"Babe. Anong gusto mong kantahin ko?"
Napatingin ako kay Kei na ngayon ay nagbobrowse sa Song Book.
Nandito kami sa Mall, Videoke Booth sa Archade to be exact. Birthday nya ngayon diba? At bilang typical teen-ager. Naggagala kami.
"Only Reminds me of you kaya?" Suggest ko. Kanina pa kasi sya naghahanap eh. At kung di ako magsusuggest, malamang dito nalang kami maghapon.
Ngumiti sya ng pagkalaki-laki at hinanap yung kanta.
Maya maya lang ay tumayo na sya sa tabi ng videoke at nagsimulang kumanta.
Hindi ko alam kung bakit? Pero napatitig ako kay Kei habang kumakanta.
Kahit tatlong taon na kami. Hindi ko maipagkailang kinikilig padin ako sakanya. Sinong hindi?
Gwapo, mayaman, sweet at mabait. Although hindi naman bigdeal kung mayaman ba sya o hindi.
Kei Sy.
Naalala ko nung una kaming nagkita.
Hindi na sya kasing payat noon. At mas gwapo sya ngayon. Siguro dahil nagbinata na sya kaya medyo well-build na ang physical nya.
I admitt, nung magbest friend palang kami ay naiinis ako sa pagiging makulit nya, pero hindi ko alam na kaya ko pala masyadong napapansin ang kakulitan nya ay dahil unti unting nagugustuhan ko sya.
Hindi ko napapansin na nag-eenjoy na ko sa company nya. Na unti-unti ay nasasanay na akong nandyan sya.
"Do you like it?"
Tapos na pala syang kumanta. Hindi ko naman maipagkakailang maganda talaga ang boses nya.
Pwede na nga syang mag-artista. He got the looks and Talent.
Ngumiti ako at Tumango sakanya.
"Yiiieeh!! Edi inlove na naman ang babe ko?" Tuwang-tuwa nyanv tanong.
Naramdaman kong namula ako. Hinampas ko sya sa braso. "Ewan ko sa'yo!"
He burst out laughing. "Ang obvious ng Babe ko *^O^*"
Napatulala na naman ako sakanya. Ang gwapo talaga ng Boyfriend ko.
"Tara na?" Umakbay naman sya sakin.
Tumango ako at lumabas na kami. Maglalaro pa kami sa Archade e ^___^
-----
"Nagugutom na ko ~T_T~"
Napatingin ako kay Kei na nakahawak ngayon sa tiyan nya.
"San tayo kakain?" Tanong ko habang nagshoshoot ng bola.
Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sakanya.
At pagtingin ko ay ganto ang itsura nya.
(*^﹏^*)
Okay... Anong ibig sabihin nyan?
----
At dahil nga isang matured na matured na lalaki ang boyfriend ko.
Nandito kami ngayon sa JOLLIBEE.
"CHICKEN JOY! CHICKEN JOY! ↖(^▽^)↗"
Kanina pa yan sinisigaw ni Kei at nahihiya na ako. Pinagtitinginan na kami!!
Kung pwede nga lang bigla nalang ako mag evaporate eh. Kung isigaw ko kayang di ko sya kilala? Kaso masyadong obvious.
"You're really one loud man." Napalingon kami ni Kei sa nagsalita.
"RYU!!" Sabay pa naming sigaw.
Anong ginagawa nya dito?
"Napadaan lang ako, then I heard a crazy guy who's shouting Chicken Joy." Sagot nya sa unspoken question ko.
"MindReader!" Sabay na naman naming sabi ni Kei. Okay... Siguro pareho lang talaga kami ng nasa isip.
Napangiti naman bigla si Ryu.
Siguro kung iba ako, tuwang tuwa ako na napangiti ko ang isang Ryu Takano. Pero dahil si Vina Clarisse Tan ako at Best Friend ko sya. Sanay na akong nakikitang ngumiti sya.
"So, can I join you?"
Tumango naman ako bilang sagot.
"Uhm. Guys, kayo na kumuha ng order natin. Hahanap lang ako ng upuan natin." Di ko na sila hinintay sumagot at umalis na ko dun.
Madali naman akong nakahanap ng mauupuan namin. Maya maya din ay dumating na sina Kei at Ryu. May hawak silang tag isang tray at may nakasunod pa sakanilang crew na may hawak ding tray.
"Lagi ka nalang nakasabit aa date namin!" Bulyaw ni Kei kay Ryu habang papaupo siya.
Lagi kasing sumusulpot si Ryu kung saan pagmay Date kami. Minsan nga sinasabi ni Kei na sinusundan kami ni Ryu lagi kaya alam nya kung nasan kami eh.
"Hey! Hindi sa gusto kong sumama sainyo. Nagkataon lang nakikita ko kayo lagi." Sigaw din ni Ryu kay Kei.
"Ewan sa'yo! Sabihin mo, nag-eenjoy ka sa pagiging thirdwheel sa date namin! (*>.<*)//"
"Hindi noh."
"Hindi naman pala eh. Edi umuwi kana!"
"Kumakain pa ko!"
Kumuha ako ng fries at pinanood lang sila mag-away habang kumakain ako.
"Edi lumipat ka ng lamesa mo!"
"Wala nang bakante."
Kumuha na ko ng spagetti at sumubo. Kung napapansin nyo, madaldal si Ryu. Ganyan naman yan pag kaming tatlo lang eh.
"Bwiset! Pagtapos mo dyan umuwi kana sainyo!"
"Ayoko pa. Boring sa bahay."
"Edi humanap ka ng date mo!"
"Hindi ako interesado. Ang papanget ng babaeng kilala ko."
"Si Ayane! Si Dranrei! O kaya humanap ka ng di mo kilala! Wag mo lang kaming guluhin."
"Si Vina lang maganda sa paningin ko."
Napansin kong natahimik sila. Eeeh?
(Authors Note: Di po alam ni Vina yung sinabi ni Ryu. Si Kei lang nakarinig.)
Lumingon ako sakanila bago ko isubo kung spagetti. At nabitin nalang sa ere ang tinidor nang mapansin kong nakatingin sila pareho sakin. Eeh? Ano yun?
"Uhm. Kain tayo??" Awkward kong tanong. Hihi mauubos na kasi pagkain ko, di pa sila kumakain.
Umayos naman sila ng upo at nagsimula nang kumain. Oh? Anyare? Bakit natahimik?
Haaay.. Bahala nga sila..
(Ryu's thought : Totoo namang maganda si Vina ah. Sya lang babaeng kaibigan ko kaya sya lang ang sa tingin ko ay may mukhang katiwatiwala.)
(Kei's thought : Parang eng-eng din to si Ryu. Alam ko namang maganda si Vina eh. Nahihiya lang ako kasi ang ganda ng Girlfriend ko. HELLO!!! PROUD BOYFRIEND HERE.)
BINABASA MO ANG
DreamGirls' Dream
Teen FictionEverythings are Perfect.But what if is not really Perfect? That there is something that is missing. And that Something can Affect Everything?