CHAPTER ONE

5 1 0
                                    

-KRISTAL

"Tigilan nyo na nga ako"

Sigaw ko sa apat na babaeng nasa harapan ko

"Alam mo ikaw ang arte arte mo"

Mataray na sabi ni ZABRINA sabay hila sa buhok ko

"Ouch"

Sigaw ko at inambahan sya ng suntok kaya napaatras sya

"Ayan kaya hindi ka mag kajowa kasi ang brutal mo"

Galit nya ding sigaw sabay bato sakin ng suklay na agad ko naman naiwasan. Yung tatlo naman pinapanuod lang kami

"Hindi.ko.naman.kasi.kailangan.ng.jowa"

May diin na sabi ko saka ko sila inirapan

"Iirap irap ka pa dyan tusukin ko yang mata mo ei"

Nag babantang sabi sakin ni Zabrina

"Tigilan nyo na nga yan para kayong bata"

Awat at sermon samin ni JESSA. Kaya sabay namin syang inirapan ni Zabrina

"May jowa naman kasi ako"

"Talaga"

Halos sabay sabay nilang tanong kaya muli akong napairap

"Eto oh"

Pinakita ko sa kanila yung picture na naka save sa phone ko

"Ay iba din ang gwapo"

Sabi ni KAYELA saka pinaka titigan yung picture

"Anong pangalan"

Tanong naman ni HANNY

"Eric De Guzman

Sagot ko. Agad namang nag type ss cellphone nya si Hanny

"Eto"

Sabi nya sabay pakita sa amin ng profile pic ni Eric. Tumango naman ako bilang sagot. Tinignan naman ako ng masama ni Zabrina at Jessa

"Oh bakit?"

Nag tatakang tanong ko

"Oo gwapo sya pero bakit wala man lang ka react-react yung Dp nya"

Nag hihinalang sabi ni Zabrina

"At bakit 200+ lang yung friend nya"

Nag uusisang tanong ni Jessa

"Atsaka wala din syang mga old post. Kakagawa lang ata ng account"

Dagdag pa ni Hanny

"Ewan ko"

Inosenteng sagot ko sa mga tanong nila. Bigla naman ako hinila ni Kayela paupo sa sofa

"Umamin ka gawa-gawa mo nanaman to no?"

Sunod-sunod akong umiling sa tanong nya

"Talaga? Kasi parang ginawa mo na din to 2 yrs ago. Naalala nyo yung Joshua Philip Cruz"

Tanong ni Kayela dun sa tatlo na agad naman nilang sinagot

"Sabi mo dati jowa mo din yung Joshua tapos malaman laman namin gaw mo lang pala yung Account na yun"

"Noon yun, ngayon totoo na to, promise"

Kinakabahang sabi ko tsaka ako pilit na ngumite

"Aamin ka o ihahampas ko sayo tong hair blower"

Agad naman akong napapapikit dahil sa pag babanta ni Zabrina

"Oo na gawa ko lang yan! Masaya na kayo?"

DIARY NG N.B.S.B (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon