-KRISTALAntok at humihikab pa ako'ng lumabas ng kwarto
"Kaninong hugasin ba to bakit di pa din hinuhugasan kagabi pa ata to dito"
Galit na sigaw ni Jessa
"Kay Zabrina yang hugasin na yan"
Sabi ni kayela habang nakatayo sa tapat ng pinto ng CR
"Excuse me kakata...."
Hindi na nya natapos pa yung sasabihin nya dahil binato na sya ng sandok ni Jessa
"Mag hugas ka na"
Galit na sigaw pa din ni Jessa parang bata namang sumunod si Zabrina
"Hanny ano ba di ka pa ba tapos taeng tae na ako"
Sigaw at reklamo ni Kayela habang kinakalampag yung pintuan ng CR. Napailing na lang ako at nag timpla ng kape. Ganito kami tuwing umaga at yes mag kakasama po kami sa iisang bahay kaya wag na kayong mag taka kung bakit
~~~~
Nakaalis na si Hanny at Kayela parehas silang sales lady sa isang mall. Hindi naman kami anak mayaman para di mag trabaho
Kakatapos lang din maligo ni Zabrina
"Mauna ka na maligo kristal"
Nag tatakang tinignan ko si Jessa kadalasan kasi nauuna sya sa akin
"Bakit may problema ba"
Nag aalalang tanong ko agad naman syang umiling
"Masama lang pakiramdam ko"
"Okay"~~~~~
Pag dating ko sa trabaho sinalubong ako ng isa sa pinaka kinaiinisan kong tao
"Hi miss beautiful"
Inirapan ko lang sya at di na pinansin kaso sinundan pa rin nya ako
"Pwede ba kevin tigilan mo ako"
Pag tataray ko sa kanya
"Eto naman ang aga-aga ang sungit. Dyan ka na nga"
Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad. Si Kevin hindi naman sya ganon ka gwapo sakto lang, mas gwapo pa din si KENJI DELOS REYES pero dahil sa "karisma" nya daw lapitin sya ng mga babae at madami din nag kakagusto sa kanya well not me dahil hindi sya pasok sa standard ko.
Bigla ko namang na alala yung sinabi ng mga kaibigan ko
"Tips number two. Lower your standard"Nah di ko pa din papatulan yan si Kevin. By the way isa nga pala ako'ng QC line leader dito sa factory na pinapasukan ko regular na ako dito kaya okay na din. Di na ako nag hanap pa ng ibang trabaho dahil di rin naman ako naka pag tapos ng highschool kaya hirap ako mag hanap ng ibang trabaho lalo na sa panahon ngayon. Dahil sa mahirap lang kami kailangan ko huminto sa pag aaral para tumulong sa magulang ko at pag aralin yung mga nakaka babatang kapated ko.
~~~~
Pagod kong binagsak sa sofa yung katawan ko. Ako pa lang yung tao dito sa bahay kaya umidlip muna ako saglit bago nag bihis at nag luto. Para di ako maiinip kaka antay sa kanilang apat nag open muna ako ng facebook
Ano pa nga bang aasahan kundi scroll lang ako ng scroll lahat naman tayo ata ganon lalo na kung walang ka chat diba? Papatayin ko na sana yung data ko ng biglang may mag pop na message galing sa isang........lalaki?
"Dence Vladimir Villanueva"
Basa ko sa pangalan nya
D: Hi
K: Hello :)Ilang minuto pa inantay ko kala ko wala na syang plano mag reply
D: Hahaha
Ei? Anong irereply ko sa Hahaha?
K: Hehehe
D: *laughing emoji*Hindi ko na sya nireplya-yan dahil wala na akong maisip na pwedeng ireply sa emoji
"Anong ginagawa mo?"
Nabitawan ko yung cellphone ko dahil sa gulat
"Ano ba"
Medyo inis na sabi ko kay Jessa. Bigla bigla na lang syang sumusulpot kainis!. Pinulot naman nya yung cellphone ko
"Aba may ka chat ka pala"
Nang aasar na sabi nya kaya tinignan ko lang sya ng masama
"Wala naman kaming pinag usapan nyan"
Nakangite nya akong tinignan
"Pwes ngayon meron na"
"Hoy anobg ginagwa mo"
Sigaw ko habang hinahabol sya. Tumakbo naman sya papasok sa loib ng CR at nilock yung pinto
"Ano ba Jessa akin na phone ko"
Paulit ulit kong kinalampag yung pinto
"Anong nang yare?"
Napalingon naman ako kela Kayela at Hanny na kakarating lang
"Si Jessa kasi kinuha yung phone ko"
Sumbong ko na parang bata. Natawa naman silang dalawa bago pumasok sa kwarto nila
Ilang saglit pa at lumabas na din si Jessa
"Oh ayan na marami ka ng ka chat"
Agad kong kinuha sa kamay nya yung cellphone ko. Tinignan ko yung message sa account ko at halos manlaki yung mata ko sa dami ng message
"Anong ginawa mo"
Nag aalalang tanong ko
"Wala nag HI lang ako naman ako sa lahat ng friend mo'ng lalaki"
"Nababaliw ka na ba! Ano na lang iisipin ng mga yan na desperado ako"
Inis na sabi ko na ginantihan nya lang ng isang ngite
"Nakalimutan mo na ba ang tips na binigay namin sayo"
Tanong nya na agad ko naman sinagot ng iling
"Ngayon mo na magagamit lahat yun"
Kinindatan nya pa ako bago tuluyang pumasok sa kwarto
"Atsaka isa pa walang masama sa pag ha-HI"
Dagdag nya pa bago isara yung pinto. Hindi ko na sya pinansin at pinatay na lang yung data ng phone ko.
BINABASA MO ANG
DIARY NG N.B.S.B (One Shot)
Short StoryTIPS PARA MAG KA JOWA *Tips number one: Mag ayos ka *Tips number two: Lower your standard *Tips number three: Wag ka umasa *Tips number Four: Makipag usap ko o kaya makipag landian *Tips number five: Makipag date ka *Tips number six: Tumanggap ka ng...