#2: Ang bisita ni Bernard

1.1K 10 1
                                    

Kinaumagahan ay maaga na naman akong gumising para ipagluto ng almusal si Bernard at maihanda ang kanyang kape. Nang matapos na magawa ang lahat ng mga gawain sa umaga ay hinanda ko na ang tray at saka inilagay ang almusal niya kasabay ng kanyang kape, at dahandahan na tinungo ang silid ni Bernard.

Nang nasa harap na ako ng pintuan ng silid ni Bernardo ay Dahan-dahan akong kumatok sa pinto.

Ako: "Tok.. tok... tok... Sir Bernard, nandito na po yung breakfast in Bed mo at nandito na rin yung kape mo"

Bernard: "Pasok ka Edwyn, bukas yang pinto".

Agad kong pinihit ang doornob kasabay ng pagtulak nang dahandahan  at bumukas ang pinto. Agad akong pumasok daladala ang tray.

Bernard: "Pakilapag mo lang dyan sa mesa", Sabi niya habang nanonood ng palabas sa kanyang cellphone.

Pagkalapag ko ng Tray sa mesa ay tinanong ko muna kung ipag-uutos pa ba siya sa akin bago ako lalabas.

Ako: May iba pa po ba kayong ipag-uutos sa akin Sir?

Bernard: Wala na Edwyn at salamat nga pala.

Ako:Walang ano man Sir.. sige po lalabas na po ako.

Dahil natapos ko na ang lahat ng mga gawain sa umaga ay nanonood na muna ako ng mga palabas sa  TV nang biglang tumunog ang doorbell. Agad kong pinuntahan ang gate at binuksan ang gate. Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad sa aking harapan, Si Hercules, ang gwapong kasintahan ni Sir Bernard.

Hercules: Magandang umaga Edwyn, nandyan ba sa loob si Bernard?

Ako: Opo, nandyan po siya sa loob, pasok po tayo.

Nang makapasok na siya sa loob ay agad kong isinira ang gate at sabay na kaming pumanhik sa papasok sa loob ng bahay.

Ako: Umupo ka na muna dyan sa sopa Sir Hercules at ipapaalam ko kay Sir Bernard na nandito ka.

Hercules: Salamat Edwen.

Agad kong pinuntahan ang silid ni Bermard para ipaalam sa kanya na nasa ibaba ang kanyang bisita na si Hercules.

Ako: Tok.... tok.... tok.. Sir Bernard... Tok... tok....tok....Sir Bernard, nandito po si Sir Hercules, nasa sopa po siya at naghihintay sayo.

Bernard: Pakisabi na lang sa kanya Edwyn na pumasok na lamang sa aking silid dahil bukas naman yang pinto.

Ako:Sige po Sir Bernard, sasabihin ko po sa kanya. Sige po aalis na po ako.

Pagkababa ko sa ibaba ay agad kong sinabi kay Sir Hercules na pumasok na raw siya sa loob ng silid ni Sir Bernard dahil nakabulas naman daw ang pinto.

Alipin sa araw, parausan sa GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon