𝙎 𝙞 𝙢 𝙪 𝙡 𝙖

1 0 0
                                    

"Hoy Ulan laro na tayo!" sigaw ko sa kaibigan kong si Rain at tinapik ang kaniyang balikat.

"Saglet lang dre tapusin ko muna to malapit naman tong matapos eh" sagot niya bago tumingin sakin. Tignan mo nga naman itong tao to magyaya sakin na maglaro ng basketball ngunit ito naglalaro sa kaniyang cellphone ng mobile legends.

"Sige bili muna ako ng meryanda natin" sabi ko at umalis na upang bumili ng aming makakain.

"Pabili! Aling Lilay pabili nga po ng limang cheese bread at dalawang softdrinks" usad ko

"Saglit Ken aking titignan muna kung mayroon pa akong cheese bread" sabat naman niya at tumango lamang ako bilang pagsang-ayon.

Umupo muna ako sa maliit na upuan na nasa harapan ng tindahan ni Aling Lilay, ilang sandali pa ay dumating rin si Aling Lilay dala dala ang aking mga binili.

"Ken narito na ang iyong cheese bread at dalawang softdrinks" sabi niya at inabot sakin ang supot at dalawang softdrinks, kumuha rin ako ng isang daan peso sa aking bulsa at inabot sakanya.

"Maraming Salamat po, sainyo na po ang sukli" sabi ko naman at nagpasalamat siya

"Nako salamat Ken, napaka buti mong bata" sabi niya at ngumiti sakin

Kailangan kong magpa-goodboy kay Aling Lilay dahil aking gusto ang kaniyang anak na si Cloudy, bunsong kapatid siya ni Rain silang dalawa lamang ang anak ni Aling Lilay. Bata pa lamang kami ay magkakaibigan na kami tatlo, isang taon ang pagitan ni Sky samin kaya hinde ako maakusahan ng child abuse kung sakali man maging kami ni Sky.

"Pre laro na tayo" sabi ni Rain pagkabalik ko, tumango lamang ako at dumiresto sa court

Umabot ng kalating oras ang aming paglalaro at dahil sa pagod hindi na ito nasundan pa dahil kami'y nagpahinga na.

"Ah Ken salamat nga pala dahil naka-punta ka, pasensya sa abala alam ko namang may practice kayo ngayon ngunit nag pumilit ako pasensya rin dahil pinagantay pa kita kanina na matapos ako sa pag-ml ko" sabi saken ni Rain

"Ano ka ba ulan tapos na ang practice namin kaya pumunta ako rito kung hindi pa tapos ang aming practice malamang hindi ako pupunta dito noh tsaka hindi rin naman ako nag-antay ng matagal kanina dahil bumili ako ng meryenda natin" sagot ko naman sakanya, sabi ng iba ay bakla itong si Rain ngunit di ako naniwala dahil matagal na kaming magkaibigan nito at wala naman akong nakikita sakanya na ginagawa ng mga bakla at kung totoong bakla itong si Rain iiwasan ko ito dahil ayaw na ayaw ko sa mga bakla dahil muntik ng marape ng mga bakla ang aking lalaking bunsong kapatid.

"Salamat din pala sa meryenda at bilang pagsasalamat ko sayo ako na ang magdadala niyang bag mo" sabi niya at agaran naman ang pag tanggi ko

"Hindi na, kaya ko naman tsaka pagod ka at mabigat itong gitara at may dala ka rin namang bag kaya huwag na" pag tanggi ko sakanya

"Lunes na bukas sabay na tayong pumasok ah" sabi niya at tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon at naglakad na kami para makauwi

"Sige dre dito na ako" sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay

Tumango siya at dumiretso na sa paglakad. Pumasok na rin ako sa loob at nag mano saking mga magulang, pagkatapos kong magmano ay umakyat na ako para dumiresto sa aking silid.

Pagkapasok ko sa kwarto padarag kong binaba ang gitara sa aking kama. Tiningan ko ito at inisip kung totoo nga ba ang sinasabi ng karamihan na ang aking kaibigan ay isang bakla. Pano naman nila nasabi na bakla si Rain ang laki nga ng katawan non eh naalala ko pa dati siya ang nakikipag-away para sakin, lagi akong pinagtatanggol non pero hindi ko naman naisip na isa siyang bakla dahil natural naman na ginagawa ng magkaibigan ang ipagtanggol. Sadyang nakatira lang talaga kami sa lugar kung saan maraming tsismosa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please, Love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon