Kabanata 31

40 10 0
                                    


Bid my goodbye


"Jusko po.. Totoo nga." Napaigtad ako sa aking posisyon at gagalaw na sana upang yumuko at magmatigas, mukhang isa nanaman ito sa tauhan ng aking amang pipilit sa akin.

"Jusko po.." Saad nito ng tuluyang makalapit sa akin, ang buong atensyon ay sa katawan kong puno ng pasa at galos galing sa aking ama. Nag angat ako ng tingin dito at sari saring emosyon ang aking nakita, nangunguna na ron ang pagka awa.

"Gawa ba ito ni Mauricio?" Aniya habang hinahaplos ng marahan ang aking mga sugat, hindi ako gumalaw o kahit na tumango. Ang kanyang paghaplos ng marahan sa bawat pasa na mayroon ako ay nagdadala ng kung anong pamilyar na pakiramdam sa akin, So familiar that I thought of it as my mother's touch..

"Hayop talaga ang lalaking iyon." Nagtatagis ang kanyang bagang habang puno ng sensiridad na nakatingin sa aking mata. I can sense that she's about to cry. Who is this woman?

"H-hindi ka pwedeng magtagal rito at baka kung ano pang gawin sa iyo ng hayop nayon." Umiiling iling sya. "Sumama ka sa akin.." Naguguluhan man ay sumunod ako sa kanya, I had this urge to listen to her, nananatiling walang imik habang hila nya ang kaliwang pulsuhan paalis sa kwartong iyon.

Nauna syang lumabas sa akin upang silipin ang labas ng kwarto, pagtapos makasiguro na walang sasalubong sa amin ay sinenyasan ako nitong huwag mag ingay o gumawa ng kahit anong tunog, paika ika akong sumunod sa kanya. Pababa ay may lalaking sasalubong sana sa amin ngunit mabilis ako nitong hinigit, abot langit ang aking kaba ng sumilay sa aking paningin ang lalaking aking kinamumuhian. Nasa sala itong prenteng naka upo habang hawak ang kopita na may laman na alak.

Hinila akong muli ng babae paalis roon at papunta na sana patungo sa likod ng bahay ngunit hindi ko sinasadsyang matabig ang isang plorerang malapit sa kusina na naglikha ng isang malakas na pagkakabasag, Shit!

Humigpit ang hawak sa akin ng babae kaya ang atensyon kong nasa plorerang nag kanda pira piraso ay nabaling sa kanya, tila nawalan ng dugo ang mukha nito dahil sa sobrang pag kamutla habang ang mata ay nakapako sa kanyang harap. I felt her tremble as she turned her gazed on me. Naguguluhan ay ibinaling ko rin kung nasaan sya nakatingin at pati ako ay tila tinakasan ng dugo.

"Sinabi ko na nga ba at hindi ka mapagkakatiwalaan!" Bulyaw nito habang hawak ang isang baril na nakatutok sa amin, nanginginig akong nagtago sa likod ng babae. No.. I don't want to die yet.

"Tumigil kana Mauro! Ibalik mo na ang bata kay Mama! Hindi mo ba alam kung gano nagluksa si Mama ng mawala itong si Elle? Parang awa mona man na.. Maawa ka sa bata." Itinago ako nito sa kanyang likod, tanging boses na lamang nilang dalawa ang aking naririnig.

"Tumahimik kang babae ka! Dapat talaga ay hindi na kita dinala pa dito, pahamak ka!" Mariin kong pinikit ang aking mata ng marinig ko ang pag kasa ng baril.

Ngunit bago pa tuluyang mapaputok nito ang kanyang armas ay agad akong hinila ng babae palabas sa bahay na iyon, dumaan kami sa likod ng bahay na naka konekta sa parking nito. Huminto kami sa isang itim na kotse at binuksan nya iyon, "Pasok, Elle." Nagmamadali nitong isinilid ang katawan ko sa loob at pagkatapos ay ang kanya naman. Ngunit bago nito tuluyang mapasok ang katawan ay narinig ko na ang putok ng baril galing sa aming pinaglabasan.

He was still holding the gun pointed at the woman who helped me, ng makaupo itong tuluyan sa loob ng kotse ay nakita ko ang pagtagas ng napakaraming dugo sa kaliwa nitong balikat. Blood.. Lots of them.

"Ligtas kana Elle.. Iuuwi na kita." Ngumiti ito sa akin habang pinapausad ang sasakyan paalis roon.

Nagsibagsakan ang luhang matagal ko ng pinigilan simula ng tumapak ang aking mga paa sa lugar na iyon, simula ng mapasakamay ako ng halimaw kong ama. Finally, I bursted into tears.

A Touch of Goodbye (Treasured Summer Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon