SAKSI

29 11 0
                                    

Nasaksihan ko ang isang pagpatay
Sa banyo ng maliit na bahay
Isang lalaki ang nanalakay
At isang dilag ang naiwang nakahandusay

Bago paman magsimula ang krimen
Bago Ang gabi'y balutin ng lagim
Dalawang magkasintahan 
Ang talagang nagmamahalan

Sa araw at gabi'y laging napapatili
Sa kilig na tila kinikiliti
Pati asin ay lalanggamin sa sobrang tamis
Ngunit dahil sobra ay nakaka diabetes

Sa pagkagat ng gabi 
Isang balita ang natanggap ng lalaki
Sa bahay ng kaniyang iniibig
May kabit na umaaligid

Kayat sa sobrang selos na nararamdaman,
Isang plano ang nabuo sa kaniyang isipan,
Kamatayan ang kabayaran
Sa kataksilang ni hindi niya nasilayan

Kaya't nang kaniyang mamataan
Sa loob ng palikuran
Ay agad niyang inundayan ng saksak
At ang dugo ng Babae ay kumalat sa lapag

Kaba ang aking naramdaman
Sa krimeng aking nasaksihan
Lalo pa nung tumingin sa akin ang dalaga,
May mga luha sa kaniyang mga mata at tila nagmamakaawa,

Nasa harap ng salamin ang lalaking salarin,
Ngunit ang babae'y sakin parin nakatingin
"Bakit mo ginawa sakin to, mahal ko"
Nabitawan ko nalamang ang kutsilyong hawak-hawak ko.

Ako ang saksi sa sarili kong Mali

Isang libong tula (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon