Chapter 15

670 43 2
                                    


Yuri's POV

Dalawang araw na kong hindi pumapasok. Masyado siguro akong naapektuhan sa nangyari kahit hindi naman dapat.

Pinupuntahan ako nila Kai, Yoona at Sooyoung. Kinakausap ko naman sila, at kinwento ko na lahat lahat. Nabigla sila Yoona dahil hindi nila akalain na mafofall din pala ko.

Kinain ko lahat ng sinabi ko.

Ngayon napagdesisyunan ko na pumasok na. Wala namang mangyayari kung magmumukmok lang ako sa kwarto ko. Puro kisame, at pader lang rin ang nakikita ko eh.

"Yuri!" Lumingon ako

Si Luhan pala. Bakit ba ayaw akong lubayan ng sakit? Ano ba? Sawa na nga ko diba?

Binilisan ko ang lakad ko pero nahabol parin nya ko at hinawakan ang kamay ko

"Yuri!, let's talk!" Sabi nya nang hindi ko sya tinitignan, nagpumiglas ako at nagpatuloy maglakad

Pinilit nya kong habulin at hinarangan nya ang daanan ko

Hinawakan nya ko sa balikat ko

"Mag usap naman tayo please? Di ako sanay na ganyan ka! Ano bang nangyayari? Anong problema?" Tanong nya,

"Problema? Alam mo ba Luhan, ang problema, nagmamahal ako ng taong hindi ako mahal! May nararamdaman akong hindi dapat! May nakita akong nakasakit sakin pero wala naman akong karapatan!" Sabi ko. Pakiramdam ko konti nalang tutulo nanaman ang mga luha ko. Pero pinipigilan ko lang. Ayokong makita ni Luhan na mahina ako.

"Hin.. Hindi kita maintindihan Yuri" sabi nya

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sa wakas nakarating din ako sa next room ko. Pero hinarap ko muna sya at

"Hindi mo naman na kailangan pang intindihin eh. Wala namang mangyayari. Walang magbabago" at pumasok na ko sa klase ko. Hindi ko sya kaklase.

Nakakainis! Hindi ako makapag concentrate sa sinasabi ng instructor ko.

Napalingon ako kay Sooyoung na kinakalabit ako. Tumuro sya sa labas, O_O nandoon parin si Luhan. Bakit sya nandoon?

~(Hours had past)~

"Dismiss!"

Lumabas na ko na nagmamadali.

"Yuri!" Nako naman!

"Ano ba Luhan? Hindi ka ba titigil? Galit na nga sakin si Chorong. Tapos lapit ka parin ng lapit! Ano ba talagang gusto mo? Mag away pa kami?" Sabi ko

Umiiling sya, "No Yuri. Gusto lang talaga kita makausap. Gusto kong malaman kung may problema ka. Tutulungan kita diba mag kaibigan naman tayo?"

'KAIBIGAN' lang.

"Dati siguro yon Luhan. Alam mo ba pag nilalapitan mo ko, lahat ng mata hinuhusgahan na ko. Tsaka ayokong masira ang relasyon nyo ni Chorong kaya dumidistansya na ko." Sagot ko

Nagulat ako dahil may umakbay sakin.

"Ano Yuri tara na? Diba may pupuntahan pa tayo?" Sabi ni Kai. But we dont have any agreement.

Kaya umoo nalang ako at tumango. Iniwan namin si Luhan mag isa.

Nakokonsensya ko. Lilingon sana ko para makita sya, pero pinihit ni Kai ang ulo ko kaya di na ko nakalingon

"You Promised right? So Im just helping you to fulfill that promise!" Sabi nya,

"Salamat talaga Kai. Pero pakiramdam ko kulang ako pag wala sya. Di ko alam!" Napapikit nalang ako sa sakit ng ulo ko

"Naguguluhan ako!" Singhal ko

"Sige, Kaolangan mo muna siguro mag-isa. Iiwan muna kita. Isipin mo lahat. At decide hanggang maaga pa. Hanggang hindi ka pa sobrang nahuhulog sakanya"

Hindi pa nga ba?

Tumango ako "Sige" at naglakad na sya palayo.

~~~~~~~~~~~~

Umuwi narin ako kaagad. Ginawa ko kung ano ang sinabi ni Kai. Ang pag isipan ang mga bagay bagay.

Mali ba na mahalin ko pa sya?

Mali ba na umasa pa ko?

Mali ba na makipagkaibigan pa ko?

Mali ba na lumapit pa ko sakanya?

Mali ba na hindi ko nalang sabihin ang nararamdaman ko?

Mali ba ang lahat ng nangyayari sa buhay ko?

Ano ba ang tama? Bakit pag nagmamahal hindi mo na alam ang tama sa mali? Ang mali naggiging tama, at ang tama naggiging mali.

Haist! Ang GULO!

Paano kung aminin ko na kaya sa kanya? Para naman matahimik na tong kalooban ko. >

Hindi ko na alam ang gagawin kooooooooo!

Dumapa ako sa kama ko at nakakita ako ng isang ballpen at notebook.

Kinuha ko iyon at.. wait! Idadaan ko nalang kaya sa tula? Hmp. He is my inspiration. He is my everything. So YES! I will make a poem for him. :)

**************

BADTRIIIIIP! Dapat kahapon ko pa to ipopost eh. Pampam ung net >< Sorry po.

Ito na po yung update na pinangako ko ^____^ puro kadramahan ano po?

Vote po. Comment nadin kayo kung gusto nyo. Thank u. Wait for the nxt update >>>>>>>>>>> ♥

[EXOSHIDAE] Big mistake- ft. YULHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon