#3:Masakit na hiwalayan

993 9 1
                                    

Pagkapasok ni Sir Hercules  sa loob ng silid ni Sir Bernard ay agad agad nitong isinira ang pintuan at nag-usap sila ng masinsinan hanggang sa lumaon napapalakas ang tono ng kanilang mga boses.

Hercules: Bakit ba ang hirap mong umintindi, ang sabi ko, di na ako masaya sa ating relasyon, may bago na akong mahal kaya kailangan na nating maghiwalay.

Bernard: No... hindi! hindi ako papayag na ganun ganun na lamang matatapos ang ating relasyon.

Hercules: Makakahanap ka rin ng higit pa sa akin, matutunan mo rin akong makalimutan. Patawad pero kailangan ko ng umalis, ay saka salamat nga pala sa lahatlahat, aalis na ako...

Bernard: Hercules!.... Hercules, huwag mo akong iiwan, pakiuusap... huhuhuhu... bumalik ka dito Hercules....Hercules!!!!!!!!

Umiiyak na tinatawag ni Sir Bernard ang pangalan ng kanyang kasintahan na si Hercules habang ito ay umaalis papalabas sa loob ng bahay.

Lumipas ang ilang linggo ay unti unti ng nakarecover si Sir Bernard sa paghihiwalay nila ni Sir Hercules. Madalas na niya akong isinasama sa pagsashopping sa mall at mas lalo pang natuon ang pansin niya sa akin, mas lalo pa niya akong ipinagsashopping at ipinamimili ng mga gamit, nagtataka man ako ay hindi ko na lang iyon iniisip.

Minsan ay niyaya niya akong maligo sa kanyang napakalawak na swimming pool at doon ay tanging hapit na hapit lang na kulay gray na brief ang kanyang suot, na,humuhulma talaga sa kanyang napakatangkad at matabang mataba na ratbu.

Ang labis labis ko lang talaga na ipinagtataka ay kung bakit nagawa pang ipagpapalit ni sir Hercules si Sir Bernard eh kung tutuusin ay napakatisoy ni Sir Bernard, matangkad, maputi at makinis, machu at matipuno ang katawan, may 6 packs abs at higit sa lahat ay may ipagmamalaki sa kanyang harapan.

Napag-isip isip ko lang na kung ako lang yung naging kasintahan ni Sir Bernard ay malamang hinding hindi ko na siya pakakawalan pa talaga.

Bigla na tuloy akong nag-iinit sa aking pinanood na harapan ni Sir Bernard na sobrang maumbok talaga, para na akong natutuyuan ng laway.

Muling bumalik ang aking ulirat at malay ng tinawag ako ni Sir Bernard dahil may iniutos siya sa akin.

Bernard: Edwyn, lumapit ka nga muna rito, pakilagay mo naman ng sun's cream itong likuran ko, di ko kasi maabot.

Kaya umahon na ako sa pool at tinungo ang kinaroroonan niya.Kaagad niyang iniabot sa akin ang cream kaya naglagay agad ako ng maraming cream sa aking palad at ipinahid ito sa buo niyang likuran. Aliw na aliw ako sa aking ginagawa dahil sa muli ko namang nahawakan ang pinapantasya kong katawan ng isang lalaki.

Bernard: Edwyn, palilagay mo na rin ng cream ang dibdib ko pati ng yung hita ko.

Agad siyang tumihaya ay muli ko na namang nasulyapan ang kanyang matipunong dibdib, 6 packs abs at ng kanyang maumbok na maumbok na harapan.

Hindi ko namalayan na lihim na napapangiti na pala si Sir Bernard na nakatingin sa aking mukha kung saan ang mga kamay ko ay pinapahiran ng cream ang kanyang mga hita samantalang ang mga mata ko ay doon nakatitig sa maumbok niyang harapan.



Alipin sa araw, parausan sa GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon