"Papaanong na gawa ni Dad yun kina Mang Tony at Manang Yolly? Halos ito na ang kasama niya simula nung bata pa lamang siya. Papaanong nagawa niya ito kay Mom? Kailangan niyang pagdusahan itong ginawa niya. Kailangan nilang magdusang dalawa!", sigaw ko habang unti unting tumutul9 ang aking luha."Papaanong nagawa nila sa akin ito? Sa atin ito? Anong ginawa natin sa kanila? Anong ginawa ko sa kanila.", dagdag ko pa.
"Ang kwento sa amin nina Manang Yolly kaya gusto kang patayin nila Tito Fidel at Khalie ay dahil sa isang gabi umuwi si Khalie sa bahay niyo ng lasing ng malaman niyang ikaw ay naaksidente. Napadiretso siya sa kwarto ni Tito at dahil sa kalasingan ay inakala ni Khalie na ikaw si Tito, kaya may nangyari sa dalawang ito. At hindi lamang dito nagtatapos ang lahat, may mga araw na ginugusto na din ni Khalie si Tito, nay isang araw nga na nagtataka kami ni Hakki kung bakit sobrang lapit ni Tito kay Khalie, yun pala may relasyon na sila. At dumating din ang araw na may nabuo sa kanilang pagtataksil sa iyo. Si Zoe, ang anak nila. ", kwento pa ni Dreb.
" E bakit naman kumampi sila Kelvin kina Dad? Anong kasalanan ko sa kanila? ", tanong ko sa kanila.
" Kay Stacey, simula pa lamang daw nuon galit na galit na siya sayo dahil sa ikaw palagi ang nasa taas pagdating sa rank sa kompanya sa Pilipinas. Kay James, ang pagpatay mo daw kay Yuri na dapat ikakasala sa kanya. Kay Kelvin, paghihiganti. Gusto niyang ipaghiganti si James sa iyo. ", kwento pa ni Dreb.
" Phrix, i just want to tell you that Yuri's back! ", sabi ni Hakki.
" Back? ", tanong ko.
" The daughter of your Dad and Khalie. She's beautiful! Kamukha siya ni Yuri nuong kabataan niya. Kaya Phrix, we have to do something para makuha natin sila Dhalia ang anak niyo ni Khalie at si Zoe ang anak nila Khalie dahil sinaksaktan nila Khalie ang mga bata!", mahinahong sabi ni Hakki.
"Their demons! Tomorrow, Dreb, the both of us will be there. Pupuntahan natin sila Dhalia.", sabi ko.
"Yes, that's the right thing to do." sagot sa akin ni Dreb. "Babe, dadaanan ko muna si Basty bukas kila Mom, kukunin ko muna siya para mabantayan mo din siya.", sabi ni Dreb kay Hakki.
"Babe, wag na muna. Kailangan siguraduhin muna nating ligtas na. Ayokong madamay ang anak natin dito.", sabi ni Hakki kay Dreb.
(KINAUMAGAHAN).
Agad nga kaming pumunta sa bahay namin oara puntahan ang anak ko at ang anak nila Dad at Khalie. Tumawag na din kami sa pulis para may makasama kami sa pagkuha at pagkulong na din kina Khalie at Dad dahil sa madami na itong nasamang nagawa.
"Tao po!", pagtawag ng pulis na kasama namin sa aming bahay.
"Ay, bakit po?", tanong ng isang yayang lumabas para kami'y pagbuksan.
"Nandito po ba sila Fidel Muchelney at Khalie Manchester? tanong ng masigasig na pulis na kasama namin.
" Wait lang po tatawagin ko lang po sila", sagot ng yayang ito.
Agad nga itong pumasok at sa pagpabas nito ay kasama nga nito sina Dad at Khalie. Kitang kita ko ang paghirap sa paglalakad ni Dad dahil sa katandaan pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting awa sa kaniya. Nakaalalay naman si Khalie dito.
Nabigla si Khalie ng makita niya akong kasama din ng pulis. Nilapitan niya ako at niyakap.
"Phrix! We're searching for you, bakit ka naman umalisnang hindi namin nalalaman?", tanong sa akin ni Khalie.
"Khalie, please! Bitawan mo ako! Baka kung ano lamang ang magawa ko sa iyo. Nasaan ang anak natin? Nasaan ang anak niyo? Ilabas niyo sila! Ako na ang mag-aalaga sa kanila dahil alam kong mabubulok ka o sa kulungan!", masigasig na sabi ko sa kaniya.
"Huh? Anong sinasabi mo? Wala kaming masamang ginagawa! Bakit kami makukulong?", nagmamatapang na sagot sa akin ni Khalie.
"Ms., pasensiya na po pero kailangan niyo na pong sumama sa amin.", pagsabat ng isang pulis.
*****
©All Rights Reserved. KC. 2020
BINABASA MO ANG
Sorry, I Cheated
General FictionMalalaman kaya ng ating mga puso na tayo'y nagmahalan nuon, kahit na nasa panibagong buhay at katawan na tayo? Makikilala pa ba natin ang isa't isa kung marami na ang nag-iba sa atin? Magmamahalan pa ba tayo? O tatahakin na natin ang ibang direksiyo...