EPILOGUE

167 4 0
                                    

Dear Attorney,

Hi Attorney! It's been 3 years since the day you explained everything to me. It's been 3 years and now we're getting married.

Hindi ako maka-paniwala na ikaw- 'yong taong nang-ghost sa'kin noon ay 'yong taong papakasalan ko ngayon. God knows how happy i am right now na ikaw 'yong taong maghi-hintay sa akin sa dulo ng altar.

We've been through a lot. Hindi ko aakalain na babalik ka pa sa'kin. Ni-hindi ko nga naisip na babalik ka pa. Hindi ko naisip noon na hahanapin mo ako, ie-explain sa akin kung anong nangyari sayo noon. Hindi ko naisip 'yon. Iniisip ko lang noon ay kung bakit mo ako iniwan na walang pasabi o paalam.

Mapag-laro nga talaga ang tadhana at tayong dalawa ang napili niyang pag-laruan.

Sa loob ng tatlong taon na pagsasama natin, minsan na akong muntikang sumuko sa'ting dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisip 'yon e hahaha. Pero siguro hindi na masiyadong mahalaga 'yon dahil mamaya makikita na kitang naka-tayo sa harap ng altar, naghihintay sa'kin sa dulo nito.

The day you kneel in front of me, hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Akala ko nananaginip lang ako sa mga oras na 'yon pero hindi pala. Nang ilabas mo ang singsing at tanungin ako kung ikaw ba'y papakasalan ko. Alam ko na agad ang sagot do'n. Kahit hindi mo tanungin ikaw lang ang gusto kong pakasalan at samahan habang buhay.

Kahit minsan paiba iba ang takbo ng utak ko, palagi mong tatandaan na hinding hindi magba-bago ang tibok ng puso ko. Pangalan mo lang ang tinitibok nito. Ikaw lang at wala nang iba.

Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang storya nating dalawa, alam kong ito pa lang ang simula nang panibagong libro para sa'tin.

Mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan na ikaw lang simula pa nung una. Ikaw lang simula hanggang wakas.

"I have loved you since we we're 18."

"You'll always be my day 1."

I love you so much, mí Morgan.

Dear Attorney,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon