𝑴𝒚 𝒔𝒏𝒂𝒌𝒆 𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅

91 78 22
                                    

"

Sofia di ka ba natatakot na baka maagaw ng best friend mo yang boyfriend mo?" Tanong ng isang kaklase ko habang nakatingin sa basketball court kung nasaan nandon ang best friend kong si Cathy na nagpupunas ng pawis sa boyfriend ko.

Sguro kong yong iba magseselos sa ginagawa nya pero ako hindi, malaki kasi ang tiwala ko sa kanilang dalawa, besides kilalang kilala ko si Cathy. Hindi yong tipong gaya ng boyfriend ko ang gusto nya.

"Hindi naman. May tiwala ako kay Nix at Cathy, sobrang close lang talaga nilang dalawa kaya ganyan.," nakangiti kong paliwanag habang nakatingin kila Cathy na nagtatawanan.

"Nakoo yan talagang si Cathy! Takot malamangan mo pati ba naman sa boyfriend mo makikihati din!" Dagdag pa ng isa kong kaklase.

Nandito kasi kami nanunuod ng basketball ng school namin para maibalita ang mga nangyayari, we're journalist in our school.

"Oyy ano ba naman kayo. Hindi naman ganyan si Cathy, nako kayo talaga napakama-isyu nyo." Biro ko sakanila.

Pero hindi man lang sila tumawa bagkus ay tumigil sila sa pagsusulat at seryoso akong tiningnan, weirdo din minsan tong mga co-journalist ko eh.

"Napakabait mo talaga Sofia ano? Nako dahan-dahan ka, dahil di mo alam yong ginagawa ng iba kapag nakatalikod ka!" Banta pa ng isa sakin.

"Hahaha kayo talaga. Puro kayo kalokohan, halika na nga at itong ginagawa na lang natin ang pagtuunan natin ng pansin." Tumatawa kong sabi. Iningusan lang nila ako bago nagpatuloy sa mga ginagawa.

-
"Nix labas naman tayo, ilang araw na kitang di nakakasama eh." Pangungulit ko sa kanya. Miss ko na kasi sya, ilang araw na syang busy at nawawalan na din sya ng time sakin.

"Oh come on Sofia, alam mo namang busy ako dahil malapit na ang final namin." Sabi nya. Yan naman palagi ang sagot nya sakin eh, nararamdaman ko na ding parang nanlalamig na sya sakin.

"I'm sorry Nix kong naiistorbo kita." Malungkot kong sabi sa kanya at tumalikod, hindi nya man lang ako pinigilan gaya nang ginagawa nya sakin dati na kapag nagtatampo ako ay susuyuin at lalambingin nya ako.

Nagbago na ba sya o may pinalit na syang bago sakin? He become cold and distance to me.

-
"Cath, wala bang sinasabi sayo si Nix?" I asked her, nandito kami sa kwarto ko kung saan tabi kaming natutulog dahil sa bahay namin sya nakikituloy.

"Ah no, why Sofie? May nangyari ba? Nag-away ba kayong dalawa?" Tanong nya habang busy sa pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin.

"Hindi naman, Cath medyo naging cold lang sya sakin these past few days," I said, jabang tinitingnan syang mamili ng susuutin sa mga damit ko.

"Hmm baka pagod lang siguro sya." She said saka kinuha ang pinakapaborito kong dress, ang ineregalo sakin ni Nix noong first anniversary namin.

"Siguro nga. By the way san punta mo at parang ayos na ayos ka ah?" Tanong ko sa kanya, Nakangiti naman syang nagpose-pose sa harap ko habang suot ang damit ko.

"Dyan lang sa labas, makikipag date," Nakangiti nya pang biro na nagpatawa sakin.

"Sige date well," tumatawa kong sabi sa kanya.

-
Nandito ako ngayon sa park kung saan tinitingnan ko si Nix at ang babaeng di ko kilala dahil nakatalikod sila sakin.

Ang saya nilang tingnan, may pahawak-kamay at pa akbay pa sila. Ito ba ang kinabibisihan ni Nix? Ang babae nya?

"Ito ba ang kinabibisihan mo Nix? Ito ba?" Umiiyak kong tanong sa kanya ng makalapit ako sakanila, mukha syang nasorpresa dahil sa presensya ko,pero mas nasorpresa ako sa babae nya.

"I-ikaw? Ikaw ang babae nya?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"L-let me explain first, please Sofia," Umiiyak nyang pakiusap.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa boyfriend ko at sa babaeng yakap nya, si Cathy.

Umiiling akong umaatras sakanila hanggang sa umiiyak na napatakbo na lang ako.
Gusto ko silang sampalin, sabunutan at saktan. Iparamdam sakanila yong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa nila. Pero hindi ko kaya dahil mahal ko silang pareho.

Tama nga ang sabi ng iba, beware of snakes, they can be a person too.

~~~𝑻𝒉𝒆 𝒆𝒏𝒅

One Shot Stories(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon