"bakit ka ba nagdadasal? para saan yung pinagdadasal mo? bakit minsan may mga dasal na hindi natutupad kahit na paulit ulit mong pinagdadasal sa Kanya." tanong ko sa sarili ko habang naka-upo sa pinakadulong upuan dito sa sulok ng simbahan dito sa aming bayan.
"alam mo bang may tatlong sagot dyan sa tanong mo sa Kanya" sabay turo sa imahe na nasa gitna ng simbahan.
Nagulat ako sa taong nagsalita, hindi dahil sa isa siyang estrangeho na basta basta na lang sumulpot at nagsalita pero sa kadahilanang ang taong nagsalita ay ang taong lagi kong pinagdadasal sa Kanya. Ang taong mahal ko, lihim kong minamahal sa loob ng walong taon na.
"nakakgulat ka naman Raymart! Bigla bigla kang sumusulpot kung saan saan. Siguro kung may sakit ako sa puso, inatake na ako sa sobrang pagkagulat" ani ko. Sabay hawak sa dibdib ko.
Sa loob ng walong taon, parating ganito ang nararamdaman ko sa bawat sandali na kaming dalawa ay maglalapit sa isa't isa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila ba nagkakarerang kabayo sa bilis pero magaling siguro akong magtago ng nararamdaman dahil sa loob ng walong taon hindi mo man lang napansin ang tibok na ito.
"hindi kita ginulat Christina, kung ginulat kita edi sana WAAAAAH! yung sinabi ko para magulat ka diba?" seryosong sabi niya sa akin.
"patawa ka talaga kahit kailan. wait lang ha? tatawa ako HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA dami kong tawa dun. mga walo yun a" sabay palo sa balikat niya.
At muli na naman akong nakaramdam ng isang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng mahawakan ko siya.
"Korny mo din Tina alam mo ba yun?" binigyan niya ako ng poker face na pagmumukha.
"hahahahhahaha ikaw naman oh. napaka-seryoso mo talaga. hndi ka na mabiro dyan" pinilit kong maging masaya sa harapan niya.
"hindi naman. parang hindi ka na nasanay sa akin a. simula bata pa lang tayo ganito na talaga ako" at ngumiti siya habang nakaharap sa altar.
Nakita ko yung ngiti niya kahit na naka-side view lang siya sa akin. Walang pinagbago ang mukha niya. para lamang siyang 20 years old kahit na ang totoong edad niya ay 28years old na. Katulad ko pinagkakamalan pa rin akong college student or mas maalala pa nga ay high school student.
"oo na po. alam ko yun. ikaw pa ba? halos lahat na ata ng tungkol sayo alam ko na. baka naman nakakalimutan mo na ako ay bestfriend mo. hindi lamang bestfriend kundi kababata mo pa. 1 month old pa lang tayo friends na tayo sabi ng mga nanay natin" at humarap na rin ako sa altar habang may isang mapait na ngiti sa labi ko.
"Hindi ko alam kung totoo ang pinagsasabi nila mama tsa atin tungkol sa bagay na iyan. 1 month old pa lang? parang impossible hindi ba?" at nakatingin ka pa rin sa altar at nakatitig sa imahe Niya.
"Naniniwala ako dun noh! kwento nila yun e. saksi sila mama. Kaya maniwala din tayo sa kanila. we've been best of friends for 28 years now Mart" tumitig na din ako sa Kanya sa gitna.
"yeah right! after all sabi nila Mother's knows best. Pero hindi iyon ang pinag-uusapan natin kanina Tina. Bakit parang iniiba mo ang usapan natin a?" tumingin siya sa akin na may pagdududang mukha.
"ah-eh! hindi naman aa. hahaha" humarap at ngumiti ako sa Kanya.
"Ano ba yung pinagdadasal mo kanina at parang nagdududa ka sa Kanya" sabay turo sa imahe sa gitna ng simbahan.
"wala naman. hindi naman iyon importante. kalimutan mo na yun narinig mo" pag iwas ko ng tingin sa kanya pati sa rin sa Kanya.
"Lahat ng pinagdadasal natin ay mahalaga kaya wag mo sasabihin sa akin na hndi iyon importante Tina" hinawakan niya ang kamay ko. Lalong bumilis nag tibok ng puso ko at tila nadagdagan ang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Sign from a Prayer
Short Storybakit tayo nagdadasal ng paulit ulit pero parang hindi naman natutupad? hindi nga ba natutupad o hindi mo lang namalayan na natupad na?