•°A N G L I H A M°•

46 11 11
                                    

Reset Will be Repeated

"Wilbrane, what is this?" I turned around on my boyfriend when I heard him, I look at the ancient envelope that he was holding.

"Someone was pranking me, 'wag mo nang isipin 'yan. We need to go, malamang hinihintay na tayo ni Serril." Aya ko sa kanya, he just smiled at me at inilapag ang envelope sa table ko. Hindi ko alam kung inaasar lang ako ng taong nagsulat noon, araw-araw kasi akong nakakatanggap ng sulat at ang nakalagay na petsa kung kailan n'ya pinadala ay 19th century pa. Bukod doon ay may hawig pa ang pangalan n'ya sa boyfriend ko, iniisip ko nga na baka 'yung boyfriend ko nga 'yung nagsulat noon pero napagtanto ko na hindi pala dahil nagtanong s'ya kanina.

"Alfroud, mauna ka na sa parking lot. Naiwan ko 'yung regalo ko kay Serril eh." napatango naman ang boyfriend ko kaya mabilis akong bumalik sa condo ko para kunin ang regalo ko. Birthday kasi ng kaibigan ko kaya inimbitahan n'ya ako na pumunta sa isang resto bar kung saan nandoon din ang mga kaibigan namin. Hindi ko itinatangging kinakabahan ako dahil ito ang unang araw na ipapakilala ko sa kan'ya si Alfroud.

•••

"What the hell, Wil? Are you insane?" galit na pabulong sa akin ni Serril, ito na nga po ang sinasabi ko eh. Napasuklay ako sa mahaba kong buhok at agad na lumagok ng Raspberry Collins.

Ito talaga ang inaasahan kong sasabihin n'ya kapag ipinakilala ko ang boyfriend ko, pero kahit napaghandaan ko ay wala akong maisagot.

"Wil, nababaliw ka na talaga. Kailan ka pa nagkaroon ng sugar daddy?"

"'Wag mo nga s'yang gan'yanin." kunot-noong suway ko dahil sa tinawag n'ya sa boyfriend ko. Alam ko namang may katandaan na ang boyfriend ko, pero hindi ko naman s'ya hinuhuthutan para sabihin n'yang sugar daddy ko.

"Teh! Akala ko tatay mo 'yun kanina, sa dinami-rami ng lalaki sa mundo tatay pa ang napili mo?" napapikit na lang ako nang mariin nang lumakas ang boses ni Serril, nagpaalam kasi ang boyfriend ko na magsi-CR kaya malaya na naman ang bunganga ng bruha.

"Serril, mahal ko si Alfroud. Saka age doesn't matter naman 'diba?" s'ya naman ang napasabunot at muntikan pa akong sapakin.

"Wilbrane, kahit ako ang mga magulang mo hindi ko talaga tatanggapin 'yan. Maganda ka tapos 'yung matanda pa napili mo? Ano 'yon nagsayang ka ng kagandahan dito sa mundo? 'Di sana pinamigay mo na lang 'yung ganda mo." Inirapan ko lamang s'ya at kumain na lang ng sizzling tofu na nakahanda sa mesa namin.

Ano bang mali sa relasyon namin? Wala naman kaming tinatapakan na tao 'diba? So wala akong nakikitang mali sa amin ni Alfroud.

"Teh, usapang tao 'to okay? Pa'no ka nakakasiguro na walang asawa 'yan? Baka ikaw pa mapahamak d'yan sa ginagawa mo, kaya ngayong umpisa pa lang hiwalayan mo na saka 'diba may nagsusulat naman sa'yo? Bakit hindi ka na lang makipagkita roon, baka mas higit pa 'yun sa Alfroud mo." muli akong napairap sa mungkahi ng kaibigan ko, pero mayroon ding kaba ang bumalot sa buong pagkatao ko. Paano nga kung may asawa s'ya? Paano kung kasal s'ya? Baka ako na ang biktima, ako pa ang iwan n'ya.

Hindi ko pa kasi inuungkat ang mga ganoon bagay kay Alfroud, ewan ko. Natatakot siguro ako na malaman na kasal s'ya sa iba at ako ay walang laban sa legal na papel.

Wala ako sa sarili ko hanggang sa matapos ang selebrasyon namin, paulit-ulit na rumirehistro ang sinabi sa akin ni Serril kanina.

"Wil, ingat kayo!" pilit akong ngumiti sa mga kaibigan ko nang makalabas kami ng resto bar, bago kami lumihis ng landas ni Alfroud ay kita ko pa rin ang makahulugang tingin ni Serril sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at agad na sumakay ng kotse.

Reset will be Repeated | 2nd Place In CL'sOSCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon