Chapter 5: DECISION

9 5 0
                                    

Kirsten's POV

"Kirsten, hanapin muna natin ang papa mo. Kanina pa 'yon hindi nakasunod sa atin eh."

Tamang-tama!

"Ah.. t-tita.." Yuck!

"Bakit?"

"Pwede po ba akong makahingi ng pera? May nakita po kasi ako do'n." Turo ko sa isang store na medyo malayo sa pwesto namin. "Gusto ko po sanang bilhin." Dagdag ko.

"Ahh.. 'yon lang pala." Kinuha niya ang kanyang wallet at binigyan ako ng pera.

Oh.. tatlong asul!

"Okay na ba 'yan?" Tukoy niya sa perang hawak ko. "'Yan na lang kasi ang natitirang cash ko eh. Ano ba 'yong bibilhin mo? Pwede bang card na lang?" Sunod-sunod na tanong niya.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Okay na po 'to. Salamat po."

"Gusto mong samahan na kita?" Alok niya pero agad akong tumanggi.

"Hindi na po. Hanapin niyo na lang muna si p-papa. Baka kanina niya pa tayo hinahanap." Palusot ko.

"Ikaw bahala. Tatawagan na lang kita mamaya kung sa'n tayo magkikita." Sabi niya.

Binilhan niya rin kasi ako ng phone kanina. Tinanong niya ako kung meron akong phone. At syempre... dahil isa akong matapat na bata, sinabi ko sa kanyang naiwan sa bahay ang phone ko.

Kaya ayun... binilhan niya ako ng bago.

Latest Model.

"Sige po."

Tumango siya bago ako iniwan.

Tatalikod na rin sana ako kaso mayroong nahagip ang aking mga mata.

Parang nakita ko si mama.

Tinignan kong mabuti 'yong babae...

Si mama nga!

Ibig sabihin, hindi na ako mahihirapang umuwi nito.

Sinundan ko si mama at nang medyo malapit na ako sa kanya ay agad ko siyang tinawag.

"Ma!"

Agad siyang lumingon sa gawi ko at halata sa kanyang nagulat siya. "K-Kirsten?"

Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. "A-akala ko po hindi ko na kayo ulit makikita." Humiwalay ako sa kanya. "Bakit po pala kayo nandito? Akala ko nakauwi na kayo sa atin."

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hinila niya ako sa isang café. Umorder muna siya bago kami umupo sa isang bakanteng table.

"Wow.. may pang-café na tayo ha." Biro ko.

Ngumiti siya at ininom 'yong kape na binili niya.

Napatigil ako dahil bigla siyang sumeryoso at ibinaba ang tasang hawak niya.

"Nag-usap kami ng papa mo." Seryosong sambit niya.

Kaya pala hindi na nakasunod sa amin eh.

"Ano pong pinag-usapan niyo?" Tanong ko sa kanya nang wala na siyang idinagdag sa sinabi niya kanina.

Bahagya siyang yumuko. "W-wala naman masyado. Sabi niya lang... huwag ko na daw kayong guluhin."

Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi ni mama.

"Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin 'yan matapos ng mga ginawa niya." Inis na sabi ko at hinawakan ang kamay ni mama na nakapatong sa mesa. "Kaya ma, huwag mo akong iwan sa kanya. Sasama ako sa 'yo ngayon. Tatakas tayong dalawa." Sabi ko.

DARE ME TO DEAR YOU (On-Going)Where stories live. Discover now