Chapter 3: FACE TO FACE

11 5 0
                                    

Kirsten's POV

Tahimik lang si mama habang nakaupo kami dito sa sofa ng sala. May pagkakataon rin na palinga-linga siya sa loob ng bahay.

Ano ba kasi talaga ang ginagawa namin dito?

Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong may bumusina sa labas ng bahay.

Agad na lumabas ang isang maid at binuksan 'yung gate. Napatingin ako kay mama dahil parang kinakabahan siya.

Nanginginig kasi yung kamay niya.

"Ma. Okay ka lang?" Tanong sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Lumingon si mama sa akin at ngumiti."Oo naman." Sagot niya at biglang bumukas yung pintuan ng bahay.

Bigla akong napalingon sa pintuan at bigla ring napuno ng galit ang puso ko.

Akala ko sobra na 'yung galit ko sa kanya dati. Pero parang mas nadagdagan ata nang makita ko siya ngayon.

Napatayo ako at tinignan siya."Bakit ka nandito?!" Galit na tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at humakbang palapit sa akin. "HUWAG KANG LALAPIT!" Sigaw ko.

Biglang hinawakan ni mama ang kamay ko at tumayo rin siya. "Anak. Huminahon ka." Sabi niya sa akin.

Binalingan ko su mama at tinanong. "Bakit tayo nandito ma? At bakit nandito 'tong lalaking 'to?!"

"Anak, papa mo pa rin siya." Sabi sa akin ni mama at parang nagmamakaawa 'yung boses niya.

"Ma, simula nung iwan tayo nang lalaking 'to, kinalimutan ko na rin na papa ko siya." Sagot ko kay mama.

Binalingan ko 'yung 'papa ko pa rin daw'. "Ikaw ba 'yung dahilan kung bakit kami nandito?!" Galit na tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at akma akong hahawakan pero agad akong umatras.

"Anak." Tawag niya sa akin.

Napatawa ako ng peke. After SIX long years... may gana pa talaga siyang tawagin akong anak.

Matalim kong tinignan ang lalaking nasa harap ko ngayon na tinawag akong anak. "Anak?!" Sarkastikong sambit ko. "Kailan ba kita naging ama para tawagin mo akong anak?" Peke akong tumawa. "Ipaalala mo nga sa akin dahil wala na akong maalalang naging ama kita. Dahil nung iniwan mo kami, kinalimutan ko na rin na naging ama ko ang isang tulad mong walang kuwenta!" Galit na sambit ko.

"Kirsten, respetuhin mo naman ang ama mo!" Utos sa akin ni mama.

Nilingon ko si mama at nagsisimula nang nahuhulog ang mga luha ko.

Bwisit! Sabi ko 'di ako iiyak sa harap ng lalaking 'to eh!

"Ama ko?" Tanong ko kay mama habang pinipigilan ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata pero ayaw talaga nilang magpapigil. "May 'ama' ba na kayang iwan ang sarili niyang anak?!" Nilingon ko ang 'ama ko'. "May 'ama' ba na mas uunahin pa ang pesteng nararamdaman niya kaysa sa kapakanan ng anak niya?!" Pinunasan ko ang aking mga luha bago ulit nagsalita. "May 'ama' ba na iiwan 'yung sarili niyang pamilya para sumama at maging masaya sa isang mang-aagaw at putanginang babae?! Meron bang amang gano'n?! Meron ba?! Ha?! Meron ba?!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya at diniinan ang salitang ama.

"A-anak, t-tama na p-please..." Pakiusap ni mama habang umiiyak na rin subalit hindi ko s'ya pinansin.

"Dahil kung 'yon nga ang tunay na pagiging ama..." Pinalakpakan ko ang 'ama ko'. "Then, congratulations.. isa kang tunay at marangal na 'ama'." Sarkastikong sabi ko.

DARE ME TO DEAR YOU (On-Going)Where stories live. Discover now