Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung tama ba tong desisyong ito. Babalik ako sa isang lugar na halos pitong taong hindi ko binalikan. Yung puso ko parang lalabas sa rib cage ko. Ewan ko ba.
While I was driving, I was constantly making stops at every gasoline station na dinaanan ko. The visits were so frequent, I was already full tank half way through the journey.
Hindi naman malayo yung province namin, apat na oras na byahe by car or bus. Pero ni isang beses hindi ako bumalik dito pagkatapos sa nangyari. I didn't contact anyone, I couldn't. Wala naman akong makontak kahit sino. I gripped my steering wheel tighter as I saw the familiar pattern of trees nearing my hometown. I almost jumped when my phone rang.
"Have you arrived?" Morgain asked as I answered through bluetooth. "No, almost though. A few more minutes and I'll enter the main area ng baryo namin." I answered, my stomach clenching from nerves. Ewan ko ba, wala naman akong nakaaway dito or what. Wala naman din akong inutangan. Pero parang ang mali ng pagbalik ko. Parang hindi ako pwedeng bumalik dito.
"I'll probably lose signal pag dating ko sa baryo proper, I'll try to find someway to contact you though. I have to go."
We both hung up and just as I looked up, nakita ko na ang pamilyar na merkado kinalakihan ko. I swallowed hard and watched as the people in the stands stared at my white car. Buti nalng medyo tinted tong windows ko. I saw familiar faces, a little older now, a little less welcoming din. I saw new faces din, mga hindi ko pa nakita before. I huffed and tapped on my steering wheel for awhile before deciding to buy puto bibingka for my mom.
Paborito niya kasi.
Nag park ako sa gilid ng isang stall at bumaba. I took off my shades and stared at the vendors face. A familiar face.
Si Aling Gina.
"Ella?" tanong niya sa akin. I curtly smiled and lumapit sa stall niya. Ang bango parin ng mga paninda niya. Hindi na nag bago. I looked at all the rice cakes na binibenta niya, all the while I still felt her gaze at me.
"Ang tagal mo namang hindi bumalik dito, anak." bigla nyang sinabi. I looked up and sighed.
"Oo nga po eh, na busy lang po." sagot ko naman. I continued looking at her items and was really intrigued sa kulay violet niyang suman. "Meron na palang kulay ang suman ngayon?" I tried to change the subject. Ayokong mag usap kami about anything that happened dito sa lugar na 'to.
"Hindi ka man lang bumalik dito para sa burol ng papa mo, Ella."
I froze. One reason why I didn't want to come back. Isa ito.
"Zeen na po ang tawag sa akin," I answered, avoiding the conversation, "pabili nalng po ng suman at bibinka. Salamat po."
***********************
I stared at the ancestral house ng lolo ko. Ang luma nang tignan. Ang dami ng dapat ayusin. Bumaba ako pagkatapos akong mag park sa labas, walking to our entrance with shaky knees. Feeling ko lalabas na yung puso ko. Nanay ko lang naman ang nandito pero parang hindi parin ako pwedeng bumisita o yumatak man lang sa bahay.
"Tao po." sigaw ko, parang nahihilo na ako sa init sa labas. It was 3pm and the sun was at its peak, miss ko na agad aircon ko sa sasakyan.
"Sino yan?"
Boses ng nanay ko. A little shaky now pero I know that voice from anywhere. Diyan ako natakot at nakalma noong bata pa ako. Biglang sumikip nanamn dibdib ko. Pero wala na akong magagawa. If I want to keep pursuing my business venture, I have to face whats making me run away.
"Sino po-"
Nahinto si mama, biglang natulala. Nahulog pa nga ang dinadala nyang bolo para sa mga tanim niya. Medyo nakikita ko na ang age ni mama, may mga wrinkles na. Nakikita ko na yung mga pagod niyang mata. Sumikip nanamn ang dibdib ko.
YOU ARE READING
Home in the Province
RomanceHindi ko aakalain na babalik pa ako dito. 7 years and this place hasn't changed a bit. Nandyan parin ang dating tindahan ni Aleng Lena sa tapat ng eskwelahan, pero wala na si Aleng Lena. Nandun parin ang malaking fountain sa plaza pero wala ng tubig...