Chapter two: where it all started

23 0 2
                                    

Chapter two

Nandito na ko sa room ko.

Well, paguwi ko lang naman kanina tinanong lang nila Mommy kung gusto ko daw sumama sa business trip nila for one month. Syempre gusto ko kaso syempre di ko maiiwan si Baby Johannes ko no.

Alam niyo ba? Di ko maiwasang isipin kung ano nga ba talaga nagustuhan ko sakanya. Kahit na sinasaktan lang naman niya ko. Tanga ba? Aminado naman kasi ako. Oo na babaero siya. Oo na alam kong ayaw niya sakin. Kasalanan ko ba? Oo, kasalanan ko lang naman ay magmahal ako ng sobra. Alam ko katangahan na talaga at pagiging desparada ang ginagawa kong panliligaw, e sa dun ako sasaya kahit sa sandaling panahon lang.

Naalala ko nung una kaming nagkita.

**flashback

NOVEMBER 23, 20**, 16th birthday ko.

That night, ayokong magparty.

Si mommy nagorganize non sa may garden-resort ng lola ko. Maganda don at mahilig ako sa open space kaya ganon ,pero kung bakit ayaw ko magparty?

Simple lang kasi ang birthday ko ay ang magiging parang venue ng mga businessman.

Di naman talaga nila gusto maki-party,kasi nakikipagnegotiate lang sila sa isa’t-isa.

Naalala ko nun, nakasimangot ako ng sobra habang kasabay na nagdidinner sina Mom and Dad.

“Bes!”

Napalingon naman ako, siyempre sino pa ba? Edi si Jahanna. Buti nalang andito siya. Ngumiti ako at linapitan siya.

“hay! Buti naman dumating kana. Alam mo bang nayayamot na talaga ko ditto?”

“ahah! Nako bes! Di kana nagbago. Nga pala, Happy Birthday. Pasensya na nalate kami si kuya Jake kasi ang arte.”

“eee? Sino yun?”

“Ay! Gaga ka talaga bes! Si kuya Johannes. Naku!”

“weh? Umuwi na siya?” Kahit na magbestfriend kami netong si Jahanna, never ko pang nameet ang kuya niya dahil sa States ito nakatira.

“Oo nga! Hinintay pa kasi naming siya nila Mommy.”

“waah! San siya?”

“aba! Malay! Jan lang yun pakalat-kalat. Ayaw niya din kasi ng mga social gatherings. Tsaka may jetlag pa yun.”

“ganun ba? Aha sige na nga.”

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.

*kruuu*

Nagkatinginan kami ni Bes

“naku bes! Sige na nga kumain kana! Pero utang na loob, wag mo naman paganahin ditto pagkapatay gutom mo!”

“Che!”

At ayun umalis na ito. Ahaha nakakatawa siya, ngayon ko lang napansin na nagdress pala siya. Diba nga babaeng linalaki tong si bes, kaya ayan yan ang hiling kong birthday gift sakanya.

Muli ko siyang tinawag. “BEEEEEEEEEESSSSSSSSSSs!”

Nagtinginan lahat ng mga bisita sakin, hinarap ko sila at ^____^V sabay baling kay bes na mukhang yamot dahil sa ginawa ko at naiinis na binigyan ako ng “WHAT-THE-F*CK-LOOK”

Natawa nalang ako sa inasal niya.

“Wala! You look beautiful to your dress tonight, *wink*”

The Last Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon