30

97 5 0
                                    

Dear Diary,

Uuwi na si Harriet sa nueva ecija, diary. Ang lungkot lang kasi feeling ko mag-isa nanaman ako dito sa manila. Bakit ba kasi hiwa-hiwalay kami huhu.

Ang dami namin ginawa loob ng tatlong araw, ang saya kahit kaming dalawa lang. I wonder kung kasama namin yung tatlo pa. Nag-deep talks kami ni Rie habang nasa tagaytay kami, nung camping. Nabanggit ko pa nga sakanya na sinusulatan pa rin kita. Natawa siya diary dahil hindi pa rin daw ako nagbabago, sinusulat ko pa rin sa notebook kung ano yung nangyari sa buong araw ko. Hindi nga pala kita nasulatan nun diary dahil naging busy kaming dalawa sa loob ng tatlong araw. Uuwi ako dito sa condo na pagod na pagod dahil sa dami ng ginawa namin.

Nung unang araw niya dito nag-libot lang kami, pumunta kaming intramuros, manila zoo, divisoria tapos ang pinakahuli ay luneta. Dun na kami nagpalipas ng oras at mga 11 pm na kami nakauwi. Dito na rin siya natulog sa unit ko dahil sayang daw ang pera kung sa hotel pa siya tutuloy.

Sumunod sa tagaytay ay BGC naman, inaya niya kong pumunta ng makati dahil last day naman na daw yon. Ako na nagdrive pauwi dahil lasing na lasing ang gaga. Akala mo ngayon lang nakatikim ng alak HAHAHA. Pero okay lang. Sabi ko nga sobrang worth it naman lahat ng nangyari sa loob ng tatlong araw.

Sa U.E na rin pala minsang nag-aral si Attorney, pero nagtapos daw siya sa Pangasinan. I almost forgot nga na bawal ilabas ang real identity mo dun sa app. Tinanong ko kasi kung ano yung name niya na baka kilala ko siya. Nakakahiya diary pero sabi niya ayos lang daw. Tawagin ko nalang daw siyang Zy. Goodnight na diary, may flight na ulit ako bukas. Mabuti nalang at sa Pilipinas lang kami, sa Palawan nga pala kami bukas diary.

Dear Attorney,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon