Welcome Home!

3 1 0
                                    


Chapter 1 - Welcome Home!

Carlos

Sa ngayon nandito kami nina lolo't lola sa labas at inaantay namin ang pag dating ng mga pinsan ko. Excited na nga kami hehehe

Biglang nagring ang telepono.

"Ahm ako napo lolo" pagpresinta ko kay lolo na tatayo sana.

Agad ko namang pinuntahan ang kuwarto nina lolo't lola kung saan nandun ang telepono. At aking sinagot.

[Hello po! Sino po sila?] Sabi ko sa kausap ko sa telepono.

[Si tito Charles mo to! Pakisabi sa lolo't lola mo papunta na kami jan]
Sagot nya.

[Sige po tito. Makakarating po! Ingat po kayo!]
Sabi ko sabay baba ng telepono

Agad agad naman akong nagtungo sa labas para sabihin kina lolo't lola na parating na sina tito.

"Lolo lola! Tumawag po si tito Charles, parating na daw po sila."
Sabi ko sa kanila na may halong excitement.

"Oh Mabuti naman kung ganon halika't igayak na natin ang makakain nila"
Sabi ni lolo sakin na may halong excitement din at agad kaming pumunta sa kusina at naghanda ng makakain para sa bisita.














____________________________________

Oliver



Tsk. Bakit ko pa kailangang pumunta dun? Kainis naman oh. Mukhang mas maganda naman dito kaysa dun.

Well guys. Ito na ung oras na pupunta ako sa lugar na hindi ko masyadong gusto.

"Anak lets go na! Sumakay kana! Iniintay na tayo dun."
Pag uutos ni Dad na agad ko namang ginawa.

Makalipas ang ilang oras habang ako'y nasa kotse. Tsk! Bakit parang malayo ata ang pupuntahan namin.

"Dad malayo pa ba?"
Tanong ko na may halong pagtataka. Saan bang lugar kami pupunta?

"Malapit na anak. Konti nalang nandun na tayo"
Sagot ni Dad sakin

"Tell me, saan lugar ba tayo pupunta?"
Pagtatakang tanong ko. Wala naman kasi syang kinukwento sakin kung saan lugar ba nakatira sina lolo't lola. Palagi nalang kasi syang busy kahit nasa bahay.

"Sa Batangas, don't worry malapit na tayo dun."
Sagot ni dad kaya nawala na ung pagtataka ko. Dapat kasi dun nalang ako sa bahay.

Actually guys malayo talaga kasi taga manila ako. Kaya ilang oras pa bago kami makapunta sa Batangas.










____________________________________

Ashley

The Grand ChildrensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon