Chapter 2

9 0 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa amin, hindi ko na nakikita si Zykiel sa school. Siguro, talagang busy siya o iniiwasan niya lang talaga ako. Tinetext ko siya pero kahit isang reply, wala akong na tanggap.

Nasa school library ako. Walang klase sa Psych kaya napag-isipan kong tapusin ang binili kong libro. Ang "Looking for Alaska by John Green". Ito ay tungkol sa isang lalaki na nag-aral sa isang college school. Naka meet siya ng mga kaibigan then after that everything has changed.

Focus ako sa pagbabasa ng narinig ako pamilyar na boses. Napahikab ako. Lately, inaantok ako kahit maaga naman akong matulog.

"Babe, pa kiss." Lumingon ako sa pinang-gagalingan ng boses. Nakita ko si Zykiel na nakaakbay kay Dane na nagbabasa ng libro. "Zy, wag kang mag-ingay. Nasa library tayo." Seryosong sagot ni Dane.

I watched them both and it broke my heart thinking about what happened samin ni Zykiel. Why did I even seduce him? Ang laki ng kasalanan ko.

Galing sa upuan ko, rinig ko ang tawa ni Dane. Na para bang ang sayang saya nilang dalawa. Ang sakit. Why can't I be with the man I love? Ilang taon ko ng sinabihan si Zy sa feelings ko. I confessed to him. Pero ang lagi niyang sagot "You're not in love with me, Nicole. You are not." Bakit ba? Hindi na lang ba pwedeng magmahal ang isang Nicole Yelled Ambrose sa isang Zykiel Pelaez?

Nung may nangyari sa amin, umasa ako. Umasa akong may nararamdaman siya sa akin kahit kaonti. But it shattered my world when he told me to forget about what happened. Na hindi dapat yun nangyari.

Pinunasan ko ang aking luha. Hanggang ngayon rinig ko pa rin ang mahinang tawa ni Dane kahit na pinagalitan na sila ng librarian. Nasasaktan at naiinis ako. Naiinis ako kaya niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo.

I checked my watched at oras na para sa next class ko. Naglakad ako palabas ng library at nararamdaman ko ang mata na nakatutok sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ko si Zykiel na walang ekspresyon na nakatitig sa aking mga mata.

My teacher assigned us into two para sa reporting namin. Masaya ako ng kami ni Jasmine ang magkasama. Isa sa mga kaibigan kong babae.

"Oh, Ano ? Bukas na lang ah? May gagawin pa kasi ako." Ani Jasmine.

Tumango ako. "Cge, walang problema." 2nd year in college na ako and I am taking up Nursing. Malapit na ang finals kaya maraming kailangang gawin.

Nakaabang na ako ng jeep pauwi sa apartment. Kasama ko si Zykiel doon. Pero simula nung may nangyari sa amin, hindi na siya umuuwi dun. Hindi ako sanay na hindi ko siya kasama. Miss ko na siya.

Pumara ako pero napatakip ako sa aking bibig dahil bigla akong nahilo at na duduwal ako. Huminto ang jeep sa harap ko pero tumakbo ako sa may gilid ng poste para sumuka.

"Shit! Ba't ako sumusuka?!"

Hinaplos ko ang aking tiyan. Wala naman akong masamang nakain ngayong araw na to!

Patuloy ako sa pagsuka ng may narinig akong nag-uusap.

"Babe, diba si Yelle yun? Halika, lapitan natin. Sumusuka yata eh." Sabi ng babae.

"Babe, wag na. Mukhang okay lang naman siya." Hinilot ko ang batok ko para tumigil ang ang aking pagsusuka.

Lumakad ako palayo dahil alam ko kung sino yung dalawa. Alam kong sina Dane at Zykiel yun. At ang sakit. Ang sakit dahil hindi man lang niya ako nilapitan kahit kita niyang ganon ang kalagayan ko.

Naglakad ako papuntang Mercury drug dahil may kutob ako. Maaring buntis ako. Nursing ang course kaya alam ko ang symptoms nito.

Bumili ako ng pregnancy test at salamat sa RH BILL dahil hindi na ako tinanong ng babae kung para saan yun. Pumasok ako sa CR nila. Tinest ko iyon at halos mahimatay ako dahil sa resulta.

"Two lines. Ibig sabihin buntis ako." Napaawang ang bibig ko at hinilot ko ang aking noo.

No! This can't be!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One night and everything changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon