part 7

27 2 0
                                    

Angel's pov

krinngg…kkringg

Oh!!!..-_-kailangan ko na palang  bumangon at first day of school namin ngayon…

So after kong maligo  at mag ligpit ng mga kailangan ko para sa school , bumaba na ako at nagluto na ng almusal namin ni mika..

Hindi naman nagtagal at bumaba narin sya na nakapag ayos na ready na talaga tong babaeng to for school sabagay ako rin naman eh..

So sabay na kaming kumain ng almusal at pagkatapos ay papunta na kami sa school.

"Best exited na talaga ako sa bago nating school" exited nyang sabi

"Mukha ngang exited ka masyado eh"  sagot ko sa kanya…

"Grabe ka naman bakit ikaw hindi ka ba exited huh? Mamaya maraming mga hot guy dun"+_+ haay naku iyan na naman po tayo..

"Tumigil ka nga puro nalang lalaki ang laman nyang utak mo eh… kaya nawala ang first kiss  mo dahil sa lalake na yan eh.." saway ko naman sa kanya

"Hay naku wag mo na ngang ipa alala sakin yan at kumukulo lang ang dugo ko eh…" ayaw nya talgang pag usapan ang pagkawala ng first kiss nya…hahaha

"Hahaha ayaw mo lang ma asar eh… ano hot ba yung guy na humalik sayo?" Tudyo ko pa sa kanya!! Ansarap asarin nito eh hahaha

"Heh!! Tumigil ka angel!! Bakit ikaw anong pakiramdam na ikaw ang humalik dun sa hot gangster na  yun huh?=_^" ganti nyang tanong..

Grabe maka lihis naman sa usapan tong babaeng to.. direct to the point din eh sabagay naman...halos di nga ako makatulog kagabi dahil laman parin ng utak ko yung nangyari kagabi  pati yung mga pinag gagawa ko...haay …

Well hanggang ngayon parin naman eh.. sana lang di na kami mag kita nung hinalikan kong gangster.

"(#__#) best  wag mo na rin ipa-alala yun "

"Pano  pala pag nag krus ulit ang landas nyo,, anung gagawin mo?" Tanong nya pa.

"Haay__hindi ko rin alam best" talagang hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkita kami ulit eh…

" haha… best okay lang yan keri yan ng beauty mo"sambit nya pa

"Haay sana nga lang ma keri ko talaga … ay nandito na pala tayo best" sumakay kasi kami ng taxi hindi kasi nami alam kung san ang school eh……

Buti na lang at kilala ang school na yun at alam ng lahat ng driver…kaya mabilis kaming nakarating

8 am pa ang klase namin at mag aalas syete  palang so may time pa kaming hanapin ang mga classroom namin!

Hindi kasi kami magkaparehas ng course ni mika… sya ay nasa fashion designer at ako naman ay HRM dahil may alam naman ako sa pag luluto…

"(*__*) wow best anlaki naman ng Strainforst sigurado bang hindi tayo maliligaw nito?" Humahanga nyang tanong.

Sobra naman kasing laki ng Strainforst para ka talagang nasa isa subdivision dahil malawak to at maraming building malawak din ang ground iba talaga sya sa lahat ng school na nakita ko.

"Tama ka best buti na lang at ma aga pa may time pa tayong hanapin ang room natin" sagot ko sa kanya…

"Tara best pasok na tayo exited na talaga akong makita ang loob nito eh" aya nya sakin…

Nandito kasi kami sa harap ng main gate na sobrang laki talaga nakakalula sa taas

May mga estudyante narin ang nakatambay kahit saan dahil maaga pa siguro kaya mga takatambay sila…

"Okay so tara na."

Then sabay na kaming pumasok sa loob ng SISFE

keep calm and love me toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon