Astonishing Love* * *
"Chef." tawag ng isang staff sakin.
"Yes?" tanong ko at tinuloy ang ginagawa.
"Tawag po kayo ni Mr. Kim sa opisina, may itatanong daw po tungkol sa recipe." aniya kaya tumango ako at tinapos ang ginagawa bago tuluyan pumunta sa opisina ng manager.
"Yes, Mr. Kim?" tanong ko.
"Miss Jones, what's your special recipe again? I forgot to list it down." aniya kaya napangiti ako. "Is it okay with you if you write it down?" tumango ako at lumapit sa table niya para ilista ang recipe ko.
I'm working as a chef here at siargao. Isa sa mga business ni Hunter ang resort, dito ako nag bakasyon at trabaho pansamantala. Nag'stay ako sa isa sa mga villa sa resort. I'm paying for my stay kahit pa nagalit si Hunter dahil ayaw na niya akong pag bayarin. Kulang pa nga raw ang sweldo ko bilang chef sa overnight rate ng villa na tinutuluyan ko.
I'm actually living at siargao for three months now. Well, the money that I earn as a chef, syempre diretso na sa rate ng villa ni Hunter. It's fine with me kahit walang matira sakin, I'm enjoying what I'm doing. That's what important.
"When are you coming back?" tanong ni Hunter. He called me through facetime. "You look so thin." napa irap ako. "Hey!"
"I'm fine, thank you for asking." siya naman ang umirap. "I don't think I'm coming back anytime soon." kibit balikat na sagot ko. "I'm enjoying my stay here."
"No you don't." aniya. "If you will stop working, you can enjoy your stay." umirap ako. "I can give you allowance, and you don't need to pay for your stay."
"Hunter."
"I'm saying this as your older brother. Not your friend." bumuntong hininga ako at tumango. "Good. I'll call Kim to tell him that you're going to stop working." tumango nalang ako.
I love being with my family, but I love being alone. There's nothing wrong with my relationship with them. It's just that... I enjoy being alone.
Nagtagal pa ako ng dalawang linggo sa siargao bago bumalik sa manila. Na enjoy ko naman ang stay ko sa resort.
"So? How's your work?" sarcastic na tanong ni Kale. "Nag trabaho ka talaga don' no?" umirap ako at humalik sa pisngi niya.
"I'm fine, thank you for asking." humalik din ako sa pisngi ni Hunter. "How's Mom and Dad?"
"Mom's planning to have a vacation at Amsterdam." tumango ako. Tulips. "Do you want to?"
"I'll think about it." binuhat ni Hunter ang maleta ko at nilagay sa trunk ng sasakyan. "I want to study." napalingon sakin si Kale.
"Wala ka bang balak mag trabaho?" taas kilay niyang tanong. "Ikaw din naman ang magmamana sa business na tinayo ni Dad para sayo."
"Anong pag'aaralan mo?" tanong ni Hunter.
"Just.. never mind." nag kibit balikat ako at pumasok sa sasakyan. Tama naman si Kale. May tinayong business si Dad para sakin, kailangan ko yon' aralin.
Nang makauwi ay dumiretso ako sa kwarto ko. Madalas gusto kong mapag'isa. Lalo na't laging naka kontra si Kale sa mga gusto kong mangyari.
Sakanilang dalawa, si Hunter ang palaging suportado. Si Kale naman ang laging kumokontra. Daig niya pa si Mom at Dad.
Lumipas ang mag'hapon at hindi na kami ulit nag usap ni Kale. Hindi kasi ako lumabas sa kwarto ko.
"Rei." tawag ni Hunter mula sa labas. "Your friends are here." tumayo ako at naglakad palapit sa pintuan.