-KRISTAL
(Un-edited)
Isang linggo na lumipas simula nung umamin si Kayela at hanggang ngayon di pa din sya iniimik ni ZabrinaUmamin na din sila Kayela at Hanny na may relasyon sila at nung nalaman yun ni Zabrina lalo syang nagalit.
Akala ko puro badvibes na sa akin buong linggo dahil sa away nung dalawa pero may maganda pa din namang nang yari
Yung Dence na ka chat ko naging close na kami halos gabi-gabi na nga kami mag kachat. Minsan umaabot pa ng alas tres yung pag uusap namin, minsan di ko napapansin na nag o-open na pala ako sa kanya tungkol sa mga problema ko ganon din naman sya sa akin. May mga personal na bagay na kaming alam sa isat isa pero minsan di talaga mawawala yung panira ng mood ko kagaya ngayon di ko pa man nababas message ni Kevin naiinis na ako
Ke: bat gising ka pa? Late na, inaantay mo chat ko? *wink
Since hindi pa naman nag rereply si Dence nireply-an ko mo muna si Kevin
K: pwede ba bawas bawasan mo kakapalan ng mukha mo
Pag kasend ko pa lang nag rereply na agad sya. Tuwang tuwa talaga to pag naiinis ako
Ke: pati ba naman sa chat ang sungit mo kaya di ka nag kakaroon ng boyfriend
K: excuse you! May boyfriend kaya ako
Ke: haha talaga sino?
K: at bakit ko naman sasabihin sayo
Ke: wala gusto ko lang malaman kung bulag ba yun at pinatulan ka
K: bwesit kaDahil sa sobrang inis ko kay Kevin di ko namalayan na nag chat na pala si Dence
D: hey babe. Gising ka pa?
D: mukhang busy ka huh *pout*
D: tinulugan mo nanamn ba ako?
K: sorry may ginawa lang to naman nag tatampo agad
D: kala ko kasi tinulugan mo na ako ei. By the way i miss you *kiss*Hindi ko alam kung ano matatawag itong relasyon namin ni Dence. Hindi naman nya ako niligawa pero ang sweet sweet nya sa akin. Walang kami pero nag papalitan kami ng "I love you".
Ano ba mamatawag tong relasyon namin?
(AN: anong nga bang tawag sa relasyon nila?)
Para akong zombie na bumangon sa kama. Ang sakit ng ulo ko! Hindi na talaga ako mag pupuyat!
"Ilang gabi mo pinag puyatan yang eyebags mo"
Nang aasar na sabi ni Hanny. Tinignan ko sya ng masama
"Hindi ka nakakatuwa"
Wala ako sa mood makipag asaran sa kanila dahil ang sakit talaga ng ulo ko
"Pano ba naman gabi-gabi nakikipag puyatan sa kachat nya"
Pang aasar din sa akin ni Zabrina. Hindi ko alam kung okay na ba sila ni Kayela pero hanggang ngayon di pa rin kasi sila nag iimikan so inassume ko na di pa sila okay
"Ows talaga at sino naman yun"
Usisang tanong ni Jessa
"Wala yun"
Kagat labing sabi ko
"Wala daw pero kinikilig"
"Oy inlab na sya"
"Sino ba yun?"
Pang aasar nila kaya di ko na mapigilan yung kilig ko
"Ay ang lawak ng ngite oh"
Umupo ako at kwinento sa kanila kung anong meron sa amin ni Dence
"Ano yun M.U lang kayo?"
"Hindi ko alam"
Alanganing sagot ko kay Kayela
"Nag kita na ba kayo sa personal"
Tanging iling lang ang naisagot ko sa tanong ni Jessa
"Nakalimutan mo na ata yung mga tips na sinabi namin sayo"
Mataray na sabi ni Zabrina kaya inirapan ko sya
"Makipag date ka sa kanya. Remember tips number five"
"Sige susubukan ko sya yayain"
"Anong susubukan! Wag mong subukan,gawin mo"
Ilang araw ko din pinag isipan kung makikipag kita ba ako kay Dence. Wala naman akong na raramdaman na masama sa kanya at mukha naman di sya masama.
Nag desisyon na ako yayain ko na sya!
K: Good morning
Ilang minuto pa ako nag hintay bago sya nag reply
D: same. Kamusta?
K: okay naman medyo pagod lang sa trabaho
D: ganon ba. Nag dinner ka na ba?
K: tapos na ikaw?
D: kakatapos lang. May itatanong ako
K: sure ano yun?
D: free ka ba this sunday?
K: yeah bakit?
D: yayain sana kita sa isang date kung okay langKagat labi ako habang nag pipigil ng kilig
OH MY GOSH!
K: sure. Wala rin naman akong gagawin
Napasigaw na ako sa sobrang kilig
"Putang ina naman Kris natutulog ako respeto naman!"
Nag piece sign lang ako kay Zabrina.
Shit kinikilig ako!
AN:sorry for short update
BINABASA MO ANG
DIARY NG N.B.S.B (One Shot)
Short StoryTIPS PARA MAG KA JOWA *Tips number one: Mag ayos ka *Tips number two: Lower your standard *Tips number three: Wag ka umasa *Tips number Four: Makipag usap ko o kaya makipag landian *Tips number five: Makipag date ka *Tips number six: Tumanggap ka ng...