Part 2: "Sino Si 'SPECIAL SOMEONE?"

541 16 70
                                    


Three Months later.

Dalawang araw na mula nang pakiusapin si Karen ng kaniyang kuya na pansamantalang akuin ang pagmamanage sa mga pinauupahan nitong apartment.

Busy siya at may valid excuse siyang tumanggi kung tutuusin. Kasalukuyan ang anihan nila sa bukid. At kasalukuyan din siyang nawawalan ng gana sa buhay dahil sa problema niya sa kaniyang boyfriend.

However Achilles---her brother, had enticed her nang sabihin nitong 'hindi siya makakaalis ng matagal kung walang titingin sa partikular na silid na ito'.

"Is it the room or there's a special someone in that room?" Umiiwas man ay naintriga na niyang tanong. It's been a while since her fourty-three year old brother talked that way. Noon pang huling magka-love life ito---panahon pa yata ni Erap. Palibhasa napansin na rin niyang kakat'wa at balisa ang kilos ng kapatid recently. Kaya naman agad-agad nagkaroon siya ng konklusyon.

"Both." Anang kapatid matapos manimbang sa isasagot.

Pigil din ang tuwa at kilig ni Karen noon habang kaharap ang konserbatibong kuya. Hanggang sa hindi na nga naging mahalaga sa kaniya magahol man sa pagparoo't parito sa mga paupahan nila at sa bukid. Sa excited na siyang maging bridesmaid eh--always a bridesmaid, never been a bride, 'ika nga. Pero ha'mo na, kahit ba na twenty-eight na siya nararapat lang na mauna pa rin si Achilles sa kaniya. Pasasaan pa't sa altar din ng Sibul ang hantungan nila ng maligalig niyang kasintahan.

Ni hindi na kinailangan pang magmakaawa ni Achilles sa puntong iyon. Kusa na niyang pupuntahan sinuman ang nasa unit na tinutukoy nito--perhaps her future sister-in-law!

And now there she is.

Pinagbuksan na siya sa wakas. Matapos ang ilang sandaling pagkatok.

"Yes?" It was a guy with a slightly raised brows. A young man.

But Karen's expecting to see a woman.

Sinipat niya ang loob ng bahay, nilampasan ng tingin ang binatilyong nagbukas ng pinto.

Mumunti lang ang kabuuan ng silid na iyon kaya kita agad ang landas pakusina at ang nagiisang kwarto sa tabi ng sala, at walang senyales na may iba pang naroon--well, maliban sa maputing aso na panay ikot sa tabi ng sofa. Hinarap niyang muli ang binatilyo...

Matangkad ito, maganda ng kutis. In fairness, hindi bagay sa mga maruming paupahan ng kaniyang kuya. 'Asan na nga ba si Special Someone?

"Ako 'yung kahera---pansamantala. Naniningil ako ng renta." Wala siyang ideya kung anong dialogue ng kuya niya 'pag paniningil. She's not sure if she even sounded like one.

Saglit na parang nagtaka ang binatilyo. The display of decently furrowed brows above his extolled nose is calling out her attention. Well, the guy is charming, it will only take a while for one to realize.

"Magkano nga'ng babayaran ko?" Matapos itong mangunot-noo.

She instantly had the notion--mukhang exempted pa yata itong nakatira dito sa renta? Wala naman talagang inutos si Achilles na maningil siya, partikular sa silid na iyon. Just employing a tactic to secretly observe whoever is occupying that place.

"Kailan kayo huling nagbayad?"

Umiling ito.

"Mag-iisang buwan pa lang ako dito."

Ako.

Mag-isa lang. She tried to contain her dissapointment.

"Wala ka pang down? Magkano'ng deposito mo?"

"Hindi pa nabanggit sa akin ni Achilles ang tungkol sa renta...pero kung naniningil ka, magbabayad ako." Anito. Saka na bumalik sa loob matapos ang dagliang resolusyon.

My Brother's StepsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon