Secretly Inlove With YOU!
Si Sab ay isang simpleng babae na sobrang inlove kay Pol o Apollo. First love, true love, second love, third love, forbidden love, sexy love, love babe, at lahat na ng love sa mundo.
Kung inaakala niyo maganda ang storya niya. Nagkakamali kayo, hindi maganda kundi napakaganda. Basahin niyo na lang kasi.
Nagpunta ako ng mall para mag unwind. It’s been two weeks. Yes, nahanap na ko ng totoo kong mga magulang ko. Sila naghanap sa akin. Una, di ako makapaniwala.
Sobrang simple lang talaga ng buhay ko, hindi magara, hindi ganito na akala ko nasa palasyo ako. Pero ayun ganito din pala. Namiss ko na yun una kong family. Sobrang naging mabait nila sa akin.
Lalo na yun una kong parents. Minahal nila ako na parang tunay, hindi nila pinaramdam sa akin na ampon lang ako.
Nandito ako ngayon sa national. Naghahanap ng mababasa. Ang nahanap ko ay yun SDTG by SGWannabe. Meron na pala noon. Kaya binili ko ito.
Pagkatapos kong makapili, pumila ako para bayaran na yun book. Habang nakapila ako, may nagkakagulo. Binayaran ko na, tapus pumunta ako dun sa nagkakagulo. Malamang, curious ako. Hahaha. Kdie.
Pagtingin ko, puro babae. Puro tili at sigaw yun naririnig ko. Gusto kong tignan ng may biglang humila sa akin. Nagulat ako. Pagtingin ko sa humawak sakin, lalaki. Tumakbo siya, pati ako napatakbo.
Pagtingin ko sa likod ko. Ang daming humahabol sa amin. Gusto kong pumiglas. Pero, ang lakas noon lalaki. Nakakabuguan na, pero hindi pa din niya ako pinapakawalan. Nakarating kami ng parking lot.
Wala ng humahabol sa amin. Nakatalikod pa din siya hingal na hingal. Malamang, ako din. Nagpahinga muna ako.
“Mag usap tayo.” Humarap na siya sakin.
Nagulat ako, nagulat din siya.
“TEKA! Sino ka?!!!!! Nasan si Elaine? Anak ng! Kinain mo ba siya??!!!”
“Hindi ako si Elaine!!!! Tska, bakit mo hinila?”
Umalis siya bigla. Ganda kausap noon. Grabeh! Tska, kinain? Baliw lang siya?
Pinagod pa ko. Aisssh! Tinawagan ko na lang si Kuya Berni, driver namin. Sinabi ko kung saan station ako.
Habang nasa byahe kami, napaisip ako doon sa lalaki. Anu kaya tinatakasan noon? Ayynakuu! Nakakaasar talaga! Tinanong pa ako ni Kuya Berni kung bakit mukang pagod na pagod ako.
Sinabi ko nalang na napatakbo ako.
Pag uwi ko ng bahay, nandoon na si Mommy.
“Anak!” ngumiti siya sakin.
“Hello po.” Ngumti din ako.
“Sab. Inenroll na kita sa Lexious Academy. So, next week ka papasok anak. Excited na ko sa pagpasok mo.”
“Ma, thank you po. Thank you po talaga.”
“Baby, wala yun. Sa totoo nga, madami pa kami utang ng dad mo sayo. Sobrang saya naming ng dadyy mo nun nakita ka na.” niyakap ko siya.
“Ma, punta muna po ako ng kwarto. Pagod po kasi ako eh.”
“O sige anak. Papatawag na lang kita pag dinner na.”
Umakyat na ako. Ang ganda at laki ng kwarto ko. Kulay blue yun theme. May malaking kama, tapus may cr, tapus may study table. Kumpleto talaga lahat lahat. Nag shower muna ako, tapus nagbihis.
In-on ko yun pc. Kumpleto din ako sa lahat. May pc, may laptop, may ipad, at cellphone. Binili ako mommy last week. Pati, damit at kelangan ko binili niya.