Kabanata 35

59.1K 1.9K 683
                                    

Kabanata 35

"Here are the files you requested, Mrs. Velarde."

Inabot kaagad sa akin ni Mr. Montero ang isang folder. It only took a day to get the information about the company. Since it isn't as complicated as an investigation, madali kong nakuha ang kinakailangan ko.

"Thank you, Mr. Montero."

Binuksan ko ang folder at napag-alaman na matagal nang may partnership ang Danfields apparel at Royal Elite Advertising. Janice's company handles the promoting activities under the apparel.

I skimmed through the papers and saw that Janice was the one who handled the advertisement of the designs created by La Bordeaux. It only means that she knew about me back then. Alam niya rin 'yong tungkol sa lumaganap na issue at alam niya rin ang kinahinatnan ng maliit na kompanya ko.

I also asked for Mr. Montero to collect all the articles regarding La Bordeaux. Halos lahat ay puno ng panggigiit na magpapasama ng reputasyon ng kompanya namin. It really made a huge ruckus since we went against Danfields.

"Ma'am, meryenda po." pumasok si Ate Riza na may bitbit na baso ng pineapple juice at slice ng cake.

"Salamat po," I smiled at her.

"Kakarating lang po ng invitation card, para raw po sa inyo." sabay abot niya sa'kin ng sobre.

Tinanggap ko iyon at binuksan. It was an invitation card for Janice Vermundo's birthday party tomorrow. The card itself looks expensive basing from the quality and the materials used. 

Nang umalis si Ate Riza ay tinuloy ko ang pagbabasa sa mga articles. One article caught my sight, it was still regarding about how my company scammed Danfields apparel. It was from a known publishing company, I read where it came from...it was written and published under Royal Elite Advertising.

Nanginig ang kamay ko habang binabasa iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang binasa ang sunod na pahina. I was so surprised to find out that Janice Vermundo was one of the member who petitioned to shut down La Bordeaux and file a case against us.

Napatayo ako bigla kaya naman natabig ko ang baso at nabasag iyon. Parang hindi magsink-in sa akin ang lahat.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" biglang pumasok si Ate Pola. "May narinig po akong nabasag. Okay lang po ba kayo, Ma'am?"

I just nodded as a response. Kumuha siya ng walis at dust pan. Tumulong din ako pero nasugatan ako mula sa matalas na parte ng baso. Nakita ko ang dugo mula sa daliri ko.

"Naku, Ma'am! Nasugat ka!" gulat na bulalas ni Ate Pola. "Umupo ka na muna, Ma'am. Kami na po rito. Patay kami kay Ser kapag nasugatan ka."

Pumayag na lang ako at umupo sa tabi. Malalim akong nag-isip at pilit kinukonekta lahat lahat ng nalaman ko. I was so confuse as hell.

Kung isa si Janice sa mga nagpetisyon na ipasara kami, bakit gano'n ang trato niya sa'kin? She agreed to publish an article degrading how incompetent and unqualified my company is. Kung gano'n ang tingin niya, bakit ako ang pinapagawa niya ng mga gowns niya?

She entrusted me with her outfits. She befriended me and she always praise my works. Isa siya sa mga rason kung bakit ipinasara ang La Bordeaux kaya bakit? Bakit kung tratuhin niya ako ay parang wala lang 'yong nangyari?

It's impossible that she didn't know me. Ako ang pinupuntirya dahil ako ang nagtayo ng La Bordeaux. Kaya imposibleng hindi niya ako kilala.

"Hey, you okay?" Darius asked when I answered his video chat request.

Taming the Blaze (Magnates Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon