Chapter 13

771 44 13
                                    

Yuri's POV

Monday nanaman, Handa na ba kong pumasok? Haaaay. Parang pagkatapos nang nangyari nung last friday sa stage play, di parin ako nakakamove on. Kahit weekends at walang pasok imbis na rerelax at na fefresh ang utak ko, lalo lang akong nababaliw kakaisip.

Bukod sa pinagchismisan ang nangyari sa stage play, marami na ang galit sa akin ngayon. Kesyo sinadya ko daw yun, traydor daw akong kaibigan, inaahas ko daw si Luhan kay Chorong, ginawa ko daw yun para sumikat daw ako at pagpyestahan ang pangalan ko at kung ano ano pang kasiraan ang narinig ko mula sa mga tao.

May mukha pa kaya akong maihaharap sa workshop school ko?

Galit kaya sila Sooyoung at Yoona sakin? Eh si Chorong kaya? Maiintindihan ko kung magagalit sya, pero hindi ko naman kasi yon sinasadya, walang may gusto sa nangyari. Kahit na .... Oo may pagtingin ako kay Luhan pero ni minsan di ko ninais na agawin sya kay Chorong.

"Haaaayyy!" Napasinghal nalang ako sa kakaisip.

No choice ako kundi ang pumasok, mahal ang binabayaran ng mga magulang ko rito kaya dapat pumasok ako! Kaya ko to!

FIGHTING YURI!

**************

(Era of Popular Academy)

Habang nag lalakad ako sa corridor, lahat ng mata nakatingin sa akin ng masama, nagkalat din ang mga bubuyog -.- bulong doon, bulong dyan, bulong rito.

Kala nila hindi ko naririnig?

*Ang kapal naman ng mukha niya nagawa nya pang pumasok

*Grabe, balat ahas ata tong si Yuri eh

*Maganda sana malandi lang

"Sana kasi inaalam nyo muna ang tunay na nangyari, hindi ko ginusto na madulas ako kaya wag nyo naman akong husgahan" sabi ko sa kanila

"Sabihin mo nilalapitan mo talaga si Luhan para maakit sya sayo, malandi ka kasi!" Sabi nung babaeng sinementuhan ng pulang pulang lipstick ang labi =___='

"Tignan mo muna yang itsura mo at tsaka gusto mo ba ng salamin? Meron ako. Baka kulang pa kasi yang red lipstick mo! Sinong malandi satin ngayo---" *slap*

Napasmirked nalang ako, ang babaw ng babaeng to kung papatulan ko baka pati ako na edukada maging bastos.

"Nag aral ka ba? Baka hindi? Im just wandering bakit ka nila tinanggap dito?" Pang aasar ko

"You b*tch!"

Ahh .. ibang usapan na to. Bigla ba naman akong sinabunutan. Di ako nag papaapi no. Fight ba gusto nya? I'll give her a fight. Sinabunutan ko din sya, buti nalang di ako masyadong nag-ayos ng hair kung hindi sayang effort ko. ^_^

"Yuri! YURI! Tama na yan" Ewan ko kung sino ang tumawag sakin, naramdaman ko nalang na may umaawat samin.

May isang lalaki ang humawak dun sa malanding babae at habang si Luhan ang naka ----

O_O Luhan? Hindi na nya ko tinatawag na Yuling? Bakit imbis na matuwa ako pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko? Hayys!

Nang makita ko sya na hawak ang braso ko dahil nga pilit nya kong nilalayo dun sa babae, pumiglas ako sa pag kakahawak nya at tinitigan ko sya, parang may nag iba sa dating Luhan na nakilala ko. May nag iba sa aura nya. Hindi ko alam kung ano iyon.

Matapos kaming magtitigan sa loob ng ilang sigundo ni Luhan, ako na ang unang umiwas ng tingin. Inayos ko ang buhok ko at nag lakad palayo sa kanila.

[EXOSHIDAE] Big mistake- ft. YULHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon