Failed Seduction 02

68.8K 1.6K 190
                                    

(TH) Chapter 02


“DATING you is like dating my grandma.” Tumatawa siya habang inaasar ako.

“Sino bang nagsabi na date ’to?”

Lumabas kami dahil gusto ni Tita Graciela—ng Mama niya— na samahan ko si Enzo habang nasa salon siya. Isinama niya kami at ngayon ay kumakain kami habang naghihintay na matapos siya sa package ng salon na kinuha niya.

Maganda si Tita Graciela at bata pa. Maagang nagka-anak kaya’t para lang silang mag-ate ni Enzo. Magaling din mag-ayos at madalas na nasa salon. Ang sabi niya’y mas maganda raw ako kaysa kay Ate. Kambal kasi kami ngunit hindi kami magkamukha. Palagi niya rin akong pinipilit na aayusan niya, na paulit-ulit ko rin naman na tinatanggihan.

“Ako! Hindi na tayo nakakakain sa labas dahil diyan sa Cole mo!”

Napangiti ako nang maalala si Cole kaya sumimangot siya.

“Inaayos kasi namin ’yong garden.”

Sinumpak niya ang malaking hiwa ng karne at padabog na ibinagsak ang kutsilyo na pinanghiwa niya kaya napatingin sa amin ang ibang customers na kumakain. Nakakahiya talaga minsan kasama itong lalaki na ’to!

Nilingon ko ang mga tumingin at nginitian ko para iparating sa kanila na walang problema. Tiningnan ko nang matalim si Enzo at sinipa ang paa niya na nasa ilalim ng lamesa.

“Aray! Bakit ba?!” malakas na reklamo niya at hinimas gamit ang kanyang isang kamay ang paa niyang sinipa ko.

“P’wede bang tumahimik ka na lang Enzo at kumain ka na lang nga diyan!”

“Ayaw mo lang pag-usapan kasi nilalandi mo ’yong Cole na iyon!”

Sinampal ko ang labi niya kaya’t napatakip siya ng kamay doon at salitan na kinagat ang ibaba at itaas niyang labi. Namanhid siguro ang mga labi niya dahil sa lakas ng sampal ko.

“Bunganga mo ha! Anong nilalandi ka riyan?”

Nakasimangot siya nang isinubo niya ang panibagong hiwa ng karne at balak sanang ibagsak ulit ang kutsilyo na ginamit niya ngunit tinaasan ko siya ng kilay kaya hindi natuloy. Para siyang isip bata, nakakaasar!

“Bakit noong nakaraang araw nakita ko kayo sa library?”

“Nag-aaral malamang! Ano pa bang ginagawa sa library?”

Napangisi siya at may kagaguhan na naman na naisip. Umirap ako at gusto siyang tusukin ng kutsilyo na hawak ko dahil sa sunod na sinabi niya.

“I don’t go to library to study... nakikipag-sex ako...” bulong niya, gamit pa ang isang kamay para ipangtabing sa labi kunwari at hindi marinig ng iba.

Pumikit ako at nagbuga ng hangin dahil gusto ko siyang abutin at gilitan. Pinanliitan ko siya ng mga mata at itinuro ang hawak kong kutsilyo sa kanya.

“Cole is not like you! That’s why I like him—” Natutop ko ang mga labi ko dahil sa nasabi.

“You like him?” seryoso na tanong niya.

Napalabi ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na pinansin ang paulit-ulit lang naman na sinasabi niya.

“You’re still young for that, Felicity…”

“I’m not young anymore!”

“Ah, ganoon? Sumbong kita sa daddy mo, gusto mo?”

Umirap ako at tumahimik. Kapag nalaman kasi ni daddy ay baka pagbawalan ako. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan niya si Ate at ang higpit-higpit niya sa akin. Magka-edad lang naman kami ni Ate at ilang minuto lang ang tanda sa akin.

Failed Seduction (R-18) (Erotic Island Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon