa singit ito lng naman bibilhin ko" sabay pakita sa ballpen niyang hawak.

Eh ayoko nga pumila siya diyan noh. Hindi ko siya hinarap sa halip sa cashier ako tumingin.

Nagulat ako at tumingin sa paligid, Hala bakit nakatingin sila sakin? May nagbubulungan pa.

"Grabe naman si Ate girl 5 ballpen lang 'di niya mapasingit?."
"Oo nga kala mo naman maganda."
(Maganda ka teh?)
"Ang gwapo pa naman ni Kuya."
(Pake ko?)
"Si Kuya Christian pala yan."
(Oh ano Naman?)

Tsss nag-iinit ulo ko sa mga taong toh. Pila nga diba tsk ayoko bahala sila diyan. Bahala siya diyan manigas siya. Wala akong pake kung sino siya.

"Sige na miss beautiful mabilis lng naman toh eh."

Hindi ko siya pinansin at hinarap na sa cashier. Aba't sinusungitan ako hmmp bahala siya diyan.

Inilagay ko ang mga gamit ko sa counter. Ang mas nakakainis tiningnan lang nung cashier.

Hinahamon ba ako nito?

"Sir akin na po ang ballpen." may pa ngiti-ngiti pa ang higad amp sarap argghh.

Iaabot na sana nong lalaki ang ballpen.

"Teke nga muna ako ang nauna sa pila, 'di mo ba Kita?" sabay taas ko ng kilay sa cashier. Aba't wag niya akong hinahamon.

"Mas madali sa kaniya e punch, saka ako nagbabantay dito pake mo ba?"

Aba't  mas lalo akong ginagalit nito ah. Ipatanggal ko kaya?

"FYI miss cashier, Kaya may pila para yong nauna ang uunahin ano palang silbi nito kung pwede palang sumingit yong nahuli hah? Hindi porket nagugwapohan kayo uunahin niyo na. Saka asan yong manager niyo, kakausapin ko para malaman niya ang kalandian ng empleyado niya."

Lumaki ang mata ng cashier sa sinabi ko. "Ma'am?" Natigil din ang lahat ng tao.

"Yong manager niyo kakausapin ko." Tsss paulit-ulit lang? Di lang pala malandi bingi din.

"Yes ma'am? How may I help you?" may nagsalita sa likod ko.

"Bakit kayo nagpapila sa may counter? tanong ko sa manager ang tangkad naman nito.

"First come first serve?" patanong pang sagot nito.

Humarap ako sa cashier na parang nanginginig na pinagpapawisan.
"Narinig mo yon?" Napayuko siya.

"Yes ma'am."

"But..." Sumagot pa ang ballpen boy. Magsasalita na sana ako..

"Miss Tibay, kindly punch her items quickly." Kaya naman pala ang tibay din.

Humarap sa akin ang manager. " I'm sorry. For a little misunderstanding, miss?"

"Claire." Tipid na sagot ko. Naubos yata laway ko sa cashier.

"Oh, I'm Lance David. You can call me Lance. I'm the son of the owner of the store."

Ibibigay na ng cashier ang pinamili ko at nginitian pa ako hah.

"Oh nice to meet you Mr. David. I need to go."

Lumabas na ako nh store. Honestly naiinis parin ako sa cashier na yon lalo na dahil sa lalaking walang respeto tsss.

Tamang tama may nakita akong ice cream parlor. Suki nila ako diyan.

HATE WITH LOVEWhere stories live. Discover now