Nang mabasa ko ang text sa akin ni Tita Minerva ay parang naging maayos ang aking pakiramdam.Dahil na rin sa maayos na ang lahat, nakulong na ang may sala sa pagkamatay ni Yuri ay napadpad ako sa 56 unread messages ko.
Unread Messages...
Kelvin: Bro, r u ok? We'll visit u soon. Condolence.
Phrix: Thankyou Bro.
55 Unread Messages...
I scroll down kaya't nakita ko na halos lahat ng message ay condolences lamang, kaya hindi ko na muna ito inintindi.
"Sir, andito po sina Sir James. Papasukin ko po ba?", tanong sa akin ni Manang Yolly.
"Opo, Manang", mabilis na sagot ko sa kanya.
Dali dali akong naglinis sa aking kwarto dahil papasok dito sila James. Nakakahiya. Agad din akong pumunta sa CR para magpalit ng damit dahil nakapantulig pa ako. Suot ko ngayon ay Blue Sando at Boxers.
"Bro, we're here. Where are you?", tanong ni James na tila kakapasok palang sa kwarto ko.
"Baka nasa banyo, na-poop HAHAHAHAH", biro sa akin ni Jay.
Nang marinig kong nagtatawanan sila ay dali dali akong lumabas. Nagulat ako ng makita kong kasama nila si Hakki.
"Ow, h-hi g-guys", pautal na sabi ko.
"Bakit para namang nauutal ka", tanong sa akin ni Hakki.
"Kaka-toothbrush ko lang kasi, siguro", sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam ang aking isasagot kaya minabuti ko na lamang na yayain sila ng breakfast.
"Huy Phrix bakit di ka makapagsalita?", panggigitla sa akin ni James.
"Oo nga, kami lang to oh", sabi naman ni Dreb.
"By the way Phrix, kamusta naman yung kaso about kay Yuri? Nahanap na ba?", tanong sa akin ni Stacey.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Stacey dahil hindi ko na naiisip si Yuri ngayong nandito si Hakki. I tried to focus but i can't, si Hakki pa din ang naiisip ko.
" A-Ah, maayos na d-daw, nahuli na ang may k-kasalanan", pautal kongsagot.
1 new message
Tita Minerva: Anak, ngayon ko na ipapatapos ang burol, sa may Enchanted Garden ko ipapalibing si Yuri kasi nanduon ang mga kamag-anak namin. Busy ka ba? If busy ka okay lang na hindi ka makapunta, i understand.
Dahil nahuli na ang pumatay at nanggahasa kay Yuri, minabuti na ni Tita at Tito na ipalibing na si Yuri dahil nakamit na nila ang hustisya. Ata para na rin daw hindi na nila naiisip ang kawalanghiyaang ginawa ng may sala kay Yuri.
Nang mabasa ko ang text na iyon sa akin ni Tita Minerva ay wala akong nararamdaman. Hindi ko alam, si Yuri yun ang minahal ko ng 11 years pero parang nawalan na ako ng pakiramdam sa kaniya. Pero pinilit ko ang aking sarili na pumunta doon para na din hindi isipin ni Yuri na di ko na siya mahal.
"Ahm guys, may pupuntahan pa kasi ako, okay lang sa akin kung gusto niyo na dito muna tumambay or uuwi na lang muna kayo", sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Where are you going?", tanong sa akin ni James.
"Pupunta ako sa Enchanted Garden, doon ipalilibing ni Tita si Yuri", nagmamadali kong sabi sa kanila.
"Edi isama mo na lamang kami, makikiramay din kami", sabi sa akin ni Dreb.
"Oo nga Phrix, isama mo na lang kami", sabi ni Stacey.
"Dala niyo ba mga cars niyo?", tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sorry, I Cheated
General FictionMalalaman kaya ng ating mga puso na tayo'y nagmahalan nuon, kahit na nasa panibagong buhay at katawan na tayo? Makikilala pa ba natin ang isa't isa kung marami na ang nag-iba sa atin? Magmamahalan pa ba tayo? O tatahakin na natin ang ibang direksiyo...