Zion Morgan
Pagka-graduate ko ay agad ko siyang hinanap. I've been searching for her sa loob ng tatlong taon. And finally i found her. Nasa manila at isang flight attendant sa Philippine Airlines. Nagsearch ako ng nagsearch sa social medias and then i found her. Single siya. Wala pang boyfriend o asawa. She looked so happy while exploring the world.
Because of boredom i discovered an app called "Online Diary" I suddenly thought about her. Tandang tanda ko pa ang maliit na detalye tungkol sa kaniya na mahilig siyang mag-sulat tungkol sa sarili niya. And she's somehow a religious person.
Someone caught my attention while scrolling to that app. Isang flight attendant na nag-rant tungkol sa isang pasahero na pilit siyang sinisilipan at kinuhanan pa ng litrato na walang permiso niya.
Parang binubulungan ako ng tadhana na kausapin ko raw ang flight attendant na 'yon. @saintriya_ pa ang napili niyang username. I thought about her. What if si Selena 'yon?
We've been talking for months and i suddenly forgot about Selena.
Until one day ibinalita sa'kin ng boss ko na ililipat daw ako sa isang Law Firm sa Makati. Umamin ako kay Riya tungkol sa nararamdaman ko. I like her. I really really like her. I suggested na mag-exchange kami ng social media accounts. Tama nga ako na she's Selena. Sa pag-lipat ko sa law firm sa Makati ay nalaman ko na magiging magka-trabaho kami ng kaibigan niya. Hiningi ko ang number niya sa loob ng isang linggo. Nuong una hindi ibinibigay sa akin ni Renji dahil magagalit daw ito sa kaniya. Pero hindi ako sumuko, kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa siya na yung sumuko at ibinigay na ang number ni Selena.
One week had passed, nakuha ko na rin ang number mo pero dahil sa hiya ko hindi ko agad siya nakausap. Siguro iniisip non na iniwan nanaman siya nang walang pasabi nung nakausap niya. Sa loob ng isang linggo inipon ko ang lakas ng loob na kausapin siya ulit. Limang taon ang sinayang ko. Tatlong taon ako nag-hanap at nag-hintay sa kaniya, papalagpasin ko pa ba 'to?
Pa-ulit ulit niyang sinasabi na ayaw niya. Hindi daw siya si Selena. Hindi nga daw niya kilala kung sino ang Selena na binabanggit ko.
Hindi ako sumuko. Dahil kahit na anong pagtutulak niya sa'kin hinding hindi ko siya susukuan.
That day she told me na mag-kita daw kami sa MIHCA Cafe. Treat ko daw. Agad akong pumayag dahil sa sinabi niya. That day, i explained everything.
"Alam mo ba? Sa loob ng tatlong taon hindi ako maka-tulog kakaisip kung anong kulang sa'kin, kung anong nangyari. Kung bakit ganoon nalang kadali sayong iwan ako. Iniwan mo 'ko nang walang pasabi at paalam non. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa iba ko rin nalaman na meron ka ng iba. Wala pang tatlong buwan 'yon may ipinalit ka na."
I still remember her face. Kahit na anong punas niya ng luha niya hindi pa rin 'yon tumitigil sa pag-agos. Sising sisi ako dahil sa nagawa ko 5 years ago. Sising sisi ako na iniwan ko siya na walang maayos na dahilan.
Ang kapal rin ng mukha ko na bumalik sa buhay niya. But i promised to myself that i won't hurt her again. Tama na ang isang pagkakamali na nagawa ko. Ayaw ko na ulitin 'yon sa takot na baka ako naman ang iwan niya.
Umalis ako nang walang pasabi noon dahil binigyan ako ng full scholarship ng tito ko galing abroad para makapag aral sa maganda ring University sa Pangasinan. Hindi kami ganon kayaman para ma-afford ang U.E kung saan ko siya nakilala. Pinalad lang ako ng Panginoon na maka-pasok sa U.E at makaabot hanggang 2nd year college. Magpapaalam naman sana ako sa kaniya nung panahong iyon pero nahihiya ako. Kahit dalawang taon na kaming magka-relasyon ay ang hipokrito ko para sabihin na ginagawa ko ang lahat para bumagay lang sa kaniya nuong mga panahong 'yon. Wala akong binabanggit tungkol sa pamilya ko dahil mahirap lang kami at nahihiya ako. Mali ako dahil ikinahiya ko ang magulang ko pero masisisi ba nila ako kung takot akong baka layuan niya 'ko nung panahong 'yon kapag nalaman niya ang totoo sa pagkatao ko. Mayaman rin ang pamilya niya, mayaman sila. Paano nalang kung nalaman ng magulang niya na ang taong minahal niya ay ako. Ako na mahirap at walang mapatunatan sa kanila. Naisip ko nuong panahong 'yon ay hindi nila ako tatanggapin at paghiwalayin kaming dalawa. Kaya bago niya pa 'ko pakilala sa mga magulang niya ay tinanggap ko na agad ang inalok ni tito at umalis nang walang paalam at kahit na anong sinasabi sa kaniya.
Naalala ko pa nung araw na 'yon kung gaano kalakas ang sampal niya sa'kin non.
"Ganon ba 'kong tao sa paningin mo? Ang sakit naman ng tingin mo sakin, Morgan. Minamaliit mo naman ako e. Alam mong hindi naman ako ganong tao pero bakit parang sinasabi mo na ganoon ako? Na hindi kita matatanggap base sa estado mo sa buhay. Ang baba naman ng tingin mo sa'kin."
"Hindi gano'n ang magulang ko, Morgan. How ironic na naging attorney ka ngayon pero noon hindi mo ako kayang ipaglaban. Mas pinili mong iwan ako at panaigin 'yang takot mo. At lalong lalo na hindi teleserye ang buhay natin para maging gano'n 'yong magulang ko!"
Kasing lakas ng sampal niya ang lakas ng tunog ng puso ko sa mga oras na 'yon. Ang tanga ko.. Ang tanga tanga ko para iwan siya. Ang tanga ko para maliitin siya. Ang dami kong pag-sisisi limang taon na ang nakalipas pero alam ko na wala naman na akong magagawa para maayos lahat ng 'yon.
"Maayos na lahat, maayos na tayo. Ayos na sa'kin lahat ng 'to. Kuntento na 'ko na nakuha ko lahat ng sagot sa mga tanong na matagal ng bumabagabag sa isip ko. P'wede na 'kong maka-tulog nang mahimbing tuwing gabi. Salamat."
Pero kahit wala akong magawa, hindi pa rin ako susuko para mapa-sakin siya ulit. Hindi ako susuko na mahalin niya 'ko ulit. Pag nangyari 'yon hinding hindi ko na siya papakawalan. Hinding hindi ko na siya iiwan. Hinding hindi ko na uulitin kung anong nagawa ko sa kaniya noon.
"I will court you. With or without your permission. Pumayag ka man o hindi, liligawan pa rin kita. Mahal kita at papatunayan ko sayo 'yon. Let's start again, Sel."
BINABASA MO ANG
Dear Attorney,
RomanceCOMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan kaya agad niya itong in-install. In that app you can post and rant people and everyone around you nang...