Chapter 2 You shut up! Whatever.
Papasok na ko! Excited na hindi. Nakakamiss tuloy yun dati kong school. Nandun kasi mga close friend ko. Tinext ko si Mich. Pinaka bestie ko sa school ko dati.
To: Mich Bestie
MICH!!!! Imy guys! Pakidasalan ako sa bagong school. I need moral support! I miss you guys so so much! <3
Sent msg!
Ok! This is it. Nag commute ako papuntang school. Sinabi ko kila mommy na mag commute na lang ako. Di kasi talaga ako sanay mag hatid sa akin na kasakay sa sasakyan . Tska, isang sakay lang naman ng jeep eh.
So what?
Pagkasakay ko ng jeep. Lahat ng tao nakatingin sa akin. teka, may dumi ba ako sa mukha? Pero, nakatingin sila sa uniform ko. Oh wait! Bakit naman? Ang weird ah? Nag bayad ako. Tapos, tapos. Yun lang. Echos.
Pero, hanggang babaan nakatingin pa din sila sa akin. Nagpara ako. Naglakad ako papunta gate. Nagpapasukan lahat.........
ng sasakyan. Ang gara ah? :) normal ang nakasasakyan dito. Abno ang hindi nakasasakyan. So, isa ako dun. Pero, nag iisa lang ako naglalakad. Hahahahaha! Ang weird ko tlaga.
Ako lang ata papasok ng tao dun sa gate. Langya! Hahahaha. Pero, pake ba nila? Kanyang kanya trip.
Noon papasok na ko, mag nag busina ng sasakyan sa likod ko. Ang potek! ganyan ba mga driver? Di ba pwede dumaan ako?
Syempre, as mabait. Tumabi na lang ako. Tapos, tumigil sa gilid ko yun sasakyan. Ako naman ay napatigil.
Binuksan niya yun window niya, then lumantag ang isang napaka anghel na lalaki. nakashade siya, tapus naka uniform namin. wait! bawal yun db? tska, minor pa lng kaya siya. Errrr, what ever!
Pero, ang gwapo niya talaga! ang ganda din ng sasakyan niya! its BMW! siya na.
"Hey Miss! Sasakyan lang dumadaan dito."
HALA!
"Di nga?" tinanung ko siya.
Tapus tumawa siya, then pinaadar na niya yun sasakyan niya. Tapus naiwan akong tulala dun. Natauhan lang ako noon tinawag ako nun guard.
Sinita ako. Bakit daw wala akong sasakyan? Tapus nasan daw I.D ko. Langya!
"Miss. May I.D ka ba? Tska, bakit di ka nakasasakyan?"
"HOY KUYA Manong Guard! May I.D ako noh? Dito ako nag aaral. Tska, pake mo ba kung di ako nakasasakyan. Di ba pede? Kanyang kanya trip!"
" I.D mo muna."
Kinuha ko yun I.D ko sa backpack ko. Ayoko na mag argue sa kanya. Tapus nun pinakita ko sa kanya yun I.D ko. Nabigla ata siya. Tapus,
"Ikaw ang anak ni Mrs & Mr. Lim?!"
"Oo. Bakit naman?"
" Ay sige. Pasok ka na. heheheh. Ingat!"
Aba! Biglang bait ah? Hahahahaha. Kaloka si manong guard.
Nag smile na lng ako tapus nagpasalamat saknya tapus nag byebye. Syempre, mabait talaga ako. Pnilit? :)
Pagpasok ko sa loob. Jaw drop! O.o
Ang laki ng school na toh! Grabeh. Ang laki talaga. Hahanga ka sa sobrang laki. May 7 na building. Yun bawat building ay anim na floor. Tapus may gym toh at may swimming pool.
So, talagang ganito kayaman nagaaral dito.
Tapus puro sasakyan. grabeh pala talaga toh. Exclusive kung exclusive.