Chapter 7: FIRST DAY, FIRST FIGHT

5 5 0
                                    

Kirsten's POV

Simula no'ng nag-start ang klase namin kay Ma'am Ila na english teacher at adviser din namin ay hindi na ako tinigilan nitong katabi ko.

Kahit hindi ko naman siya pinapansin ay patuloy pa rin siya sa pagdaldal... nang medyo pabulong. Baka kasi marinig siya ng teacher na nagtuturo sa harapan.

Mabuti na lang talaga at sa likod kami nakaupo kaya hindi siya masyadong maririnig o mapapansin ng guro sa harap.

Math na 'yung subject ngayon. Pang-apat na subject na namin 'to ngayong araw. After nito, lunch break na.

'Buti naman!

Wala kasi silang recess or morning breaktime dito. 7:30 a.m., 'yan 'yung adviser time. Diyan nagkakaroon ng announcements and reminders from the advisers.

From 7:40 to 12:00, dire-diretso 'yung klase. Nagulat nga rin ako kanina. Sa dati ko kasing school, mayroon kaming morning break, lunch break, at afternoon break.

Andaming break.

Ibinalik ko ang atensiyon kay Sir Niel, math teacher namin na nagtuturo sa harap. 'Buti na lang at medyo tumahimik na 'tong katabi ko.

Math time kasi. Kailangang makinig ng mabuti.

Habang nakikinig ay nagta-take rin ako ng notes.

Ambait ko talaga!

"Okay... so, no more questions?" Tanong ni Sir Niel sa amin.

Nang mapansin niyang wala namang magtatanong ay binaba niya na ang pentel pen na ginagamit niyang panulat sa white board.

"So, wala ng questions. I hope naintindihan n'yo ang lesson natin ngayong araw. Magbibigay ako ng quiz bukas about this lesson." Turo niya sa mga isinulat at ipinaliwanag niyang mga problems sa white board. "So please be ready. That's it for today. You can take your lunch break." Dagdag pa nito bago inayos ang mga gamit at lumabas na ng classroom.

Nagsipag-ayos na ang mga kaklase ko at lumabas na rin ng room. Gano'n rin ang ginawa ko pero hindi ako nakalabas ng room dahil pinigilan ako nitong katabi ko.

Hay naku!

Tinignan ko siya at hinintay kung may sasabihin siya pero nakangiti lang naman siya.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya nang wala pa rin siyang sinasabi at nanatili pa ring nakangiti habang nakatingin sa akin.

"May kasama ka bang mag-lunch?" Tanong nito habang ngiting-ngiti pa rin.

Hindi ba nangangawit ang bibig niya kakangiti?

Lihim akong napairap. "Transferee ako, 'di ba? Sa tingin mo mayroon na akong makakasama sa lunch sa 'first day' ko dito?" Sarkastikong sabi ko at diniinan ang salitang first day.

Pero imbes na magalit ay mas lalo pa siyang napangiti.

"You're funny." Komento nito at isinuot na ang bag niya.

Napakunot ang noo ko. Nag-joke ba 'ko?

"Sabay na lang tayo. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Aya nito sa akin.

"Hindi ako interesado. Salamat na lang." Sabi ko at nauna nang lumabas ng classroom.

Kailangan s'yang iwasan.

Hinanap ko 'yung cafeteria ng school.

Ba't kasi ang laki ng school na 'to?!

Napagdesisyunan kong sundan 'yung dalawang estudyante na naglalakad sa pathway na hindi naman kalayuan mula sa pwesto ko ngayon. Baka kasi sa cafeteria 'yung punta nila kasi lunch break na.

DARE ME TO DEAR YOU (On-Going)Where stories live. Discover now